Episode 14

1235 Words
Trevor's POV:   Nagising ang diwa ko at may nakita akong isang pigura ng babae. Alam kong hindi sya ang mama ko. Para syang likod ni Zara pero alam ko na hindi sya yan dahil hindi nya naman alam na nandito ako eh.   Napatingin naman ako sa kisame dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko na naman kasi sya eh. Ilang beses ng sinabi sa akin ni mama na papuntahin si Zara dito pero ayoko.   Dahil baka kapag nakita nya ako sa ganitong sitwasyon ay iwan nya ako tulad nalang ng ginawa ng babaeng yun...   'Sorry. Pero hindi ko kayang magmahal ng taong mamatay din naman.'   Isa yun sa mga sinabi niya sa akin. Tama din naman sila. Bakit pa nila ako mamahalin kung mamatay din naman ako. Iiwan ko din naman sila.   Gaya ng pag-iwan sa akin nina papa at kuya. Napangiti nalang ako. Hintay lang ng konti papa, kuya... Magsasama na din tayo.   "Gising ka na pala." Napatingin naman ako sa kanya at laking gulat ko ng humarap sya sa akin. Anong ginagawa nya dito? "Nabalitaan ko kung anong nangyari sayo kaya dumalaw ako.”   Ngumiti naman sya ng matamis. I miss those smile. Pero galit ako sa kanya. Hindi ako umimik at tiningnan lang sya.   "Gusto mo bang kumain?"   Hindi ko sya sinagot at tiningnan ko lang sya ng malamig. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Napaiwas naman siya ng tingin ng tinitigan ko lang siya.   "A-Ano... Ipagbabalat nalang kita ng mansanas."   Nang hindi ko parin sya inimikan ay kumuha sya ng mansanas at sinimulan itong balatan. Tiningnan ko lang sya habang nagbabalat ng mansanas.   Ganun parin ang mukha nya. Maamo, mabait, malambing at maganda. Kaya nga minahal ko sya eh. Sinayang nya lang.   Napaiwas naman ako ng tingin at tumingin sa bintana. Ang bored naman dito sa hospital. Kailan kaya ako makakalabas? Nami-miss ko na ang best friend ko. Nami-miss din kaya niya ako?   Siguro hindi kasi palagi nyang kasama ang bombay na yun. Wala din namang nakakaalam na nandito ako eh. Lumiban ako sa klasi pero ang pagkakaalam nila ay nagbakasyon kami ng pamilya ko.   Ayokong ipaalam sa mga kaibigan ko lalo na kay Zara kung anong kondisyon meron ako ngayon. Isa pa mamamatay na din naman ako.   Ano pang mapapala nila kung malalaman pa nila. Iiyak lang sila. Mabuti na yung malaman nila kapag patay na ako. Atleast isang iyakan na lang ang gagawin nila.   Hindi din ako pumayag sa operasyon. Para ano pa? Papahirapan ko lang si mama. Isa pa, pagod na pagod na din ako. Gusto ko ng magpahinga.   Napapikit nalang ako at nakita ko naman ang imahe ni Zara na nakangiti. Napangiti nalang ako, nakakahawa yung mga ngiti nya. Kaya nga masaya ako kapag kasama ko sya.   Pampawala sya ng problema at badtrip ko. Makita ko lang sya ay napapangiti na ako.   'Best, anong gagawin mo kapag nawala na ako?'   Ano kaya gagawin nya kapag nawala na ako? Iiyak kaya sya? Iiyakan kaya nya ako? Mamiss nya kaya ako kapag nawala ako?   Maalala nya kaya ako kapag nawala na ako at lumipas na ang panahon? Hahanapin nya kaya ang presence ko?   Bakit ganun? Gusto ko ng magpahinga pero bakit ganun? Kapag naiisip ko si Zara may parte sa puso ko na gusto kong lumaban. Na gusto ko pang mabuhay para makita ang mga ngiti nya.   Nalilito ako. Ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya? Nalilito ako sa kung anong klasing pakiramdam ang nararamdaman ko sa kanya.   "Here..."   Napamulat naman ako at napatingin sa kanya. Inilahad nya sa akin ang binalatan nyang mansanas. Hindi ko ito tinanggap.   "Ano bang ginagawa mo dito?" malamig kong tanong. Kahit gusto kong magalit ay pinipigilan ko dahil makakasama ito sa puso ko.   "B-Binibisita ka." Kinuha naman nya ang isang upuan at umupo. Nilagay nya ang mansanas sa side table at hinawakan ang kamay ko. "I want you back."   Napatawa naman ako sa sinabi nya. She want me back? After what she did? That's a s**t! Binigyan ko naman sya ng isang ngisi.   "You want me back? Bakit? Nagsawa ka na ba sa ipinagpalit mo sa akin?"   Nakita ko namang tumulo ang mga luha nya. I want to wipe those tears but I don't want. Aaminin ko may nararamdaman pa ako sa kanya pero sa twing iniisip ko ang ginawa nya sa akin ay hindi ko maiwasang masaktan.   Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanya ay ipagpapalit lang nya ako sa iba. At sinabi pa nyang ayaw nya daw magmahal ng taong iiwan din daw sya.   Maiintindihan ko naman sya eh. Sino ba naman ang gustong maiwan? Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit pinatagal pa nya ang relasyon namin?   Bakit pinatagal pa nya ng dalawang taon? Simula palang una ay alam nya na may sakit na ako pero bakit pinatagal pa nya?   Pinaglaban ko sya. Hinabol, nagmakaawa at lumuhod sa harap nya kahit sa harap ng maraming tao ay ginawa ko para lang balikan nya ako.   Pero wala eh. Ayaw nya na talaga sa akin. Wala akong maisip na ibang dahilan para iwan nya ako maliban sa sakit ko until one day. I caught her kissing another man.   Sa sobrang galit ko ay nasuntok ko ang gagong lalaking yun. At matagal na pala sila. Nauna lang ako pero pinagpaplanuhan na nyang hiwalayan.   Hindi nya lang alam kung paano dahil baka daw masaktan ako at ang puso ko. Eh sino bang hindi masasaktan kapag hiniwalayan ka ng taong mahal na mahal mo?   Ginago nya ako. Ginago nya lang ako. Kaya simula non hindi na ako nagseryoso sa mga babae. Natuto akong paglaruan sila, dahil yun naman ang gusto nila di ba? Ang maglaro.   "No. I just realize that you're the one that I love. Hindi ko lang alam kung papaano babalik sa ‘yo. Please, babe. I love you. I really love you, Babe.”   "But I don't love you anymore."   Walang emosyon kong sabi sa kanya. May konti pa akong nararamdaman para sa kanya pero ayoko ng bumalik sa kanya.   Hindi na ako babalik sa taong sinaktan at pinagpalit ako sa iba dahil posibleng gawin nya ulit yun. Mahirap nang ibalik ang tiwalang nasira na.   "No." Iiling-iling nyang sabi habang umiiyak at hinahalikan ang kamay ko. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil ayoko talagang nakikita syang umiiyak. “Alam kong mahal mo pa rin ako. Just give me another chance, Babe. Please.” Kahit mahal ko pa sya ay may pumipigil sa akin na balikan sya at hindi ko alam kung ano yun. "Ace..."   Napatingin naman ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko. Lumaki ang mga mata ko ng bigla nyang hawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi.   Hindi ako tumugon sa halik nya. Namimiss ko ang halik nya... Iba parin talaga kapag mahal mo ang humahalik sayo. May tamis na hindi ko natikman sa mga naging flings ko.   Pipikit na sana ako at tutugon sa halik nya ng pakiramdam ko... Pakiramdam ko ay may nanonood sa amin.   Iginala ko ang paningin ko at hindi nga ako nagkamali. May nanonood nga sa amin...   Agad kong natulak si Samantha. Nagtaka naman sya sa ginawa ko at napatingin kong saan ako nakatingin. Kumurot ang puso ko ng makitang may luhang bumagsak mula sa mga mata nya.   Agad naman nyang pinunasan ito at umalis.   "Zara..."   Tatayo na sana ako para habulin sya pero pinigilan ako ni Samantha.   I need to explain to her... Pero paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD