Episode 16

1537 Words
Naomi's POV:   Back to normal na naman. After ng pag-uusap namin ni Trevor sa hospital ay naging okay na ulit kami. Nakauwi na sya and he's taking rest sa bahay nila. Hindi pa sya pumapasok dahil medyo mahina-hina pa daw yung puso nya. Bawal muna daw stress.   "Good morning." Napangiti naman ako sa pagbati nya sabay ng paglahad nya sa harapan ko ng bulaklak. Tinanggap ko ito ng may ngiti sa labi.   "Good morning. Thanks for this."   "Your welcome. Talk you later."   Tumango naman ako at tiningnan sya papunta sa pwesto nya na nasa likod. Back to normal mean lahat bumalik sa dati. Hindi na din namin napag-usapan ulit ni Rome ang nangyari sa park.  Sa inaasta nga nya mukhang walang dramahan na naganap.   Inamoy ko nalang ang bigay nyang bulaklak at napangiti ulit. Kahit kailan ang sweet nya talaga. Ang swerte ko dahil ako ang babaeng napili nya. Napangiti nalang ako ng malapad dahil sa naisip ko.   "Ang aga-aga, may langgam na." Napatingin naman ako kay ampalaya este kay Zoe na kararating lang. Halata sa mukha nya na umiyak sya at walang pa masyadong tulog. In short para syang zombie sa sobrang haggard ng mukha nya.   "Ang aga nangangamoy ampalaya." Inismaran lang ako nito.   Napabuntong hininga nalang ako. Ilang araw na kasi silang hindi okay ni Levi dahil nakita daw nya sa akto na may ibang babae si Levi. Tinanong ko naman si Levi, ang sabi nya pinsan nya lang daw yun. Gusto nyang mag-explain kay Zoe, pero itong gaga kong kaibigan ay ayaw makinig tapos sya pa 'tong iiyak. Eh bakit hindi nalang nya pakinggan ang paliwanag ni Levi ng maging okay na sila?   Mga kabataan nga naman. Pinapahirapan pa ang sitwasyon. Kung sa sunog pa ay binubuhusan pa nya ng gasolina kaya lumalaki. Sila din naman yung masasaktan. Sila din yung iiyak. Kaya maraming nasasaktan at nahihirapan eh. Kahit madaling ayusin, ayaw talaga. Gusto pa nila yung iyak ng iyak bago happy-happy.   Ewan ko ba sa kanila. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy ang oras. T.L.E time...         Zoe's POV:   "Omi." Kinalabit ko sya sa braso kaya napatigil sya sa paghahanda ng mga dadalhin nyang gamit. Napatingin naman sya sa akin.   "Bakit?"   "Pwede bang hindi nalang— Aray! Ang brutal mo ha! Masakit kaya yun." Pagmamaktol ko sa kanya. Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko binatukan ba naman ako. Ang bigat ng kamay ng babaeng 'to.   "Tigil-tigilan mo ako Zoe ha! Papasok ka sa ayaw o sa gusto mo." Bumalik na naman sya sa paghahanda ng gamit nya. Kaya napanguso nalang ako.   "Eh kasi naman..."   Napapikit naman ako bigla at hinihintay ang paglapat ng kamay nya sa batok ko. Napadilat ako ng isa kong mata ng wala akong naramdamang sakit. Napabuntong hininga nalang sya.   "Alam mo Zoe, pag-usapan nyo nalang yan. Ayosin nyo. Kayo lang din naman ang nahihirapan, eh.”   "Ano? Papaloko na naman ako? Kitang-kita ko na nga eh, magbubulag-bulagan parin ako. Hindi na uy."   "Yan! Yan!"   Napapikit nalang ako ng bigla syang tumayo at sumigaw. Buti nalang kaming dalawa nalang ang nandito sa room. Yung iba kasi naming kaklasi ay nagsipuntahan na sa mga T.L.E room nila.   "Yan ang dahilan kaya ka nasasaktan. Kaya kayo nasasaktan. Your jumping into conclusion."   "T-Totoo naman kasi eh."   "Sige. Magmatigas ka. Ikaw lang din naman ang masasaktan. Ikaw lang din naman ang iiyak. Hintayin mo nalang yung tao ang mapagod sayo at tuluyan ka ng iwan. Kapag dumating ang araw na 'yon. Wag kang iiyak! Dahil sinasabi ko sayo. Babatukan talaga kita ng paulit-ulit hanggang sa magising ka."   Pagkatapos ng mahaba nyang speech ay umalis na sya at iniwan akong mag-isa dito. Eh bakit sya galit? Baka may dalaw. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ko na ang mga gamit ko.   Nang makalabas ako ay nakita ko si Levi na nakasandal sa pader na malapit lang sa pintuan. Tumingin naman sya sa akin ng seryoso.   "Can we talk? Please."   Tumango nalang ako at sinundan sya. Habang naglalakad sya ay napapatingin ako sa likod nya. Namimiss ko na sya. Ang pagiging makulit nya, ang mga ngiti nya at tawa. Ano ba kasi tong ginawa ko?   Tama nga si Omi, I'm Jumping into conclusion. Pero nakita ko kasi sya na may kayakap sa park. He tried to explain to me but I didn't give him a chance at palaging naka-off ang phone ko.   Hindi ko namalayan na dinala nya pala ako sa likod ng isang building. Hindi kami umimik dalawa at hanggang ngayon ay nakatalikod pa din sya sa akin. Gusto ko ng makipagbati sa kanya. Sobra ko na syang namiss.     "Le—"   "Zoe, we need space."   This time humarap na sya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. We need space? Eh ang laki na nga ng agwat namin. Umatras naman ako ng konti para mabigyan sya ng space na gusto nya.   "What are you doing?" Kunot noo nyang tanong.   "Space. Sabi mo di ba kailangan natin ng space? Kaya ito ako lumayo ng konti para magka-space."   Napasapo naman sya sa mukha nya kaya napanguso nalang ako. "What do I mean is... W-We need a break. "   "Pagkatapos naman ng T.L.E natin, break na ‘yon."   "Damn!” Napasabunot nalang sya dahil sa sinabi ko. Para syang frustrate na frustrate. Hindi ko sya maintindihan kung bakit sya nagkakaganyan. "Can’t you get it? Makikipag-break na ako sayo."   Tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha ko dahil sa sinabi nya. Alam ko naman na yun ang ibig sabihin nyang space at break eh. Ano palagay nya sa akin? Tanga? Hindi naman ako ganun katanga at kamanhid.   Dinadaan ko lang sa pagbibiro para hindi tumulo ang mga luha ko. Dahil lang ba sa hindi ako nakinig sa paliwanag nya? Kung dahil nga doon ay handa akong makinig sa paliwanag nya.   Tinakpan ko na ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay dahil sa hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Ganito pala kasakit ang hiwalayan ng mahal mo. Ang sakit-sakit. Parang tinutusok ang puso ko ng isang daang karayum. Napahagulgol na ako ng yumakap sya sa akin.   "Lev, bakit? Dahil ba sa away natin? Kung dahil doon, makikinig ako sa explanation mo. Papatawarin kita. Just please... Wag mo naman akong hiwalayan. Mahal kita Levi. Mahal na mahal kita." I said between my sob.   Desperada na kung desperada basta ayokong mawala sya. Ganun ko sya kamahal. Sa tagal-tagal naming relasyon ay kahit kailan ay hindi kami nag-away at palagi kaming nagkakaintindihan.   Walang araw na hindi kami masaya. Ngayon lang kami nagkaaway ng ganito. Ngayon lang. Pero hindi naman yun sapat na dahilan para hiwalayan nya ako di ba? Wala akong maisip na dahilan para bitawan nya nalang ako ng ganito bigla.   "Shhh... Don't cry." Napaangat ako ng tingin sa kanya ng narinig ko syang pumiyok at tama nga ako. Umiiyak nga sya. Hinampas ko sya sa braso. "Aray pumpkin. Masakit yun ah."   Hinampas ko sya ulit, hinaharangan lang nya ng kamay nya ang mga hampas ko sa kanya. "Ang kapal ng mukha mo! Ikaw tong nakikipaghiwalay tapos ikaw tong iiyak. Inagawan mo pa ako ng eksina mokong ka!"   Patuloy parin ako sa paghahampas sa kanya at sya naman itong harang lang ng harang. Ang kapal talaga ng mukha. Sya na nga tong nakikipaghiwalay sa akin tapos iiyak din sya.   Nagulat ako ng bigla nyang nahuli ang dalawa kong kamay at sinandal ako sa pader. Napalunok ako at ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nya.   "Mahal na mahal kita pumpkin."   Tumulo na naman ang mga luha ko. Nakakainis! Bakit ba sya ganyan? Kanina gusto nyang makipaghiwalay tapos ngayon sasabihin nyang mahal nya ako. Pinunasan nya ang luha ko gamit ang thumb nya.   "Shhh... Don't cry." Napapikit nalang ako ng halikan nya ako sa noo then he hug me and I hug him back.   "Nakakainis ka! Kanina gusto mong makipaghiwalay tapos ngayon sasa—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko.   Lumaki ang mga singkit kong mata at sing bilis pa kay Flash ang pagtibok ng puso ko. Napahawak nalang ako sa labi ko ng humiwalay na ito sa labi nya. Oo mga kababayan. Tama po kayo ng nabasa. Hinalikan nya po ako.   "Hindi mo kasi ako pinapansin kaya sinabi ko yun." Hinampas ko ulit sya ng malakas sa braso nya kaya napadaing sya pero wala akong pakialam dahil ang sama nya.   "So ganun pinagloloko mo lang pala ako. Ang sama mo!" Napatigil ako sa paghampas sa kanya ng mahuli nya ulit ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit kaya napatahimik nalang ako.   "Nong sinabi ko sayo na gusto ko ng makipagbreak sayo. Doon ko na-realize na hindi ko pala kaya na wala ka. I just love you damn much pumpkin."   Tumulo ulit ang mga luha ko. Hindi na sya gaya ng kanina dahil sa lungkot. Ngayon ay dahil na sa saya.   "Hindi ko din kaya na mawala ka pumpkin. Mahal na mahal din kita."   He hug me tighter. Hindi ko talaga kaya na mawala ang lalaking ito dahil wala na akong makikita pang ibang lalaki na gaya nya. Na handang intindihin ang nakakalito kong ugali.   I promise to myself that I won't let this man go. 'Cause I know that I'll regret everything if I do that...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD