Naomi's POV:
Nakatingin ako sa dalawang paparating sa kinaroroonan ko ngayon. Iiling-iling akong nakatingin sa kanila habang papalapit sa akin. Nakangiti silang dalawa habang magkahawak ang mga kamay. Mukhang okay na sila ah.
"Oh ano? Okay naman siguro kayo di ba? Nag-cutting pa kayo eh." Nagkatinginan naman sila at napangiti. Napailing nalang ako at itinaas ang dalawa kong kamay na sinasabing 'wala na akong magagawa'. "Love birds nga naman. Oh sya. Tara na at ako'y nagugutom na."
Tumalikod na ako at nauna sa kanilang maglakad. Naramdaman ko naman sa sumunod sila sa akin. Pag-ibig nga naman oh. Nakarating na kami ng canteen at sabay-sabay na kumain.
Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ang sweet nila. 'Kala mo sila lang yung tao sa mundo. Walang pakialam kung anong sinasabi ng nasa paligid nila. Hay! Sana sila na talaga.
Dumaan ang oras at uwian na... Sinundo na ni Levi si Zoe at magda-date pa daw sila. Nauna na din si Rome dahil tumawag ang mama nya at pinapauwi sya ng maaga. Kaya ito ako ngayon, mag-isang naglalakad sa daan.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang phone ko ng mag-vibrate ito.
From: Trevor :)
- Papasok na ako bukas best. See yah :)
Napangiti nalang ako sa text nya. Buti naman at pwede na syang pumasok. Naglakad na ulit ako pauwi. Binuksan ko na ang gate at isinara. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko naman si Manang na papunta sa kusina.
"I'm home manang."
"Oh nandyan ka na pala. Sige iha, gagawan lang kita ng merienda mo."
"Thank you manang."
Ang bait talaga ni manang. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Humiga muna ako sa kama ko at napatingin sa kisame. Maganda kasing tingnan yung kisame ko kasi may mga star na design. Parang galaxy yung kisame ko.
Bumaba na din ako ng tinawag ako ni manang. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay manang na magpapahangin muna ako sa garden. Wala naman akong gagawin ngayon eh. Wala din naman akong homework.
Napangiti nalang ako ng wala sa oras dahil sa iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaction nya bukas. Balak ko na kasing sagutin si Rome bukas. Nagpaalam na din ako kina mommy at pumayag naman sila basta wag lang pabayaan ang pag-aaral.
Mabait si Rome, sweet, caring, matalino, at bunos na ang pagiging gwapo nito. Lahat ng gusto ko sa iisang lalaki ay nasa kanya na. Wala na akong hahanapin pang iba sa kanya. Isa pa gusto ko din naman sya at araw-araw nyang pinaparamdam sa akin kung gaano nya talaga ako kamahal.
Kaya nga araw-araw masaya ako. Kahit nga makita lang sya ay masaya na ako. Ito ang unang beses na kinilig ako na nakikita nila, nya. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na kapag nandyan si crush ay para ka ng maiihi sa kilig. Act normal lang ako.
Kaya nga sinabihan ako ni Zoe ni abnormal daw ako kasi hindi ko pinapakita ang kilig -.- Abnormal ba agad? Di ba pwedeng nakakahiya kapag nakahalata? Ay ewan! Basta buo na ang desisyon ko. Sasagutin ko na si Rome bukas. Napatigil ako sa pag-iisip ng mag-ring ang phone ko.
Trevor, calling.
"Hello."
"Best!" Napangiwi naman ako ng sumagot sya. Minsan iniisip ko para syang babae kasi sya yung parang parating excited sa aming dalawa. Parang di nanggaling sa hospital, ano?
"Oh? Mukhang masaya ka ah."
"Oo nga eh." Rinig na rinig ko ang mahina nyang bungisngis.
Tingnan nyo. Para talaga syang babae. Napailing nalang ako. Sa akin lang din nya kasi yan pinapakita ang ganyan nyang side. Yung side nya na masayahin at makulit.
"Bakit naman?"
"Kasi papasok na ako bukas. Ang boring kaya dito sa bahay." Napatango nalang ako kahit alam ko naman na hindi nya makikita.
Napangiti nalang ako ng maalala ko na sasabihin ko nga pala sa kanya na sasagutin ko na si Rome bukas. Syempre dapat nyang malaman dahil bestfriend ko sya. Isa pa ayaw ko na malaman nya pa sa iba. Mas mabuti na 'yong ako mismo magsabi sa kanya.
"Sya nga pala best. Hehe may sasabihin pala ako sayo."
Napakamot naman ako sa batok ko. Bakit parang nakaramdam ako bigla ng hiya? Nahihiya akong sabihin sa kanya na sasagutin ko na si Rome. Dahil siguro sa lalaki sya kaya nahihiya ako. Eh basta! Bahala na.
"Oh ano 'yon?" Excited nyang tanong. Excited lang?
"A-Ano kasi... Ano..."
"Ano ba kasi yun?" Naiinip nyang tanong. Bakit ba kasi hindi ko masabi sa kanya? Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Sasagutin ko na kasi si Rome bukas."
Ho! Ayan! Nasabi ko rin. Hinintay ko ang sagot nya pero dumaan ang ilang segundo ay hindi sya sumagot.
"Hello Trev?" Pero hindi parin sya sumasagot.
Tiningnan ko naman kung naka-end ba ang call pero naka-on pa naman. Itinapat ko ulit sa tenga ko ang phone at tinawag ulit si Trev. Ano bang nangyayari sa isang ito? Bakit hindi na sumagot? Tulog na kaya? Langyang Trevor to oh! Tinulugan ba naman ako.
Ibaba ko na sana ang tawag ng may narinig akong mabibigat na paghinga. Napakunot noo nalang ako at biglang nakaramdam ng kaba.
"Trev? Still there? Hey! Speak up!"
Pero wala akong narinig na pagsagot mula sa kanya. Alam kung hindi dapat ako mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasan lalo na't nakakarinig ako ng mabibigat na paghinga galing sa kabilang linya.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa mga narinig ko. Para na itong lalabas sa sobrang pagkabog nito. I felt cold. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko habang nakikinig sa kabilang linya.
"Oh my gosh Ace! What happen to you? Frank... Call the doctor now."
** toot toot **
Ang boses ni tita Divine ang huli kong narinig bago namatay ang tawag. I-Ibig sabihin... Inatake na naman sya. Agad akong napatayo sa naisip ko.
Nagmadali akong nagpaalam kay manang at sumakay ng taxi para makarating sa bahay nina Trevor. Alam ko na kasi kung saan sya nakatira dahil nong umuwi sya galing sa ospital ay kasama ako. Kinulit ko pa ang driver na bilisan ang takbo. Hindi ko maiwasan ang manginig. Nangingilid na din ang mga luha ko habang iniisip ang kalagayan nya.
Ilang beses ko na din kasi syang nakitang inatake sa puso. At kitang-kita ng dalawang mata ko kung papaano sya nahihirapan sa paghinga at papaano sya mamilipit sa sakit. Kapag nga inaatake sya ay ayaw nya na nakikita ko sya sa ganong sitwasyon dahil ayaw daw nya makita akong umiiyak.
Sa twing inaatake kasi sya ay napapaiyak na ako. Naiiyak na ako dahil kahit hindi ko nararamdaman ang sakit na dinadamdam nya ay feeling ko ay nararamdaman ko din. Naaawa ako kapag inaatake sya kasi kita mo talaga ang paghihirap nya.
Agad akong bumaba sa taxi at nagbayad ng makarating ako sa bahay nila. Pinagbuksan ako ng isa sa mga katulong nila. Nadatnan ko si tita sa sala na nakayakap kay tito.
"Tita. Si Trev po?"
Hindi na nya nasagot ang tanong ko ng nakita naming pababa na ang private doctor na galing sa kwarto ni Trevor. Agad na lumapit si tita at tito sa doctor.
"Doc, k-kumusta si Ace?"
"I need to talk to you Divine."
Seryosong sabi ng doctor kay tita Divine. Kinabahan naman ako sa seryoso ng pagkakasabi nya. May masama na naman bang nangyari sa puso nya? Tumango naman si tita. Bago pa makalayo ang doctor ay tinawag ko sya kaya napalingon sila sa akin.
"Doc? Can I see him?"
"Okay. But don't give him stress. Kaya sya inatake ay mukhang nagulat sya o di kaya'y may hindi sya nagustuhan."
"Okay doc. Thank you."
Tumango naman sya at umalis na sila. Umakyat na din ako papunta sa kwarto ni Trevor. Habang papaakyat ako ay hindi ko maiwasan isipin ang sinabi ng doctor. Stress? Posible kayang ako ang nagbigay sa kanya ng stress? Pero papaano? Sinabi ko lang naman sa kanya about sa plano ko bukas. Dahil kaya don?
Napatigil ako sa pag-iisip ng makarating na ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito dahan-dahan na binuksan.
Nakita ko naman sya na mahimbing na natutulog. Kinuha ko ang isang single chair at itinabi ito sa gilid ng kama nya. Ang himbing ng tulog nya. Para talaga syang anghel. Pero kahit na ang himbig ng tulog nya ay bakas parin sa mukha nya ang hirap na dinanas nya kanina.
Ang laki ng mga namumuong pawis sa mukha nya. Halata na nahirapan sya kanina. Kinuha ko ang towel na nasa side table nya at pinunasan ang mga pawis nya sa noo. Kawawa naman ang bestfriend ko. Nang wala na akong makitang pawis sa noo nya ay kukunin ko na sana ang kamay ko mula sa noo nya ng hawakan nya ito.
Bahagya pa akong nagulat ng makita ko na nakadilat ang mapupungay nyang mga mata. Kahit ang mga mata nya ay nagpapahiwatig din na nahihirapan sya.
"Best." Nanghihina nyang tawag sa akin. Nginitian ko naman at hinaplos ang buhok nya. Napapapikit naman sya sa ginagawa ko.
"Kumusta ng pakiramdam mo?" Ngumiti naman sya pero nakapikit parin ang mga mata nya. Patuloy lang ako sa paghaplos ng buhok nya.
"Feel better now that you're here." Nginitian ko nalang sya. Ayoko ng magsalita pa para hindi na din sya magsalita. He need a rest. Kailangan nyang magpahinga para makabawi sya sa lakas na nawala sa kanya kanina. "Best?"
"Hmm?" Hinahaplos ko parin ang buhok nya habang nakapikit sya.
Mas madali kasi syang nakakatulog kapag hinahaplos ang buhok nya. Ginagawa ko sa kanya dati ito kapag gusto nyang matulog.
"Pwede bang wag mo nang sagutin si Rome?"
Napatigil ako sa paghaplos sa buhok nya at napatingin sa kanya. Nakadilat na ang mapupungay nyang mga mata at diretsong nakatingin sa akin. G-Gusto nyang wag kong sagutin si Rome? Pero bakit?