Naomi's POV:
"Pwede bang wag mo nang sagotin si Rome?" I freeze.
Nagulat talaga ako sa sinabi nya. Bakit ba ayaw nyang sagutin ko si Rome? Akala ko ba wala syang tutol don. Pero bakit ngayon. Tinignan ko ang mga mata nyang nagsusumamo. Nagsusumamo na pumayag ako sa hinihingi nyang favor. Hinaplos ko ulit ang buhok nya.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya pero sa buhok nya lang ako nakatitig.
Hindi ko kayang pantayan ang mga titig nya. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan nya para hindi ko sagutin si Rome. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.
“Kasi... Kapag sinagot mo na sya at naging kayo... Mawawalan ka na ng oras sa akin. Makakalimotan mo na ako and worst iiwan mo na din ako."
May point sya sa sinasabi nya. Na baka mawalan na ako ng time sa kanya pero hindi ko naman sya kakalimutan. Lalo nang hindi ko sya iiwan. Kinuha nya ang kamay ko na nakahaplos sa buhok nya at hinalikan ito. Nagulat ako sa ginawa nya pero mas nagulat pa ako ng magsimula ng tumulo ang mga luha nya.
"W-Wag mo akong iwan best. Please... I'm begging you." Ani nya sa gitna ng mga hikbi nya habang hinahalikan ang kamay ko. Hindi ko aakalain na mas magugulat pa ako dahil sa sinabi nyang mga kataga. "Mahal na mahal kita Zara. Hindi bilang best friend kundi bilang isang lalaki na nagmamahal sa isang babae. Please don't leave me. I love you... I love you so much..."
Patuloy parin sya sa pag-iyak. Samantalang ako ay hindi makagalaw at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi nya. Mahal nya ako? Pero paano? Bakit? Kailan? Ang dami kong tanong sa kanya pero mas pinili ko nalang na manahimik.
Nakapagdesisyon na ako. Tutuparin ko ang favor nya. I'll stay by his side no matter how hard it is. Susubukan kong suklian ang pagmamahal nya. Alam kong masasaktan ko si Rome sa desisyon ko. Pero kailangan ako ng bestfriend ko. Kailangan ako ni Trevor ngayon.
Niyakap ko nalang sya at hinagod ang likod nya para mapatahan sya. Masama sa kanya ang umiyak. Kahit bestfriend lang ang turing ko sa kanya ay susubukan ko. Susubukan ko para sa kanya. Siguro naman hindi nya ako sasaktan.
"B-Best?"
"Shh... Oo na. Hindi ko na sya sasagotin."
"Thank you best. Thank you."
Niyakap naman nya ako ng sobrang higpit na parang ayaw na nya akong pakawalan. Ilang minuto din ay kumalas na sya sa pagkakayakap at tiningnan ako.
"So tayo na?"
Nagulat naman ako sa tanong nya. "Anong tayo na? Manligaw ka muna no!" Singhal ko sa kanya. Napa-pout naman sya. Ang cute nya talaga. Kaya maraming nagkakagusto sa playboy na 'to eh. Kasi may ibubuga.
"Wag na. Tayo nalang kasi."
Aba—" Aba hindi ako pinatapos. Bastos to ah. Nilagay nya ang daliri nya sa bibig ko para tumahimik ako.
"Kahit tayo na ay araw-araw parin kitang liligawan. Promise."
Hinalikan nya ang noo ko na nagpapula ng mukha ko. Mukhang wala na akong magagawa pa, kundi ang pumayag. I can't believe my first boyfriend is a playboy.
Ngayon. Isa nalang ang problema ko. Kailangan kong makausap bukas si Rome. Sana maintindihan nya ang naging desisyon ko. Ayoko man syang saktan pero mukhang doon din papunta yun.
KINABUKASAN…
"Rome, pwede ba tayong mag-usap?" Napatingin naman sya sa akin at tumango.
"Guys, mauna na kayo. Mag-uusap lang kami ni Naomi."
"Asus! Ang sabihin mo ay magda-date kayo." Pang-aasar ni Christian. Binato naman sya ni Rome ng scratch paper kaya natawa nalang kami.
"Baliw!"
"Sige. Enjoy kayo." Sabi ni Krys na may mapang-asar na ngisi.
Napailing nalang ako sa mga inasta nila. Uwian na din kasi namin. Hindi din nakapasok si Trevor ngayon dahil kailangan nyang magpahinga. Nagmamaktol nga 'yon kanina eh. Parang bata. Wala na din syang nagawa ng sinabi kong magpahinga na sya. Ako ang boss eh.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Nabalik naman ako sa ulirat ng magtanong sya.
Bumuntong hininga muna ako bago umupo sa upuan na nasa harap nya. Kaming dalawa nalang ang nandito sa room kaya okay na, na dito kami mag-usap.
"G-Gusto..." Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang sasabihin ko dahil alam ko, sa oras na masabi ko sa kanya yun ay masasaktan sya.
Pero mas mabuti na 'yong maaga kong masabi sa kanya at ayoko na din syang paasahin. Huminga muna ako ng malalim dahil ramdam kong nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Gusto ko si Rome, aaminin ko 'yon. Pero siguro talagang hindi kami ang itinadhana. She deserve someone better. Better than me.
"Gusto ko sanang humingi ng sorry." Napapikit ako ng masabi ko 'yon.
Hinahanda ko na ang sarili ko. Dahil baka sigawan nya ako at sumbatan dahil pinaasa ko sya ng ilang buwan. Ilang buwan nya akong hinintay pero sa huli hindi ko rin naman pala sya sasagutin.
"Busted na ba ako nyan?" Napatingin naman ako sa kanya ng tumawa sya ng mahina. Pero alam ko na peke ang tawang 'yon. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko ng ngumiti sya.
"I'm sorry. Really, I am. Gusto kita. P-Pero kailangan kasi ako ni Trevor ngayon." Mas napaiyak ako ng niyakap nya ako. "I'm really sorry Rome." I said between my sob.
I felt guilt right now. Nagi-guilty ako dahil ang tagal nyang nanligaw sa akin. Araw-araw ay nag-e-effort sya para lang mapatunayan ang sarili nya. He always makes me smile. Tapos sa lahat ng nagawa nya para sa akin ay ito lang ang maigaganti ko. Ang saktan sya.
"Shh... Wag ka ng umiyak. Mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."
"H-Hindi ka ba galit?" Mas niyakap pa nya ako ng mahigpit kaya niyakap ko din sya ng mahigpit. Baka ito na din ang huling pagkakataon ko para yakapin sya. Hinaplos naman nya ang buhok ko.
"I'm not mad at you. I just can't. I understand." Hindi na ako nagsalita pa at umiyak nalang sa bisig nya. Hinayaan nalang din nya akong umiiyak. Hindi nya ako iniwan at dinamayan pa ako.
Ang swerte talaga ng babaeng mamahalin nya dahil ang bait nya. Maalagain pa, malambing at gagawin ang lahat para lang pasayahin ka. Sadyang malas lang sya sa akin. At malas din ako dahil pinakawalan ko ang tulad nya dahil sa sitwasyong meron ako ngayon. Sana lang, makahanap sya ng babaeng magmamahal sa kanya. Yung hindi sya iiwan at mamahalin sya ng tapat. Better than me.
At sana lang... Hindi ako magsisi sa naging desisyon ko.