CHAPTER 4

1266 Words
Abala sa pagpapatahan ang dalawa kong kapatid kay Celline na iniiyakan ang mga gamit niyang nilagay ng mga maids sa mga storage boxes nang datnan ko sila sa kwarto. Obviously, fake tears again, pero mabenta kanila papa at kuya ang performance niyang yan. "Ano nanamang kalokohan ito, Daphne!" Nakauwi na rin pala si papa. "Hindi ka pa ba tapos gumawa ng gulo? Do you enjoy the attention that much?" Salubong ang kilay na baling sa akin ni kuya Nate. "What exactly did I do wrong? I’m just taking what was originally mine." Sagot ko rito, and dropped another of Celline's things on the floor. "Tito, ano po bang ginawa ko kay Daphne para tratuhin nya ako ng ganito?" As usual, ngumawa nanaman ito. "Seriously? Gusto mo bang isa-isahin ko sayo, ate Celline?" I crossed my arms. "Daphne, we've already agreed that Celline will use this room. Kaya bakit mo ginugulo ang kwarto niya?" Singit ni kuya Harvey. "I didn't agree to it. Pinilit nyo lang ang gusto nyo. But since she'll be marrying Winston now, for sure lilipat na sya sa puder ng mga Mancini, it's only natural I'll take my room back." Sagot ko. In my last life, after ng kasal ay lumipat na agad si Celline sa main house ng pamilya ni Winston. At dahil mamadaliin nila ang kasal, it will happen before the month ends. Nakita ko na medyo nag-iba ang mukha ni papa. Na para bang mayroong nangyari. "Hindi mo kukunin ang kwarto ng ate Celline mo. She will still need it." Matigas na sabi ni papa. "Para saan pa? Ikakasal na nga sya di ba?" Inis kong sabi. "There won't be a wedding." Mahinang sagot ni papa. Nagulat ako sa narinig. "W-What? P-Pero bakit po tito?" Mas lalong lumakas ang iyak ni Celline. Kung kanina pag-arte lang yung iyak nya, this time totoo na nang marinig niyang walang kasal na mangyayari. "It's not that the wedding is off, Celline. So don't cry. Gusto lang ng mga magulang ni Winston na palipasin ang issue na nangyari kanina. Since the video taken at the restaurant earlier went viral, naapektuhan ang imahe ng dalawang pamilya. Ayaw lang ng mga Mancini na magmukhang totoo na manloloko ang anak nila." Paliwanag ni papa. "See what you did, Daphne!" Baling sa akin ni kuya Harvey. "Mahirap bang magpaubaya ha? Do you really have to make a scene earlier? Ngayon masaya ka na ba?" Bintang pa nito. "FYI, kuya Harvey, hindi ako tumututol sa kasalan nilang dalawa, kaya what the heck are you talking about na ayaw kong magpaubaya? Just because I don't want to take part in their sh*ty wedding, doesn't mean I'm against it. Do you think I can't move on to a cheater like him? So please, get your facts straight before you run your mouth like that. You sounded stupid kasi eh." Sagot ko sa binibintang ng kuya ko sa akin. Nanlaki ang mga mata ni kuya Harvey na sinagot ko siya ng ganun. "Daphne!" Sigaw na tawag ni papa sa pangalan ko. "Kailan ka pa natutong sumagot-sagot ng ganyan sa kuya mo? Tumigil ka na! You already caused enough trouble tonight. Dahil sayo kailangang ipostpone ang kasal ng ate Celline mo! Do you want her child to be born out of wedlock ha?" Sermon ni papa. "No, no, no..." Naiiyak na sabi ni Celline. Napahawak pa siya sa tiyan niya. But unlike earlier, parang totoo na may iniinda siya ngayon. And like earlier, nataranta nanaman sila at muli itong dinala sa hospital. Medyo nag-alala din ako because ayaw ko naman na may mangyari kay baby Rylie. Pero dahil wala silang apat, I took the chance para mailabas lahat ng gamit ni Celline sa kwarto, at bago nga sumikat ang araw ay natapos na kami. Nasa kwarto ko na ang mga gamit ko, at nasa guest room naman na ang kay Celline. Kahit napuyat at napagod ay worth it naman because I'm finally back to the room my mama designed for me. For finishing touch ay inilagay ko ang picture namin ni mama sa bedside table, so it's the first thing I see when I wake up in the morning. Around 2PM, bumalik si kuya Nate to get some clothes for Celline dahil naconfine ito sa hospital. Sinermonan din niya ako, lalo pa ng malaman niyang sinamantala ko ang pagkakataon para ilipat ang mga gamit namin. But I locked my room kaya walang nagawa ang mga maids ng iutos ni kuya na ibalik sa dati ang mga gamit namin ni Celline. "Seriously, beshy? My goodness, I don't understand your family na talaga. Hindi naman sila ganyan noon ah? Ano bang pinakain sa kanila ng Celline na yan?" Sabi ng best friend ko matapos kong ipaliwanag ang mga nangyari. Nakaabot rin kasi sa kanya ang video kagabi, bago pa man iyon napadelete ni papa at pamilya ni Winston. "Kaya nga eh. Buti nalang at nandito ka para samahan ako, Paul. May makikinig sa mga rants ko." Though hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang hiwagang nangyari sa akin. Siguradong mawiwindang siya. Kaya okay na to, na magkausap kami. Namiss ko talaga sya. In my past life, dahil mas naging busy at desperate ako na makuha ulit ang atensyon at pagmamahal ng pamilya ko, I lost most of my friends and my best friend. "Yucky! Don't call me that. Call me Pauline." Maarteng sabi nito. Tumawa ako ng malakas dahil halatang diring-diri siya sa real name niya. My gosh, I really missed this feeling. When was the last time I went to a bar to relax and laugh like this? This time talaga, I'll really live for myself. Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon na pinaikot ang buhay sa paghahabol sa atensyon ng mga maling tao. "Pauline, let's party!" Tumayo ako holding my glass and started dancing to the beat. "That's my girl! Let's party until we drop!" Tumayo din ang best friend ko and started dancing with me. Nakatatlong palit ng music ang DJ bago kami napagod na dalawa sa pagkembot, giling, at pagtalon-talon, kaya umupo na kami. We continue drinking our tequila shots ng magyaya ng truth or dare game si Pauline, at unang ikot palang ng baso ay ako na kaagad ang taya. "Dare na! Walang truth truth dito." Paglatag si Pauline ng rules. "Paladesisyon yarn?" Tumatawa kong sagot pero pumayag din naman agad. "Okayyyyyy..." Sagot ni Pauline habang nililibot ng tingin ang paligid. "I want you to go to one of the private lounge, and kiss someone." Pangdi-dare nito. "Hui, gaga! Kiss talaga?" Pero kahit iyon ang dare ng kaibigan ko, I felt a thrill spreading my whole body. "Syempre, you're single now. Papayag ka bang mabakante, beshy?" Sagot ni Pauline. Tama naman siya. Wala namang nangyari sa pagkakaroon ko ng long time crush kay Winston. We got engaged because of our family ties, pero niligawan niya ako after that at naging kami naman talaga, but in the end, pinagpalit niya ako ng ganun ganun lang. So why would I hesitate to kiss someone else? Tumayo ako at lumapit sa mga private lounge, medyo madilim dito sa VIP area. Kaya hindi ko alam kung may mahahanap akong pwedeng halikan dito. Pero nang naglikot ang disco lights, nahagip nito ang isang lalaki sa isa sa mga private lounge. I was immediately captivated by his handsome face. Mag-isa lang ito roon, and maybe because of the tequilas I drank, nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ito. It's dark. I'm sure he won't see and recognize me. Sumaklang ako sa kanya and grabbed his collar and pulled him for a kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD