"Sir, pwede ba akong lumabas muna kasi— araaaaaay!" Makikiusap sana ako na hayaan muna niya akong makaalis dito sa ilalim kasi ang sikip, kaso isang malakas na kalabog ang nagpatigil sa akin. Nauntog ang noo ko nang sinubukan kong gumalaw. Para akong nahilo, san ba gawa tong lamesa niya at para naman akong mawawalan ng malay? "H-Hey, are you alright?" He panicked tapos ay tinulungan niya akong makalabas mula sa ilalim ng mesa. Sa tagal kong naroon sa ilalim na nakabaluktot, pati ang mga paa, ay agad itong namanhid nang tumayo ako. Nawalan ako ng balanse pero buti nalang at nariyan si Sylus para alalayan ako. "Let me see it." He made me sit, pero huli na nang mamalayan ko na nakakandong pala ako sa mga hita niya. Hindi na ako nakareact because he's inspecting my forehead at hinihipan ni

