Episode 3

1028 Words
Isang buwan na ang nakakalipas at ganun parin ang takbo ng buhay ko, bahay at school lang ako. Minsan pumupunta sa Oval para marelax. Buwan ngayon ng August, marami ang nangyari. Gaya nalang ng si Mandy at Ace mag-iisang buwan na sila, ayun sikat na sikat dahil kahit sino naman daw ang magiging girlfriend ni Ace ay sisikat dahil sobrang gwapo DAW. Oo daw, kasi di ko pa sya nakikita. =__= "Uie Omi... Next week na daw yung exam natin para sa NAT." si Zoe. "Ha? Ang bilis naman. Sino sabi?" tanong ko habang inaayos ang gamit ko. "Inanounce kanina. Late ka kasi kaya di mo narinig." "Okay." umupo na kami ni Zoe, nandito kami ngayon sa T.L.E. "Hi guy's." masayang sabi ni Levi. "Hi." sabay bati namin ni Zoe. "Uie nabalitaan nyo na ba ang chismis?" tanong ni Levi na inilapit pa ang mukha sa amin. "Haha chismoso ka na rin pala ngayon Lev?" natatawang tanong ko sa kanya. "Haha hindi naman." "Oh ano ba yun? Share ka naman dyan." tanong ni Zoe. "Hehe hiwalay na daw si Mandy at Ace." "Talaga? Kailan daw? Bakit?" "Haha chismosa ka talaga Zoe." "Haha ano ka ba? Mana lang sayo. Sige na, bakit daw at kailan?" "Kahapon lang daw. haha wala namang nakakaalam kung bakit sila naghiwalay. Tahimik si Ace eh, hindi nagkukwento." sabi ni Levi. hmm bakit kaya sila naghiwalay? Mukhang okay naman si  Mandy kanina, masaya nga siya eh. "Kilala mo rin si Ace, Lev?" tanong ko kay Lev. "Haha oo. Classmate kami. Di mo sya kilala?" takang tanong nya. "Ay naku Levi, hindi yan babae." pasiring na sabi ni Zoe, sinamaan ko naman sya ng tingin. "Haha bakit naman?" "Eh kasi, sya lang naman ang hindi nakikilala si Ace." "Haha talaga? Bago yun ah. Sikat kasi si Ace. Lalo na sa mga babae." "Kung makaano ka dyan ah. Bakit? Kilala mo sya?" hamon na tanong ko sa kanya. "Oo naman no. Kapitbahay kami dati nun no." "Weeh?" "Oo nga. Friend kami noon hehe. Crush ko nga sya eh." Hindi na kami nakapag-usap dahil nag-umpisa ng magklasi si Sir. Lunch break na namin at nandito ako ngayon sa isang kubo, mag-isa. Si Zoe nagboy hunting na naman kasi, kaya mag-isa lang ako ngayon. Nagbabasa ako ng libro ng may umupo sa harap ko. "Oh ikaw pala Mandy." "Break na kami ni Ace. tss!" inis na sabi nya. "Narinig ko nga. Bakit nagbreak kayo?" tanong ko at sinira ang libro na binabasa ko. Inayos ko rin ang reading glass na suot ko. "Hiniwalayan ko sya kasi may sakit pala sya." maarte nyang sabi. "Ha? Sakit? Ano naman yun?" takang tanong ko. "tss! May sakit sa puso pala sya." "Yun lang?" grabe naman to. Hiniwalayan lang yung tao kasi may sakit. tss! Kawawa naman ang Ace nayun. "Anong yun lang? Ayoko ng may sakit na tao Naomi kasi ayaw kong iiwan din ako." "Haist! Haha nakakatawa nagbreak na kayo't lahat, hindi ko parin yan nakikita." "Really?" gulat na tanong nya. "Hmm." tangong sagot ko. "Well next week, makikita mo rin sya. Doon tayo sa classroom nila nakaassign sa exam." sasagot na sana ako ng may sumigaw... "MANDY, let's go." sabi ni Claire, one of our classmate at closefriend ni Mandy. "So I have to go. See you in classroom. Bye." Kawawa naman ang Ace nayun, hiniwalayan lang kasi may sakit. Dapat nga mas inaalagaan pa nya para di masaktan. tss! Grabe talaga tong si Mandy. Pumasok na ako sa classroom kasi time na din. Haist! Parang gusto kong tulungan ang lalaking yun, kawawa naman sya. May sakit na nga, iniwan pa. Pero paano ko naman sya tutulungan? Ne hindi ko nga sya kilala =__= Aha! Alam ko na. Lumabas na ang 1st subject teacher namin for the afternoon. Hihintayin nalang namin ang susunod na teacher. Lumapit ako kay Mandy. "Pst?" tawag ko sa kanya sabay sundot sa braso nya, nakatalikod kasi sya sa akin inaayos ang gamit nya sa bag nya. "Oh? Bakit?" tanong nya ng malingon na nya ako. "Pwede patext? Naubusan kasi ako ng load hehe." Kinuha naman nya ang cellphone nya sa bulsa ng skirt nya at binigay sa akin. "Ito oh." "Hiramin ko muna ah? Ibabalik ko mamaya." "Okay." tumayo na ako at bumalik sa upuan. Busy si Zoe sa pagtetext kaya di nya ako kinukulet. Ini-open ko ang cellphone nya at pumunta sa inbox. Sure ako na hindi pa nya binubura ang mga text sa kanya ni Ace. Palagi nya kasing pinapabasa sa akin ang mga text ni Ace at kinikilig sya sobra. Hanap... Hanap... Hanap... Hanap... Han... Yun! hehe nahanap ko rin. Kinuha ko ang number ni Ace at sinave sa phone ko. "GUYS WALA SI MAAM, ABSENT TAPOS SI SIR NAG-UNDERTIME, SO WALANG KLASE!!!" sigaw ni Richard, isa sa mga classmate namin na maingay. "YEEEEESS!!" sigawan naman ng mga classmate namin. Kaya dating gawi, usap dito, usap doon. "Tara pare." tawag sa amin ni Andrei. "Tara Omi." tumayo na si Zoe at lumapit sa barkada. "Wait lang." lumapit ako kay Mandy at sinauli ang cellphone nya. "Thanks." nakangiting sabi ko sa kanya. "Welcome." aalis na sana ako kaso lumapit si Dhanise. "Hoy Naomi." tawag nya sa akin na nakaupo sa gilid ni Mandy, nasa gitna kasi si Mandy. Umupo naman ako sa kaliwang upuan na katabi ni Mandy. Nagsimula naring umingay ang classroom dahil nagkakantahan na sila. "Bakit?" "Bakit close ka sa kanila?" tanong nya na nakanguso kina Christian. "Hindi lang naman ako ang close sa kanila ah. Pati din naman si Zoe." "Oo nga. Pero bakit close ka sa kanila?" "Kasi kaibigan ko sila?" patanong kong sagot. "Eh bat ka sa kanila nakikipagkaibigan?" ano bang problema kung sa kanila ako makipagkaibigan. Si Mandy naman ay nakikinig sa amin habang palipat-lipat ng tingin sa amin. "Oh eh bakit? Bawal ba silang kaibiganin?" taas kilay kong tanong. "Hindi naman. Pero mga bastos kaya sila, mga m******s pa." naiinis nyang sagot habang nakatingin sa mga kaibigan ko. "tss! Inggit ka lang kasi di ka pinapansin ni Christian." napatingin naman sya sa akin at hindi nakasagot. "Alam mo bago ka manghusga, kilalanin mo muna. Masarap silang kasama pagkilala mo na sila." pagkatapos kong sabihin yun ay iniwan ko na sila at pumunta sa barkada. Nakakainis! Husgahan ba naman sila, eh hindi pa nga nila nakikilala. Oo aaminin ko, may pagkapilyo at pagkabastos si Krys at Christian at nakikisabay naman si Andrei, si Rome naman ay tumatawa lang. Good boy eh. Pero kahit naman ganun sila, kahit kailan hindi nila kami binastos ni Zoe, mabait sila sa amin kaya nga close kami. Si Dhanise kasi may gusto sya kay Christian, kaso ayaw ni Christian sa kanya kasi masyadong maarte. Tss! Kaya sisiraan nya ng ganun? Nang nakalapit na ako sa kanila ay umupo na ako sa tabi ni Rome, as always. Doon lang dapat ako umupo, kasabwat po nila si Zoe para daw magkaboyfriend na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD