Episode 2

1274 Words
Ilang linggo na din ang nakalipas at marami na din akong mga naging kaibigan pero si Zoe pa din ang parati kong kasama. Minsan naman ay ang mga lalaki kong kaklase ang mga kasama ko. Si Levi naman, ayon, sobrang kulit. Walang araw na hindi namin siya kasama ni Zoe na hindi nakangiti. Araw-araw ay napapatawa niya kami. Para na nga namin siyang clown, eh. "Yiiieeeh! Naomi…” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mandy, isa na din sa mga friends ko pero hindi kami masyadong close. "Oh? Anong nangyari sa ‘yo?" tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko. Hindi naman masyadong halata na kilig na kilig siya, eh, no? Kulang na lang ay magpagulong-gulong ito sa sahig sa sobrang kilig. "Yiiieeehh! Kasi Naomi…” hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil titili na naman siya. "Yiiieehh! Kinikilig ako.” Tumili na naman siya habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Kung hindi ko lang kilala ang babaeng ito, aakalain kong baliw na ito. "Bakit?" "Ehh kasi…" "Kasi ano?" Natatawa ako sa itsura niya ngayon. Kulang na lang maihi siya sa sobrang kilig. "Ehhh… Kinikilig ako, eh." Natawa na lang ako habang umiiling. “Halata naman, eh." Lunch break namin ngayon. Nandito ako sa room tapos na kasi kami mag-lunch. Si Zoe, ayon pumunta ng banyo. "Tapusin mo muna kaya ang sasabihin mo bago ka kiligin para naman maka-relate din ako." "Eh, kasi ganito ‘yon… Okay, sige. Wait lang." Nag-inhale exhale siya na pinapakalma ang sarili niya sabay wagayway ng kamay niya. "Kasi nililigawan ako ni Ace. Kyaaaaaahhh!" napatingin naman sa amin ang mga classmate namin dahil bigla siyang sumigaw. "Sorry, sorry, guys." Nag-peace sign siya sa mga classmates namin na tinawanan lang siya. Tsk! Wagas kung kiligin. Well maganda naman si Mandy, matalino din. Walang hindi mai-in love sa ganda niyang mala-anghel. ‘Yon nga lang may pagka-playgirl siya, every week iba-iba ang boyfriend niya. Pero okay kasama si Mandy, fun to be with. "Oh? Sino naman ‘yan?" Sumimangot naman siya dahilan para magtaka ako. "Bakit?" "My gosh, Naomi! Ikaw lang ata ang hindi nakakakilala sa kanya," asik nito dahilan para mapangiwi ako. "Artista ba ‘yan at hindi ko kilala?" "Hindi,” pagmamaktol nito. “Ano ka ba? Heartthrob siya dito sa campus natin." "Eh?" Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko siya kilala pero baka mas lalo itong magmaktol kaya quite na lang ako. "Ewan ko sa ‘yo! Basta gwapo siya. Yiiieehh! Kaso..." Bigla naman siyang nalungkot. "Kaso?" Nakakainis din ang babaeng ‘to, eh. Hilig mambitin nang sinasabi. "Playboy, eh." "Talaga?" Tumango naman siya bilang sagot. Bahagya akong tumawa. “Eh, di bagay kayo." Lumiwanag naman ang mukha niya. "Talaga? Sa tingin mo bagay kami?" tanong niya habang kumikislap-kislap pa ang mga mata. "Yup!" tangong sagot ko sabay ngiti nang napakatamis. Nag-thumbs up pa ako. "Yiieeh! Paano mo naman nasabi ‘yon?" "Kasi playboy siya, ikaw naman playgirl.” Tumawa muna ako bago nagpatuloy sa sinasabi ko, “Oh, ‘di ba? Bagay na bagay kayo.” "Ang sama mo!" nakangusong sabi niya. "Totoo naman, eh.” Tumatawa pa din ako. May point naman kasi ang sinasabi ko. "Ang sama ng ugali mo, Naomi." "Matagal na." Mas lalong sumama ang mukha nito. "Ehh… Nakakainis ka." Napa-cross arm naman ito, halatang nagtatampo. Pinigilan ko ang sarili na matawa dahil baka mainis na ito sa akin. "Ito naman. Huwag ka nang magalit." Nakanguso pa din siya habang nakatingin sa akin. Ang cute din ng playgirl na ito, eh. "Kasi totoo naman." Tumawa na naman ako. "Ewan ko sa ‘yo. Nakakainis kang kausap," inis na sabi niya sa akin at saka bumalik sa upuan niya. "Oy, biro lang ‘yon." Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin. Hindi ko pa din mapigilan ang matawa. Tama naman kasi ako, eh. Bagay sila dahil pareho silang mapaglaro pagdating sa pag-ibig. "Anong nangyari do’n? Inano mo?" tanong ni Zoe nang makabalik galing banyo. "Oy, grabe ka, ah. Inano agad?" Napailing na lang ako habang pinapakalma ang sarili ko sa pagtawa. Okay, ako lang ang natatawa sa sariling joke ko dahil nagalit si Mandy sa naging joke ko na kalahating totoo naman. "Eh, ba’t nagkagano’n ‘yon?" Turo nito kay Mandy na nakanguso pa din hanggang ngayon. Nagkibit-balikat ako. "Sinabi ko lang naman na bagay sila ni Ace." "Ha? Bakit naman nasali si Ace sa usapan?" Nakakunot-noo ko siyang tiningnan. "Eh? Kilala mo din ‘yon?" "Oo naman. Sikat kaya ‘yon dito." Napangiwi naman ako nang kinilig ito. Mukhang ako lang ata ang hindi nakakakilala sa kanya dito. "Duh! Heartthrob ‘yon dito sa campus, no. Hello? Babae ka ba, Omi?" Umikot ang mga mata ko sa naging tanong niya. "Oh, eh, ano naman ang kinalaman ni Ace sa pagka-badtrip ni Mandy?" "Yon na nga, sinabihan ko siya na bagay sila. Nanliligaw daw kasi si Ace sa kanya," walang ganang sagot ko. Nawalan na akong gana makipag-usap sa kanila kasi hindi ko naman kilala ang lalaking ‘yon. "What!?" sigaw niya. "Huwag ka ngang sumigaw. Ang ingay mo." Pagkatapos sumigaw ni Mandy kanina ay siya naman ang sumunod. Uso ba sigawan ngayon? Hindi ako na-inform ah! "Sorry naman. Seryoso? Sinabi niya ‘yon?" tanong niya habang nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig niya at pinandilatan pa ako ng mga mata. "Ilang beses ka bang ipinanganak, Zoe?" seryoso kong tanong sa kanya. "Ano ka ba? Syempre isang beses lang." "Yon naman pala, eh. Ba’t paulit-ulit ka?" Napa-poker face na lang ako. "Ito naman ang sungit. Naniniguro lang.” Hinampas pa ako nito sa braso. “Hindi ba playgirl si Mandy tapos playboy si Ace. Wait, totoo talaga?" "Oo nga, ang kulit." Isang tanong na lang nito makakatakim na ito nang singhal galing sa akin. "Oh, eh, anong ikinainis no’n?" Natawa naman ako, naalala ko na naman ang mukha niya na nainis dahil sa sinabi ko. "Sinabihan ko kasi siya na bagay sila. Playgirl siya, playboy ang Ace na ‘yon. Eh, di bagay sila, ‘di ba?” Napabungisngis ako. "Kaya naman pala na-badtrip. Sinabihan mo nga na bagay sila pero sinabihan mo naman ng playgirl." Tinawanan ko lang siya. Hindi na kami nag-usap dahil pumasok na ang teacher namin. USAP DOON, usap dito. Ingay dito, ingay doon. Yan ang classroom namin. Wala kasi kaming klase ngayon kasi may meeting ang English teacher namin. "Naomi, Zoe, tara dito," tawag sa amin ni Krys. Lalaki kong classmate, close friend na rin namin ni Zoe. Mga lalaki ang ka-close friend namin, mas maganda na ‘yon kaysa sa mga classmate namin na babae, masyado kasi silang maarte. Lumapit naman kami sa kanila. "Dito ka, Naomi. Yiiieehh!" nanunuksong sabi ni Christian. Umupo naman ako sa tabi ni Rome, crush ko. Half Arabu siya, mabait, gwapo, matalino at palangiti. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki, pero syempre hanggang crush na muna. "Oyyy…" tukso nila sa amin. Hindi naman ako naiilang, parang normal lang. Kaibigan ko kasi siya at close na din kami. Nagja-jam kasi kami kapag walang klase at walang magawa, kagaya ngayon. Nakaupo kami sa pinakadulo ng room namin. Bale anim kami magkakaibigan, ako, si Zoe, Christian, Rome, Krys at Andrei. "Kanta kayo, Pare," sabi ni Andrei. Pare ang tawag niya sa amin ni Zoe at ‘yon din ang tawag namin ni Zoe sa kanya. Tumango naman kami ni Zoe kaya nagsimula na siyang tumugtog gamit ang gitara. Nagkantahan lang kami nang nagkantahan. Yong iba din naming kaklase ay nakikisabay na din sa amin. Minsan ako ang naggigitara, para tuloy kaming nagko-concert. Nakakatuwa lang. Natapos ang araw na ito na masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD