"Office work kasi yung gagawin ko sa OJT, Celline. Hindi naman fashion show. Hindi kasi ako uupo lang, tapos hihintaying kunin yung credit sa pinaghirapan ng iba. So tigilan mo na ang pang-iinsulto sa akin na wala akong pera, sinabi ko na sayo, I have. It's just hindi ko kailangang ipaglandakan yun through what I wear. Kahit basahan pa ang suotin ko, magmumukhang designer dahil kaya kong dalhin ang sarili ko, hindi lang sa piskal, kundi sa talino." Kita ko ang pag-iba ng reaksyon sa mukha nilang tatlo nang banggitin ko nanaman ang tungkol sa credit grabbing, patunay lang na tuloy na tuloy ang plano nilang sulutin ang paghihirapan ko sa OJT kung sakaling sa Castellano pa din ako magtatrabaho. "And let me remind you this, ang pera sa Castellano hindi parating puro papasok. This is business,

