Kabanata 1

3069 Words
Kabanata 1: Movie Marathon ISANG huling sigaw ang gumising sa akin mula sa pagkabangungot. "Isang bangungot..." Sabi ko bago napilitang bumangon. Sinipat ko ang sarili ko ng makita kong halos mapuno ako ng benda at puting tela. Ngumuso ako ng maramdaman kong kumirot ang sugat ko. Buti at buhay pa akong nakauwi. Wait... "Paano ako naka-uwi? Saka...anong oras kaya ako naka-uwi?" Binalingan ko agad ang alarm clock. Napabuga ako ng hininga na makita kong alas-kwatro na pala ng umaga. Dali-dali akong nagpunta sa kwarto ni Orriana. Ilang katok bago ako pinagbuksan ng pinto ni Orriana. Halos napaatras siya ng makita ako. "Gising kana?" Gulat niyang tanong. Inirapan ko siya dahil sa naging tanong niya. Hindi ba obvious? "Tulog pa ako Riana kaya tumahimik ka at papasukin mo ako." Umatras siya para bigyan ako ng daan saka dali-daling lumapit sa akin. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. "E—" "Alam mo ba alalang ala kami sa'yo! Tapos puro ka may sugat. Ano bang nangyari sayo?" Sasagot ulit sana ako ng bigla siyang nagsalita dahilan para hindi ko matuloy ang sasabihin ko. "Buti na nga lang at wala pa si Tita Eina kagabi kaya hindi niya nakita ang kalagayan mo, kundi...naku! Lagot na matindi. Anyway, pirmahan mo daw to sabi nung babaeng blue." Sabay abot niya sa akin nang papel. May minsan na tinutupak ng daldalan itong si Orriana, depende nalang 'yon sa mood niya na hindi maintindihan. "Sabado pala ngayon, baka kasi nakalimutan mo hehe." Sabay peace sign niya. "Pake ko." Walang ganang sabi ko. Gulat ako ng pinalo niya ang likod ko na may sugat. "Bastos ka! Ang sakit 'non. Gusto mo bang mamatay ng maaga Riana?" Galit kong sabi habang inaabot ang likod ko na may sugat. "Salamat nalang. Ano palang gusto mong pagkain?" Tanong niya na hindi ko inasahan. Isang himala ang umaga ngayon. Nagsalita ulit siya ng makita nyang nakatingin ako sa kanya na may pagtataka. "Hindi ka makakapag luto ngayon dahil sa kalagayan mo kaya ako muna. Saka alam kong magluto." Ngusong sabi niya. "Weh?" Tanong ko. "Marunong nga akong magluto hindi lang halata dahil hindi ako namamalagi sa kusina. So, ano nga ang gusto mo ng makapagluto na ako." Tumagilid ang ulo ko dahil halatang naiinis na siya kaya iniinis ko siyang lalo. First time kong marinig mula sa kanya niya na magluluto siya. "Ramen. Tatlo dapat." Sabi ko naikinangiwi niya ng matindi. "Walang ramen dito, remember? Saka nakakatakot bumili sa tindahan ngayon." "May binili akong ramen. Hep!" Pagpapatigil ko sa kanya dahil plano nyang kumontra. "Hindi mo dapat ipagsabi kay Tita Eina, paniguradong magagalit 'yon sa akin." Bilin ko sa kanya. "Siguraduhin mo lang na hindi mo sasabihin kundi...malalagot ka sa akin. Maliwanag?" Tumango siya saka nag thumbs up sa akin. "Maliwanag na maliwanag pa sa sikat ng araw at sa nakakasilaw na ilaw." Tulang sabi niya habang nakataas ang kanang kamay niya na nangangako. Nagsalute siya bago umalis, nang makaalis na siya umalis na rin ako sa kwarto niya at pumunta nalang ako sa kwarto ko para kunin 'yong nabili kong ramen. Pagkakuha ko ng ramen patakbo akong pumunta sa kusina. Nakasalubong ko pa ang tatlo na naglalakad pababa ng hagdan. "H-huy! diba si Einzel 'yon?" Dinig kong tanong ni Ezra. "Siya nga." Sagot naman ni Xylyn. Hindi ko na pinansin 'yong tatlo at patuloy akong tumakbo hanggang makarating sa kusina. Naabutan kong nagpapainit na ng tubig si Orriana. Inilapag sa counter table 'yong tatlong ramen saka ako kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. Pagkatapos kong magtimpla naupo ako sa counter chair. "Magaling kana?" Pag-uusisa ni Chloe. Tumango ako saka sabing. "Magaling na ako dahil wala akong sakit." Pero gulat ako ng hinampas hampas niya ang braso ko. "Anak ka ng pating! Bakit mo ako hinampas? Eh ang sakit lalo't natamaan 'yong sugat ko." Inis kong sabi habang hinihimas ang braso ko na hinampas hampas ni Chloe. "Sabi mo wala kang sakit. Ano yan inaarte arte mo? sabi mo magaling kana? kaya magaling kana nga." Ngiting ngiti na sabi niya. "Magaling nasa kung hindi mo hinampas hampas ang sugat ko. Ano ako manhid at hindi marunong maramdaman ng sakit? Ikaw kaya hampasin ko ng kaldero para maramdaman mo yung sakit. Ewan ko lang at baka maisipan mo nang umalis—" Napatigil ako sa pagsasalita ng umepal ang walang hiyang Chloe. "Tama na. Chill chill lang. Wala naman kalaban." Sabi niya. "Si Tita pala ilang araw munang mananatili sa probinsiya." Biglang singit ni Myrein at dahil sa sinabi niya tuwang tuwa kami. Syempre walang bawal bawal muna ngayon dahil walang magbabawal. Pumunta ako sa kwarto ko ng matapos akong nag umagahan. Kinuha ko sa mesa 'yung papel. Binasa ko ang nakasulat don matapos kong mabasa ang lahat ng nakasulat padabog kong ibinalik iyon sa mesa. May saltik talaga ang Inuyasha na 'yon. "Kung may pagkakataon talaga ako, susuntukin ko siya ng matindi hanggang masira ang pagmumukha niya ng bonggang bongga." Nakakuyom ang dalawa kong palad na nang gigil. Lintik talaga ang isang 'yon. Pagkakuha ko ng bike ko agad akong umalis ng hindi nagpaalam sa kahit isa sa lima. Nagtungo ako sa kanto ng mga tambay. Pagkakita nila sa akin agad silang nagsitayuan na parang susugurin nila ako. Sa hindi kalayuan may kumakaway sa akin. Nang makilala ko kung sino, ako na mismo ang lumapit para magtanong. "Ms Bosing." Ngiting sabi niya. "Anong kailangan mo pala at narito ka?" Tanong niya. Siya 'yong lalaking nakita namin don sa lugar na 'yon kagabi. Ano kaya ang dahilan at siya ang nandito at hindi 'yong lalaking Inuyasha na 'yon. "Nasaan na 'yong lalaking lintik na leader ninyo?" Napakamot siya ng batok. "Actually nasa ensemble quarters siya. Ano bang kailangan mo sa kanya?" At least na sagutin ko siya nagtanong ulit ako. "Saan ba ang ensemble quarters na 'yan?" Tanong ko. "Bawal sabihin. Masyadong delikado para sayo. Kung ako sa'yo kung ano mang kailangan mo, sa lunes ka nalang pumunta sa kanya." Saad niya. Paano na kaya 'yong sasabihin ko kung hindi ko agad makakaharap ang lalaking 'yon. Di bali may isang araw pa bago ko siya makita. "Kaso hindi sa ensemble quarters mo siya makikita." Dagdag niya. Kumot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Saan naman kung gano'n?" "NeftXen University." Sagot niya. *** Pagdating ko ng bahay biglang may sumalubong sa akin. Kung hindi ko nakilala inambaan ko sana siya ng suntok. "Oy Zen. Long time no see." Seryosong sabi niya. Halatang wala sa mood ang isang 'to. "Oy Sahnen! Long time no see. Bakit napasyal ka pala dito?" Lumingon ako sa likod niya kung may kasama ba siya o wala. Pero mukhang mag isa lang ang bruha. "Ikaw talaga sadya ko. Ilang araw akong kinulit ni Ungas kung nasaan ka daw pero syempre kahit anong kulit niya hindi ko sinabi kung nasaan ka." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Ayaw ko pa naman ng makulit na tao ngayon. I need some rest today. Syempre kailangan may time din ako sa sarili. "Pinapamigay pala sa'yo. Miss kana daw niya kaya nagpupumilit na ibigay ko daw sa'yo ito kapag pinuntahan kita." Inabot niya sa akin ang apat na paper bag. "Galing talaga to sa kanya?" Paninigurado ko. Tumango sabay sabing, "Oo." "Aalis kana?" Tanong ko. "Kailangan. Saka idinaan ko lang 'yong ipinapabigay sa'yo. Kaylan ka pala makakapunta don?" Tanong niya na ayaw kong itanong niya sa akin pero wala, natanong na niya. "Hindi ko alam. Ewan ko. Malay ko." Sagot ko. "Puyat lang yan." Sabi niya sabay tapik ng balikat ko. "Nalaman ko rin ang nangyari sa'yo kagabe." Hindi na ako magtataka dahil 'yon sa dalawa na madaldal. Masyadong walang preno ang bibig kaya kung anu-ano ang nasasabi niya. Tumango nalang ako. "May chika kaba?" Tanong ko. At least na magsalita siya hinampas niya ang braso ko. "Puro ka chika. Nahawaan ka narin ni Chloe." Iling niyang sabi saka naglakad papuntang gate habang ako naman ay nakasunod sa kanya. "Kung ayaw mo ng chika ano palang ganap?" "Maliban sa nabawasan ang isang numero unong Pag-asa...ayon, may mga bagong dating." Pagkasabi niya i'yon nasa tapat na kami ng gate. Mukhang goodnews ang bagay na 'yon para sa mga naroon. "Huwag kang mag-alala. Wala pa naman ginagawang kabulastugan ang mga 'yon." Ngiting sabi niya bago umalis. Nakabusangot akong pumasok nang bahay. Naabutan ko ang lima na may kanya kanyang pwesto habang nanonood ng k-drama. Hindi ako sumasama sa kanila na manood dahil wala ako sa mood. Boring na nga may problema pa. Ang saklap talaga ng buhay ko kahit kaylan. Inisa isa ko ang apat na paper bag kung anong laman ng mga 'yon. Laking tuwa ko na ang isa sa apat na paper bag ay may laman na ramen. Sunod kong binuksan 'yong isa, ang laman naman ay papel at ballpen. Halos lahat ng laman ng paper bag ay kailangan ko. Pagsapit ng gabe siya ding pagtawag ni Tita Eina kay Myrien. Sana pala hindi ko nalang kinausap si Tita edi sana hindi ko narinig ang mga bilin niya. Sumakit tuloy ang ulo ko sa dami ng bilin niya. "Naintindihan mo ba Zen?" Tanong niya pagkatapos nyang sabihin ang lahat ng bilin niya. Gusto sabing wala akong naintindihan kundi sakit ng ulo ang napala ko. "Yes naman Tita." Pekeng ngiting sabi ko. "Ako pa. Sige po at maluluto na po ako ng pagkain." Paalam ko kahit na totoo lang hindi naman ako magluluto kundi alibay ko lang 'yon baka kasi ano pa ang sabihin niya. Kinaumagahan naman at boring na boring na ako sa bahay. Gusto sanang gumala ang kaso baka ano pa mapala ko. Itinuon ko nalang ang oras ko sa panonood. Pero kung mamalasin ka nga naman at may umabala sa akin. "Walang mudong pumasok si Ezra habang may dala dalang laptop at sitsirya." Tulang saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa pinapanood. "May mudo ako. Ay!! makiki wifi nga pala ako. Anong password?" Umupo siya sa tabi ko saka dumukot sa garapon ng anim na lollipop. "Ewan ko. Malay ko, huwag ako ang tanungin mo." Sabi ko habang hindi maalis alis ang tingin sa pinapanood. "Edi wow. Pahiram nalang ng cd. Yung kay Ichigo. Ibabalik ko kapag tapos ko nang mapanood hehe." Napaka abusado talaga nitong si Ezra kahit kaylan. Tinuro ko 'yung drawer kung nasaan 'yung mga cd. Pagkakuha niya ng cd agad syang umalis at hindi manlang sinara ang pinto. Halos mapabalikwas ako ng may biglang tumawag sa cellphone ni Xylyn. Napalinga ako para hanapin si Xylyn pero wala siya mukhang nagpunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Sumungkit ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan ng tumawag kay Xylyn. Rage? Sino naman si Rage? Awtomatikong napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang yapag ni Xylyn. Tumaas ang kilay ko ng makita kong ang dami nyang dalang pagkain. Halos matabunan siya dahil sa dami ng dala niya. Sumulpot sa likod niya ang apat na may dala dalang unan, kumot at mga gadgets nila. "Wait a minute. Bakit kayo nandito?" Kunot noong tanong ko. "Movie marathon tayo. Saka bonding na rin. Malay niyo last na'to na magkakasama tayo, diba?" Kibit balikat nasabi ni Ezra. Hindi ko alam kong tungkol parin ba sa tanong ko o may iba syang ibig sabihin sa sinabi niya. Iwinaksi ko nalang ang bagay na 'yon tutal ngayon lang naman sila makakatambay sa kwarto ko. Hindi nagtagal at hindi na marinig 'yong pinapanood. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga dahil sa ingay ng tatlo. Hindi ko maenjoy ang panonood dahil sa tatlo. Paano ba naman hindi sila mapakali sa kinaroroonan nila. Minsan tatayo minsan halos mabato na nila ng unan ang screen ng tv. Nilingon ko ang dalawa na walang imik. Buti pa itong dalawa hindi maingay kapag nanonood kaso busy sila sa kanilang laptop. Hindi na sila nanood dahil sa likot at ingay ng tatlo na nasa harapan. Dahil sa boring at dahil hindi na ako makanood, nilapitan ko 'yung dalawa saka kinausap. Pagkatapos namin mag-usap pasimple kaming nagpunta sa kanya-kanya naming pwesto. Ako kasi ang papatay ng ilaw habang 'yung dalawa ang mananakot sa tatlo. Pagka-set ko ng camera agad na akong nagpunta kung saan naroon yung p*****n ng ilaw. Pag-senyas ko sa dalawa agad kong pinatay ang ilaw. Tulad nga ng inasahan namin, malakas na napatili ang tatlo saka nagtatakbo dahil tinatakot sila ni Orriana at Myrein. Nagtakip ang dalawa ng puting kumot saka may hawak na flashlight dahilan para matakot ang dalawa. Kasabay na sigaw nung taong nasa tv ay siya ding pagsigaw ng tatlo na takot na takot. Mukhang effective na effective 'yong pananakot namin. Sa sobrang takot ng tatlo pumasok sila cr. Kinatok ng dalawa ang pinto ng cr habang nakatakip parin ng kumot at may hawak na flashlight. Binuksan ko na ang ilaw saka pinatay narin ang tv dahil paniguradong wala ng ganang manood 'yung tatlo. Makalipas ang ilang minuto bago lumabas 'yung tatlo saka ayon hinabol nila yung dalawa palabas ng kuwarto. *** Kinaumagahan ng lunes mag-isa akong pumunta ng NeftXen University. Plinano kong maagang pumasok ng school para makausap si Inuyasha. Walang akong ganang dumeretso sa library. Naisipan kong sa library nalang ako pumunta, hindi ko naman alam kong saan kasi na mamalagi yon. Ang lawak pa naman ng NeftXen. Pahihirapan ko lang ang sarili ko na hanapin siya. Paimportante ang mukong. Pagkatunog ng ring bell agad kong kinuha ang bag ko sa upuan saka isinakbit 'yon sa kaliwang balikat. Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad may pares ng sapatos akong nakita. Pagka-angat ko ng tingin agad na nabuhay ang dugo sa buong katawan ko. Tsk. Narito pala ang mukong. "Himala at nakita kita." Ako na mismo mo ang unang nagsalita. Kinuha ko sa bag ko ang papel tsaka inabot sa kanya. Pagkabigay ko 'non agad na akong tumalikod saka naglakad paalis. Napalingon ako sa relo ko ng makita kong malapit ng magsimula ang klase, tumakbo nalang ako para hindi masarahan ng pinto. Sa kabutihang palad hindi naman ako nasarahan ng pinto pero hindi agad ako nakaupo sa upuan dahil pinag sagot ako sa tisara. Lintik na talaga. Mali daw? Paanong mali e tama naman. Inis kong inilapag sa upuan ko ang bag bago ako umupo. Kulang daw ang solution pero tama ang sagot pero mali parin. Tsk. Ang tindi ng amag ni Sir Ken, the Sir kenkong. Matapos ang klase namin kay Sir Kenkong sunod naman na ay sa klase ni Sir Gulkan, the Sir Bulkan Gurang na gulat ang ayos ng buhok. Sabog e! Puro tanong ang ginawa ni Sir Gulkan. Kapag hindi nakasagot tatayo hanggang matapos ang klase niya. Tumigil siya sa paglalakad at sakto pa sa tapat ko. "Tayo Stevenson." Utos ni Sir Gulkan sa akin kaya tumayo naman ako. "Ano ang ibig sabihin ng 'Mi Ultimo Adios? Sinong sumulat at saan isinulat?" Tanong ni Sir habang inaayos niya ang salamin niya. "Recitation na Sir?" Tanong ko na siyang ikinainis ni Sir Gulkan. Nagtanong lang, galit na agad si Sir. "Ang tanong ko ang sagutin mo Stevenson! Kung nag-aral ka edi alam mo. Sasagutin mo o tatayo hanggang mamaya?" Dahil sa tamad akong tumayo hanggang mamaya mas magandang sagutin nalang. "Sir Paki ulit nga 'yong tanong." "Nakikinig ka ba Stevenson?" Galit nyang tanong. Nagkibit-balikat ako saka sabing "Ewan ko Sir." Sagot ko. "Walang kwenta. Kapag itong tanong na'to hindi mo nasagot bagsak ka talaga sa recitation." Pananakot niya sa akin. D'yan talaga magaling ang bulkan gurang, sa pananakot. Buti at hindi naapektuhan ang utak ko dahil sa nangyari kahapon kundi naku wala akong masasagot ngayon. "Uulitin ko ang tanong ko. Ano ang ibig sabihin ng 'Mi Ultimo Adios? Sinong sumulat at saan isinulat?" Pang-uulit ni Sir Gulkan sa tanong niya kanina. "Ang ibig sabihin ng 'Mi Ultimo Adios' ay My last farewell. At kung sinong---" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng umepal si Sir Gulkan. "Hindi English ang asignatura na tinuturo ko Stevenson!" Galit nasabi ni Sir. Tsk! Ang daming arte. "Mi Ultimo Adios na ang ibig sabihin sa tagalog na 'Ang aking huling Paalam' Ang sumulat neto ay ang ating pambansang bayani, siya ay si Doktor Jose P. Rizal. Isinulat niya ang 'Mi Ultimo Adios' habang siya ay nakapiit sa Fort Santiago sa Maynila." Pagkasagot ko umupo agad ako. "May sinabi na ba akong maupo ka Stevenson?" Sarkastikong tanong ni Sir Gulkan. "Wala." Sagot ko habang naka-upo pa rin. Nasagot ko na yung tanong niya kaya ang ano pang dahilan para tumayo ako ng matagal. Gurang na talaga si Sir. "Saka Sir nasagot ko na 'yung tanong mo kaya ano pang dahilan para tumayo ako. Bakit Sir mali ba yung sagot ko?" Ngising tanong ko. Sabihin nyang mali talagang ibabato ko itong upuan ko sa kanya. "Bukas na bukas ay may pagsusulit kayo." Sabi ni Sir habang kinukuha niya ang mga gamit niya sa lamesa. Dahil sa sinabi niya ang daming umangal. Pagkaalis ni Sir Gulkan nagsimula nang silang sisihin ako. Paano kapag hindi umabot sa passing score ang nakuha nila magrereport sila sa harap. "Masyadong paepal. Akala niya kung sinong magaling." Pagpaparinig ni Clariz. Napabuga ako ng hininga ng may biglang umalog ng ulo ko. Hindi sana ako mapapatayo sa kinauupuan ko kung hindi lang nila inulit ang pag-alog ng ulo ko. Pagkatayo ko hinarap ko ang anim na lalaking walang mudong umalog ng ulo ko. Ngiting ngiti sila na parang namamangha dahil sa pagtayo ko. "Lalaban ata pre?!" Sabi nung isa sa kasama niya. "Ano? Lalaban ka? Kahit babae ka hindi ka namin palalagpasin." Mayabang nasabi nung isang lalaki at bahagya pang lumapit sa akin. Sa pagkakataon na 'yon agad ko siyang sinikmuraan dahilan para lumayo ang lahat sa amin dahil takot silang madamay. Sumalampak siya sa sahig, duguan din ang gilid ng labi niya. Mukhang napalakas ang pagkakasikmura ko sa kanya? Di bali, deserve niya 'yan. "Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat ay 'yung inalog alog 'yung ulo ko. Nahihilo ako e. Tsaka ako naman yung babaeng kahit lalaki hindi ko inuurungan." Seryosong sabi ko saka hinarap ang iba. "Kaya kapag inulit ninyo ang ginawa niya sa akin." Tinuro ko ang lalaking sinikmuraan ko. "Hindi lang sikmura sa tiyan ang makukuha ninyo. Pagkakuha ko ng bag ko naglakad ako paalis pero bago pa man ako tuluyang umalis nilingon ko silang lahat. Yung kaninang tahimik ay lalong tumahimik dahil sa huling sinabi ko. "Ako kasi yung taong hindi pumapayag ng hindi nakakaganti ng matindi." Yan ang huling salitang binibitawan ko para magbigay babala. Tch. Mga pasaway naman kasi sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD