Well kay Celline wala akong pakialam, pero sa batang dinadala niya, meron.
Kamusta na kaya si baby Rylie ngayon?
Si Rylie ang batang dinadala ni Celline sa sinapupunan niya. Malapit ako sa bata dahil ako ang nag-aalaga rito. Paano ay pinapabayaan lang ni Celline ang anak niya at wala ring amor si Winston sa bata.
Sa nakaraan kong buhay, habang nagdadalang tao si Celline, mas lalo siyang naging demanding, at lantaran kung maghanap ng gulo. Masyado niyang pinapamukha sa akin na mas paborito siya nila papa at mga kuya ko kaya kahit anong gawin niya ay ayos lang. Hindi lang ang pamilya ko ang napaikot niya sa mga palad niya kundi pati na rin ang mga kasambahay.
On the 3rd month of her pregnancy, bumisita sa mansion si Celline at inutusan akong ipagtimpla siya ng freshly squeezed orange juice. Sinunod ko naman ang utos niya dahil pinagtutulungan na ako nila kuya Nate at kuya Harvey. Pero nang iseserve ko na ang juice kay Celline, umarte siyang tutulungan ako, pero ang totoo, binangga niya ako at agad siyang umiyak na tinapunan ko siya ng orange juice. As usual, siya nanaman ang pinaniwalaan nila kuya kaya pinaalis ako ng mga ito at pinabalik sa kwarto ko at huwag daw lalabas until I realized how petty I am.
Pero itong si Celline, ayaw atang paawat. Hindi pa ata nakontento na sinigawan ako nila kuya at gusto akong mas maparusahan pa ng mas malala, kaya hinabol niya ako para pigilan. Nagpapanggap nanaman itong bait-baitan at 'hindi ko naman daw iyon sinasadya'. Pero nang humakbang siya ay nadulas siya sa orange juice na sinadya niyang matapon sa kanya and she fell on her butt and started bleeding.
Agad siyang dinala sa hospital at katakot-takot na sermon ang inabot ko kay papa, sa mga kuya ko, kay Winston, at sa pamilya nito.
Nang ipanganak si baby Rylie ay mayroon siyang cleft lip. Hindi matanggap ni Celline na may depekto ang anak niya, at ipinasa niya sa akin ang sisi. Kung hindi ko daw siya tinapunan ng orange juice ay hindi siya madudulas. Hindi daw sana magkakaroon ng depekto ang anak niya.
The doctor explained that it has nothing to do with it. Na genetics, nutritional factor, or mga gamot at kung ano-ano pang tinitake niya during pregnancy ang posibleng maging dahilan. But Celline insisted na ako ang may kasalanan, and guess what? My family all believed her.
Lalong nagalit sa akin sila papa, at wala na akong ginawang tama sa mga mata nila. In the end, para nalang akong isang pabigat at palamunin sa bahay na hindi nila madispatsa.
Baby Rylie was scheduled for surgery. Hinihintay lang ng doctor na magthree months old ito, at maging completely healthy and ready for the operation. Pero ang lahat ng atensyon sa bata ay nawala ng mabuntis ulit si Celline. Tulad ko ay parang naging backdrop nalang kami ng bata sa masaya nilang mundo.
I ended up taking good care of the baby. Sa halip na maoperahan ito ng maaga ay umabot ng 9 months old si Rylie bago natuloy ang operasyon. Pero kahit na natapos na ang operasyon ay wala pa din silang pakialam sa bata dahil lahat ng atensyon nila ay nasa hindi pa ipinapanganak na baby ni Celline.
Naging titang-ina tuloy ako ng wala sa oras. Five years old na si Rylie noong nangyari ang insidente ng pagtalon ko mula sa 3rd floor ng mansiong ito. Ang tanga ko din sa part na ginawa ko yun ha. Pero sobra na akong stress sa kanila, masyado na nila akong ginigipit sa lahat ng bagay, financially at marami pang iba. Kaya sa magulo kong utak ay nagawa ko ang bagay na iyon.
Kinilabutan ako nang biglang nagflash sa isipan ko isa-isa ang ginawa kong pagtalon. Ang pagdala nila sa akin sa hospital, at ang panghuli, ang pag-unplug ni Celline sa life support ko.
Fresh pa sa utak ko dahil kanina lang nangyari ang lahat ng iyon. Nagising ako sa katawang ito kaninang ala singko lang ng hapon. Napabalikwas ako sa kama, naghahabol ng paghinga at pawis na pawis. Para akong nagising mula sa isang masamang bangungot. Iyon nga lang ay hindi bangungot ang lahat, kundi totoong nangyari. Siguro ay naawa lang ang Diyos sa lahat ng injustice na naranasan ko kaya binigyan nya ulit ako ng isa pang pagkakataon at binalik 6 years in the past.
Nag-aalala man sa nag-iisang taong nagpasaya sa malungkot kong mundo sa nauna kong buhay ay kailangan kong tanggapin itong hiwagang nangyari ngayon. Magkikita pa rin naman ulit kami ni baby Rylie sa oras na ipanganak siya ni Celline.
But right now, first thing first.
Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. This is not my room. Guest room ito na kinonvert as my room dahil iniyakan ni Celline ang kwarto ko unang araw palang niya rito sa mansion. At dahil gustong makabawi ni papa sa mga taon na naghirap si Celline sa kamay ng mga kumupkop sa kanya sa maliit at tagong probinsya kung saan siya nakuha ay agad na ibinigay ni papa ang kwarto ko. Nang tumutol ako dahil maraming memories namin ni mama ang naroon sa kwarto ay pinagalitan pa niya ako.
Lumabas ako ng kwarto ko and went straight to my old room. I cringed ng makita ko ang itsura ngayon ng kwarto ko. Celline decorated it overly sweet and girly.
Like I said, totoo namang naawa ako sa kanya. That's why it was never an issue to me na pabili siya ng pabili ng ganito at ng ganyan kanila papa at kuya. She never got those dresses, toys, bags, shoes, and all the other pretty things a girl wants. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya gustong kunin ang lahat ng meron ako? Bakit parang gusto niyang palitan ang posisyon ko sa pamilyang ito, when in fact we could share everything naman sana. The wealth, money, and the love of a family.
But no. She wanted everything all for herself and made me suffer. In this life, hindi na ako papayag na gawin ulit niya ang mga ginawa niya sa akin dati.
This time, ibabalik ko sa kanya ang lahat. Papa and my brothers are not innocent as well. They coaxed and chose Celline over me. Hindi ko din sila mapapatawad.
"Daphne, anong ginagawa mo sa mga gamit ni miss Celline? Hindi ka pwedeng pumasok dito sa kwarto nya. Alis!" Sigaw sa akin ng maid matapos kong itapon sa may sahig ang mga gamit ni Celline.
"Daphne? Alis?" Ulit ko sabay lingon sa maid na tumawag sa akin sa pangalan ko.
Kahit ang mga kasambahay ay alam na unti-unti ng nawawalan ng amor sa akin ang pamilya ko simula ng dumating si Celline kaya kahit pagrespeto ay wala sila sa akin.
I need to fix that too.
Nilapitan ko ang katulong at sinampal iyon. Napasigaw siya sa sakit sa ginawa ko at agad akong tinignan ng masama. Muli ko siyang sinampal. Magkabilaan, at paulit-ulit.
"Who gave you the rights to disrespect me?" Sabi ko matapos itong sampalin ng halos anim na beses.
"S-Sorry po, m-miss Daphne!" Umiiyak na sabi ng katulong na kakulay na ng ketchup ang pisngi sa sobrang pula.
Tiningnan ko naman ang katulong na kasama niya at mukhang nanigas na sa sobrang takot na baka siya na ang isunod ko.
"For your information, dahil mukhang nakakalimutan ninyo na—I am the only daughter of Mr. and Mrs. Castellano. Everything here is mine. And I’m taking it all back… starting with this room.” Sermon ko sa kanila.
"Y-Yes po, m-miss Daphne. S-Sorry po." Halos sabay nilang sabi.
"Now throw the trash out." Ulit ko at muling pinagtatapon ang mga gamit ni Celline sa kwarto ko.
Mabilis namang nagpulot ang dalawang maid ng mga gamit sa sahig.
Tapos ko ng tanggalin lahat ng mga basura sa mismong kwarto. Sunod kong pinuntahan ang walk-in closet ko at lahat ng mga gamit ni Celline doon ay pinagtatapon ko din. Hindi magkanda ugaga ang mga maids sa pagsunod sa mga tinatapon ko sa sahig.
Almost 1 hr and 30 mins na kami rito. Konti nalang at makakapagpahinga na ako.
"What are you doing?" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid.
Lumabas ako ng closet and nakabalik na pala si best actress at ang dalawang ulupong niya.