CHAPTER 2

1016 Words
Celline is the only child ng kaisa-isang kapatid ni papa. When she was 6 she was kidnapped at hindi nabawi ng mga magulang nito even though they spent millions and millions just to find her. After two years of searching, her parents died in a tragic accident kakahanap sa kanya. And almost four months ago, she was finally found sa isang malayong probinsya. At dahil nangako si papa kay tito na aalagaan ang anak nito kapag nakita, ay tinupad nga iyon ng ama ko the moment Celline was found. Pero ang kapalit? Ako na anak niya ay pinabayaan niya just to favor his niece. Lahat kami naawa sa naging buhay ni Celline. Lahat ng hirap at pang-aabuso na naranasan niya mula sa mga kumupkop sa kanya, kaya nauunawaan ko why papa pampered and spoiled her a lot. Hindi din ako umangal when my brothers started spending more time with her dahil bumabawi ang mga ito sa lahat ng mga oras na nagkahiwalay sila. Since baby pa ako ng makidnapped si Celline ay wala akong ala-ala tungkol sa kanya unlike my brothers, pero kahit na ganun, I tried to befriend her. After all she's my cousin, and finally, I have an older sister na. But things started to change little by little. Celline would often accuse me of simple things, like giving her food she's allergic to, kahit wala naman siyang sinasabi na allergic siya sa ganoon. At first she would defend me, saying hindi ko naman sinasadya iyon, and papa will praise her for being understanding and mature. And me? I became a jealous ungrateful brat in their eyes. Next is every time we go to the mall, umiiyak siya dahil inaagaw ko daw ang mga bags and dresses na gusto niya kahit nauna naman ako sa mga items na yun. It was irritating, but papa keeps on saying na habaan ko ang pasensya ko, and that I should be the bigger person since it's Celline's first time living. She would also pretend I pushed her to the pool, and the worst na kinagalit sa akin ni papa, last month Celline accused me na pinahiya ko raw siya sa mga kaibigan niya sa school. I'm currently in my last year of college, and papa paid the University to forge Celline's documents kaya pareho kaming graduating students ngayon even though Celline only came to the Uni two months ago. "Daphne, alam kong galit ka. Pero maniwala ka, hindi ko inagaw sayo si Winston. Hindi ko siya inakit tulad ng iniisip mo. It just happened. Sana matanggap mo ito, at ang baby namin. Magiging tita ka na." She tried to hold my hand, pero iniwas ko ang kamay ko. "Really? It just happened na bumukaka ka sa fiance ko and his c*ck got stuck on your v*gina and got you pregnant? And now I have to be thankful na magiging tita na ako?" Sarkastiko kong sabi. Namula ng husto ang mukha ni Celline dahil sa mga sinabi ko. "Daphne!" Sigaw ni kuya Nate. "Since when did you learn that foul language, young lady!" Sabat naman ni kuya Harvey. "That's not foul kuya, that's reality. Di ba ate Celline? You're not hurt right, because that's just real talk." Baling ko kay Celline na halatang nagngingitngit na sa galit. "Enough, Daphne! Sumusobra ka na! When dad gets back here, humanda ka." Banta ni kuya Nate. "Even if papa is here, it wouldn't change anything. Ang malandi, malandi pa din. And Winston is a good for nothing cheating bastard." Sagot ko. Matapos kong sabihin iyon ay isang malakas na sampal ang lumatay sa pisngi ko. Kuya Nate slapped me. Halatang nagulat siya sa ginawa niya because a flicker of regret crossed his face. Ito ang unang beses na sinaktan ako ni kuya Nate. In my past life, none of this conversation happens dahil sa nakaraan ay pumayag lang ako sa gusto nilang mangyari. Sunod-sunuran at walang sariling boses. "Kuya Nate, it's okay. Hindi mo naman kailangang saktan si Daphne. She's just mad right now, pero matatanggap nya rin naman ang lahat balang araw." Pag-awat ni Celline kay kuya Nate, pero nakangisi ito sa akin at halatang tuwang tuwa na nasaktan ako ni kuya Nate. "It's not okay, Celline. We've spoiled her so much, and now she thinks she can do and say whatever she wants without consequences." Sagot ni kuya Nate at nabura na nang tuluyan ang ano mang natitirang pag-aalala nito para sa akin. Sabay silang napatingin sa akin ng bigla akong pumalakpak. "Wow, what a great performance, ate Celline. You know what, you should ask papa if meron syang kilalang producers or talent managers. Sayang yang galing mo sa pag-arte. It could win you a FAMAS." Ang ngiti ng tagumpay sa mukha ni Celline ay napalitan ng pagkainis. Hindi nya siguro inaasahan na papatulan at sasagutin ko sila kuya. Well, that Daphne is gone. And this new one is going to make your lives miserable, like what you did to mine in my previous life. "Ackkk," Biglang umarte si Celline na sumasakit ang tiyan niya. Kumapit pa ito kay kuya Nate na para bang wala siyang lakas para suportahan ang sarili. "Celline are you alright?" Sabay na tanong ng dalawa kong kuya. "Sumasakit ang puson ko, kuya Nate. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa baby ko di ba? Okay lang naman ang baby ko di ba, kuya Harvey?" She started crying. "Kita mo na ang ginawa mo, Daphne!" Sigaw sa akin ni kuya Harvey. "Don't worry, I'll bring you to the hospital." Binuhat naman ni kuya Nate si Celline at nilabas sa kwarto ko. Habang palabas ay tumingin sa akin si Celline with her triumphant smile. Best actress talaga. Ako nalang kaya ang maghanap ng producer para sa kanya tapos ako yung manager para may extra income ako? "If something happens to Celline and her baby, you better prepare yourself, Daphne!" Banta ni kuya Harvey, na nagpabalik sa ulirat ko, bago ito sumunod sa dalawa. I don't care whatever happens to Celline. Bakit naman ako magkakaroon ng pakialam sa taong nag-alis ng life support ko sa nakaraan kong buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD