Episode 15

1364 Words
Naomi's POV:   Kahit labag sa loob kong bumalik sa room hospital ni Trevor dahil nga sa nakita ko kanina ay wala akong magagawa. Tumawag kasi si Tita Divine kanina at nagwawala daw si Trevor.   Kaya kahit ayaw ko ay ito ako ngayon at papunta sa kanya. Gusto pa sana akong samahan ni Rome kanina pero hindi na ako pumayag. Masyado na akong abala sa kanya. Ginawa ko na nga syang crying pillow kanina, gagawin ko pa syang bodyguard. Aba! Abuso ka na Naomi.   Napaisip ulit ako sa sinabi ni Rome sa akin bago tumawag si Tita Divine.   'Hindi mo naman iiyakan yung tao kung hindi mo naman mahal.'   Mahal? Mahal ko na nga ba sya? Aaminin ko na masaya akong kasama at katext sya. Nami-miss ko din ang pagiging mahangin at ang pagiging makulet nya. Minsan hinahanap-hanap ko din ang presensya nya.   Pero mahal na bang maituturing ang ganung pakiramdam? Napahinto naman ako at umiling-iling habang tinatapik-tapik ang magkabila kong pisngi. Napabuntong hininga nalang ako. Pati tuloy ako nalilito.   Kung sakali ngang mahal ko sya, anong tawag ko sa nararamdaman ko para kay Rome? He's my ideal guy while Ace is not. Will 'cause he's a playboy.   Ngayon ko lang narealize. Nakakalito pala ang pag-ibig at nakakabobo din. Kahit anong talino mo kung hindi mo naman alam kung ano talaga yung nararamdaman mo ay bobo ka parin. Hayst!   Napatingin naman ako sa harap ko. Hindi ko tuloy namalayan na nandito na pala ako sa harap ng room nya. Papasok pa ba ako? Pwede bang hindi nalang? Gusto kong wag nalang pumasok at umalis nalang sa lugar na 'to.   Napatalon naman ako sa gulat ng may naririnig akong nababasag na gamit at may sumisigaw.   "Aaarrggh! LEAVE ME ALONE!"   Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang magulong silid. May dumaan bang bagyo dito? Nakita ko naman si Tita at Tito hindi kalayuan sa pintuan.   Nakayakap si Tito kay Tita habang si Tita naman ay umiiyak. Ano bang nangyari dito?   "Anak, please come down. Makakasama yan sayo," umiiyak na sabi ni Tita.   Naawa tuloy ako kay Tita. Alam ko na ayaw nyang mawala si Trevor sa kanya dahil nawala na nga sa kanya ang asawa at isang anak nya. Ano pa kaya kung mawala din si Trevor sa kanya? Eh di bigti na? De joke lang hihi.   Syempre sobrang sakit na yun. Lahat ng bahagi ng pamilyang binoo mo ay unti-unting nawawala sayo.   "I  don't f*cking care! Just leave me alone!"   Lumapit ako kay Tita at hinawakan sya sa balikat nya para mapatingin sya sa akin. Ngumiti ako ng tipid at tumango sa kanya. Pinaparating ko sa kanya na ako na ang bahala sa anak nya. Ngumiti din sya sa akin pero may bahid ng lungkot ang ngiti nya at tumango.   Sabay silang lumabas ni Tito. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Trevor. Hindi nya kasi ako nakikita dahil nakatalikod sya sa akin habang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa hospital bed nya.   Sapo-sapo nya ang noo nya at hindi lang ang kwarto ang magulo dahil pati buhok nya ay magulo. Mukha syang miserable sa itsura nya.   Ano bang problema nito? May halik na nga sya galing sa magandang babaeng ‘yon kanina, nagwawala pa siya. Napasinghap naman ako. Baka nabitin siya kaya siya nagwawala. Kasi nga ‘di ba, pagdating ko kanina ay naudlot ang ginagawa nila.   Oh my! Dapat pala hindi na ako bumalik dito dahil baka ang ihagis nito sa bintana dahil nabitin siya. Tumalikod na ako at naglakas na paalis, pero isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay napatigil ako dahil nakarinig ako ng isang paghikbi.   Napayakap naman ako sa sarili ko. Huhu baka may multo dito. At ‘yong namatay dito dati ang naririnig niyang umiiyak ngayon. Naku! Naku! Huwag naman po sana. Takot ako sa multo.   “Zara."   Waaah! Napatakip nalang ako bigla sa magkabila kong tenga. Lalala wala akong naririnig. Huhu bakit nya ako kilala. Sinasabi ko na nga ba eh may multo dito at kilala nya ako. Oh please multo wag kang magpapakita sa akin.   Nagulat naman ako ng may kumalabit sa akin. "Ay multo!"   "Hoy! Anong multo pinagsasabi mo dyan?"   Napadilat naman ako ng mata ng marinig ko ang boses nya. Napalinga-linga naman ako at yumakap sa kanya dahil sa takot. Baka kasi nasa likod ko lang yung multo at biglang bumulong.   "Best may multo. " Naiiyak na ako. OA na kung OA, pero matatakotin talaga ako sa mga multo. Ayoko non! Niyakap naman nya ako at hinagod ang likod ko.   "Sshh... Walang multo best." Pagpapatahan nya sa akin pero umiling-iling ako.   "Hindi. Meron best. Narinig ko pa nga syang umiyak at tinawag pangalan ko."   Natawa naman sya sa sinabi ko. Hinampas ko sya sa dibdib at lumayo sa kanya. Nakakainis sya, natatakot na nga ako pagtatawanan nya pa ako. Napatingin naman ako sa kanya ng dumaing sya sa sakit. Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan syang umupo. Tanga din si ako no? May sakit na nga sa puso yung tao, hinampas ko pa sa dibdib. Galing mo Naomi. Galing mo.   "Sorry, sorry. Nakalimutan ko."   "Okay lang."   "Ikaw naman kasi eh."   Hala! Pinambintangan ba naman sya haha. Pero totoo naman eh, kung hindi nya sana ako pinagtawanan eh di sana hindi ko sya nahampas. Napatingin naman ako sa kanya ng hawakan nya ang dalawa kong kamay. Ang lamig ng kamay nya at ramdam ko ang panginginig.   "Nilalamig ka. Sandali, hihinaan ko lang yung air con."   Tatayo na sana ako ng pinigilan nya ako.   "Okay lang ako. Hindi ako nilalamig."   "Weeh?"   Medyo napaatras pa ako ng sabihin ko yun. Hindi daw sya nilalamig pero ang lamig ng kamay nya. Pati yung boses nya ay nanginginig. Ganyan ba ang hindi nilalamig?   Napatawa naman sya sa inasta ko. Baliw din to eh. "Okay nga lang ako."   "Sabi mo eh."   Nagkibit balikat nalang ako. Mapilit sya eh. Hindi daw sya nilalamig, kaya hindi. Pabayaan nalang natin, sarili nya yan eh.   "Best?"   "Hmm?"   Anak ng pating... Tinawag nya lang ba ako para titigan? Tinawag nya ako at ng sagutin ko sya ay tinitigan lang ako. Ano to? Titigan nalang? Tinitigan ko ang mga mata nya na nababalisa. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.   Baka natatae?   "Tsk! Hindi ako natatae."   Nagulat naman ako sa sinabi nya. Hala! Paano nya nalaman? Mind reader siguro to. Pinaningkitan ko naman sya ng mata.   "Hindi ako mind reader okay? Nahahalata kasi dyan sa mga reaction mo."   Ano bang pinapakita kong reaction? "Ano ba kasi yun? May gusto ka bang sabihin? Para ka kasing natatae sa pagkabalisa mo."   "Hindi nga kasi ako natatae. Ang kulit mo."   Marahas ko namang iwinasik ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Aba! Ako pa ang makulit, eh totoo naman talaga yung sinabi ko. Tsk! Mukha nya mukhang tae!   "Ano ba kasing sasabihin mo?"   Naiinis kong sabi. Inirapan ko pa sya para naman ramdam nya ang pagkainis ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.   "Sorry.”   Napatingin naman ako sa kanya pero nakaiwas lang sya ng tingin sa akin. Ano daw? Sorry? Para saan naman yung sorry nya? Hindi ako kumibo at hinintay ko lang na magsalita sya ulit. Malay mo may kasunod pa.   Ilang minuto syang naging tahimik, mukhang wala na ata syang sasabihin eh. Ayoko din naman magsalita kasi naalala ko, nagtatampo pala ako sa kanya.   Wow Naomi. Ngayon mo lang naalala na nagtatampo ka sa kanya? Kanina kung makayakap ka... Ano magagawa ko kung ngayon ko lang naalala? Tsk!   "Sorry kasi nakita mo kanina na may humalik sa akin. I promise, I didn't kiss her back."   Napaatras naman ako ng konti. Nang konti lang naman dahil sa gulat. Eh kasi naman, hindi ko maintindihan kung bakit ba sya nag-e-explain sa akin about sa nangyari kanina. Ano nya ako? Girlfriend? Para mag-explain sya sa akin.   "Ano ka ba! Wala yun. Bakit ka ba nagpapaliwanag sa akin? Wala yun."   Tumawa pa ako kahit pilit habang hinahampas hampas ang hangin. Bakit parang may side sa akin na tumututol sa sinasabi kong 'wala lang yun'? Aish! Ewan.   "Baka kasi ano isipin mo eh. Hindi ko sya girlfriend."   "Okay. Sabi mo eh."   Utot mo! Hindi girlfriend pero nakipaghalikan sya. Tsk! Sinong niloko mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD