"Nakakainis na to! Ilang coffee pa ba ang kailangan kong iserve bago nila tayo bigyan ng totoong trabaho!" Rinig kong angal ng kasama kong intern na si Loraine. "Nakakapikon na nga eh. Pati pagxexerox, kahit ang lapit-lapit lang naman sa kanila ay iuutos pa nila sa atin!" Umaangal din si Molly. "I'm tired." Boses naman ni Lucy ang sunod kong narinig. Sa dami nilang angal simula pa kanina ay nakabisa ko na ang mga boses nila. Pumasok ako sa break room dala ang tray na puno ng mga mugs at paper cups. Nautusan din kasi akong magtimpla ng coffee para sa meeting na pinatawag ng Administrative manager dahil may announcements from the higher management. Ngumiti lang ako sa kanila, then proceeds to wash the mugs. Kaunti lang naman kasi paper cups naman yung gamit ng karamihan, except yung mg

