bc

WHO'S YOUR DADDY, DAPHNE?

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
age gap
arranged marriage
powerful
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
city
mythology
rebirth/reborn
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Niloko si Daphne ng fiance niyang si Winston at pinsan niyang si Celline. The two are now getting married dahil nabuntis ni Winston si Celline. At gusto pa siyang gawing ninang ng mga ito sa kasal nila. And to make things worse, suportado ng papa at mga kuya niya ang desisyong iyon nila Winston at Celline na para bang wala silang pakialam kung masaktan man siya o hindi.

Dahil dito ay nagpasya si Daphne na lumayo sa pamilya niyang walang amor sa kanya, pero hindi niya alam na sa paglayo niyang iyon ay siya namang paglapit niya sa dalawang lalaking magpapabago ng husto sa buhay niya.

Two men became a temptation she cannot resist. Would she be willing to take the risk?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Ninang?" Natatawang ulit ko sa sinabi ni papa. "Yes, with that, everyone would be happy. Right? You are still part of the wedding." Nakangiti nitong sagot na para bang sigurado siyang napapayag niya ako sa gusto nilang mangyari. "Mukha ba akong masaya papa? My cheating boyfriend, and my cheap kaladkaring cousin want me to be their ninang at their wedding and you expect that I will just go with it?" Tumawa ako. "Tito," Agad na nagpapaawang baling ni Celline kay papa with her fake tears ready to fall. "Watch your words, Daphne!" Halos sabay sila kuya Nate at kuya Harvey. Ang dalawang tukmol na mas pinapaburan ang pinsan nilang plastic kaysa sa sarili nilang kapatid. "Daphne, magdahandahan ka sa sinasabi mo! Celline is pregnant! Do you want something bad to happen to the baby just because you can't be mature enough to accept na siya ang pakakasalan ko?" Tumayo si Winston, ang fiance ko, to defend his pregnant fling. Tumayo din ako at buong lakas na sinampal siya. Napasinghap ang mga taong nasa paligid namin na nakakita sa nangyari. We are currently in a restaurant, the one that would take you months to get a reservation, but our father pulled some strings para dito idaos ang isang dinner sa pag-announce ni Winston at Celline na magpapakasal sila because he got my cousin pregnant. They think I wouldn't make a scene since this is a place where the most prominent and rich family in the city gathers. "Daphne, sit down!" Pabulong pero maawtoridad na utos ni papa, trying to salvage the situation. Pero hindi ako nakinig sa kanya. Sa halip kinuha ko ang wine glass ko. "Huwag nyo akong isali sa kalokohan ninyo. I do not support a cheating bastard and a woman who can't keep their legs close to a man already in a relationship." Siniguro ko na maririnig ng lahat ng nakikiusyoso ang sinasabi ko. "Gusto nyong magpakasal? Then do it. But I'm not taking part in it." Itinaas ko ang wine glass ko. "May you cheaters rot in hell." Dagdag ko at isinaboy ang wine sa mukha ni Winston. Rinig ko ang pagtawag nila sa akin, at ang maarteng pag-iyak iyakan ni Celline, pero hindi ko sila nilingon. I went home first at agad na umupo sa harapan ng vanity mirror at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Gusto ko ulit sampalin ang sarili ko, pero ilang ulit ko na iyong ginawa kanina and I have confirmed na hindi ako nananaginip lang. Totoong nabuhay ako ulit. What the heck! I sounded crazy saying that, but it's totoo. Nabuhay ako ulit. I'm supposed to be dead by now. Tumalon kasi ako mula sa 3rd floor nitong mansion just to prove my family na hindi ko ninakaw ang wedding ring ni Celline and she's just lying about it. Pero hindi iyon ang ikinamatay ko. Dinala ako sa hospital pagkatapos nun and I suffered from broken ribs, fractured arms and legs, and a severe concussion that I was put in a life support. Someone unplugged the machine kaya ako namatay. "Daphne!" Natigil ang pag-iisip ko nang marinig kong may sumisigaw sa pangalan ko at ilang saglit lang my door flew open. Sunod-sunod na pumasok ang dalawa kong kapatid at kasama nila si Celline. "Apologize to Celline, now!" Bulyaw ni kuya Nate sa akin. "Do you know what you have just done? Someone took a video of what happened and now they are accusing Celline of being the other woman!" Galit na galit si kuya Harvey. "If you won't apologize to Celline, don't ever expect us to treat you as our sister ever again. And you have to apologize to Winston and his family too. Nakakahiya ang ginawa mo kanina sa restaurant." Banta ni kuya Nate. Humihikbi-hikbi naman si Celline sa tabi ng dalawa kong kuya. Sa nauna kong buhay, nang ianunsyo ni Winston na pakakasalan niya si Celline lalo na at magkakaanak na sila ay agad na natuwa sila papa at ang dalawa kong kuya na para bang alam na nila yun, even Winston's family are ecstatic, and I just sat there in shock. Nang tanungin ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin na si Celline ang pakakasalan niya instead na ako na fiancee nya ay agad na naging defensive sila papa. That love is unpredictable, na si Winston at Celline talaga ang itinadhana sa isa't isa and I can't do anything to change that. So to compromise, kukunin nalang daw nila akong ninang sa kasal. Imagine, ninang instead of a bridesmaid? I just turned 20 for pete's sake. Not that I want to be her bridesmaid, pero di ba parang nakakainsulto lang na kukunin pa talaga nila akong ninang matapos nila akong pagtaksilan? But back then, dahil sa panggigipit nila papa at kuya ay wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang kahit nasaktan ako ng husto. I was engaged to Winston the moment I turned 18. Before that, malapit na ako rito dahil best friend ito ng mga kapatid ko. I've known him since I was 9, and just like that ipagpapalit niya ako kay Celline whom he just knew three months ago. Hindi lang basta pinagpalit, binuntis pa niya ito. "And so what? Hindi ba't totoo naman? She spread her legs to a man already engaged. The netizens are being nice pa nga eh. If I were them, hindi lang other woman ang itatawag ko sa kanya. There's a long list of things I can call my malanding cousin and cheater na fiance." Sagot ko kay kuya Harvey. "Anong sabi mo?" Bakas ang pagkagulat sa mukha nila sa sinabi ko. If I were the old Daphne, nakaluhod na ako ngayon sa kanila, umiiyak and begging them not to hate me. But I am no longer that Daphne. Wala na akong pakialam pa sa kanila. In my past life, they favored Celline over me, lahat nalang ako ang may mali. Ako ang masama, ako ang bitter, ako hindi marunong umintindi when the truth is I've been doing my best para lang pakisamahan si Celline ever since she came into our family.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.9K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
24.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.0K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.6K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.1K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook