While eating ay pasimple kong binabantayan si grandpa na hindi na nya ulit pakikialaman pa ang wine glass niya. For the char lang kasi yun, because he needs to make a toast para sa buong administrative team. "Grabe nakakapagod ang araw na to. Sa sobrang busy, ngayon lang ulit tayo nagkita." Napatingin ako sa katabi ko, siya yung intern na tumulong sa akin kaninang umaga nang sumabit ang ID lace ko sa suot kong hair clip. His name is Drew. "Oo nga eh. Kamusta ang work?" Tanong ko. "Ayun, gabundok pa yung files na pinapaorganize sa amin. For the past two years ba naman. Ang boring." Sagot nito. "Pano nalang kami? Pinagtimpla ng kape buong araw." Mukhang hindi pa din nakakapagmove on si Molly tungkol sa coffee. "Tapos may pasikat pa." Pabulong nitong dugtong sabay tingin sa akin. "Kami n

