Kabanata 2

2333 Words
Kabanata 2: Met Gian NAPATIGIL ako sa paglalakad dahil may humarang sa dadaanan ko. "Follow me." Sabi ni Inuyasha saka na unang naglakad paalis. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba o hindi kaso may umepal. "Ms Bossing!" Kaway na tawag sa akin, hindi ko lang alam ang pangalan niya. "Bakit?" Tanong ko saka naglakad at sinundan si Inuyasha na nangunguna sa paglalakad. Apurado lang. "Kamusta pala ang mga natamo mong sugat?" Usisa niya sa mga bendang nagkalat sa katawan ko. "Heto at marami sila. Bakit manghihingi ka?" Tanong ko na siyang ikinangiwi niya. "No thanks." Tanggi niya at bahagya pang napalayo ng kaunti. "Anyway i'm Gian the only one handsome." Pagpapakilala niya saka niya inabot sa akin ang kamay niya para maki shake hand. Hindi ko tinanggap 'yon dahil hindi naman ako interesado. Tsaka ayaw ko ng personal attached. "Ang suplada mo. Dahil sa ayaw mong sabihin ang pangalan mo, ang tawag ko nalang sa'yo--hmmm...what if Nak?" Binalingan niya ako na may ngiti. "Ilan taon kana Nak?" Tanong niya naikinatigil ko. Hinarap ko siya saka tinaasan ng kilay. Nak daw? ang badoy. "Hindi nak ang pangalan ko. At pwede ba. Lumayo ka." Supladang sabi ko saka siya iniwan. Feeling close e ilag ako sa mga taong badoy at makulit. Sadyang makulit siya at makapal pa ang mukha. Bigla nalang niya akong inakbayan. Tumigil ako sa paglalakad saka ko inapakan ang paa niya dahilan para mapa-aray siya at inalis niya ang kamay niyang naka akbay. "Masakit ba?" Pang-aasar ko. "Yan ang napapala ng mga taong walang hiya." Sabi ko bago umalis. Inis na inis akong huminto ng makita kong may hagdan. Ibig sabihin pupunta kami sa third floor. Lintik na talaga. Tamad akong maglakad. Ano kaya kung hindi nalang ako sumama sa kanila. Tanungin ko nalang kung anong pakay niya. "Ay wait lang!" Pigil ko kay Inuyasha ng paakyat sa hagdan. "What?" Supladong tanong niya. "Ano naman ba kasing kailangan mo at talagang kailangan pang sumama ako?Pwedeng dito mo nalang sabihin." Biglang nagsalubong ang kilay niya ng dahil sa sinabi ko. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Para sa akin wala naman. Masyado lang siyang suplado kaya ganon ang reaksyon niya. "Saka ko sasabihin kung sasama ka. Nasa sayo na 'yon kung sasama ka para malaman ang sasabihin ko o hindi." Pagkasabi niya 'yon saka siya naglakad paalis. Suplado lang ang peg?! "Nakakatamad, kainis!" Inis akong sumunod sa kanya. Malilintikan talaga siya kapag wala naman halaga ang sasabihin niya. Tinatamad akong maglakad tsaka sa third floor pa. Plano ko pa naman mag recess dahil gutom na ako tapos heto at maglalakad ako paakyat ng third floor. Ang masasabi ko lang...malas! "Pasan mo ba lahat ng problema at ganyan ang ayos ng mukha mo?" Tanong ni Gian habang nakikisabay sa paglalakad. "Wala kana don." Walang ganang sagot ko. "Wala naman talaga ako don eh!" Sabi niya na siyang ikina-irap ko. Dagdag sakit ng ulo ang isang to. "Ano bang problema mo?" Seryosong tanong niya. "Madami." Sagot ko. "Bakit maghihingi ka?" Taas kilay kong tanong. "Hindi ko kailangan humingi. Baka makatulong lang." Ngiting sabi niya. As if naman may maitutulong siya. "Tsk. Ano naman maitutulong mo?" Tanong ko. "Depende sa problema mo." Sagot naman niya. Depende daw sa problema ko!? Ibang problema nalang sa sabihin ko. "Bilhan mo nga ako ng pagkain sa cafeteria." Walang patumpik-tumpik kong sabi. Natawa siya. Ewan ko nalang kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Mukhang siya ang may problema at hindi ako. "Yon lang?" Tanong niya nang pagkatapos niyang tumawa. Tumango nalang ako. "Yon lang pala akala ko kung ano na. Oh---Bakit to?" Tanong niya ng iabot ko sa kanya ang pera ko. "Pera. Pangbayad." Sabi ko pero ibinalik din niya agad ang pera ko sa akin. "Nah. I have a money." Pagkasabi niya yon ay bigla nalang siyang umalis paalis. Mukhang pupunta na 'yon sa cafeteria para bumili. Pagkarating namin sa tapat ng isang bukas na pinto agad na pumasok si Inuyasha kaya sumunod narin ako. Hindi nakaiwas sa akin ang mata ng iba na may mapanghusgang tingin. Dahil sa wala namang sinabi si Inuyasha na sumunod ako sa kanya, naupo nalang ako sa sofa na malapit lang sa pinto. Pagkapasok nang mga kasama ni Inuyasha agad silang nagtungo sa ilang upuan na bakante. Hindi din nagtagal at nagsimula na silang mag-usap usap. Sa tingin ko may meeting sila. Bakit naman kaya ako isinama pa dito eh may meeting pala sila. Ewan ko nalang sa trip ni Inuyasha. Makalipas ang ilang segundo at dumating na si Gian na may dala-dalang plastik. Kung hindi ako nagkakamali iyon 'yung mga binili niya. Inilapag ni Gian sa mesa ang dala dala niya. Napalingon naman ako kay Inuyasha na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Hindi kalaunan ay tumango bilang sabi na ayos lang kumain dito sa SSG office. Nakuha ni Gian ang atensyon ko ng dahil sa tanong niya. "Tubig o softdrinks?" "Softdrinks." Sagot ko. "Apat ah?!" Dagdag ko na siyang ikinatawa niya. Matindi na talaga ang problema niya. Pagkaalis ni Gian nagsimula na akong kumain at hindi na siya hinintay. Pagkabalik niya anim na softdrinks at dalawang mineral water ang dala niya. Napalingon ako dahil sa isang babaeng maarteng magsalita. Mukhang may pagkamalandi siya o sadyang malandi siya? Ewan ko pero kinukutuban ako, at matindi ang kutob ko na tama nga ako. Napaghahalataan dahil sa kilay. Kahit na kumakain ako hindi ko maalis ang tingin sa mga nagmemeeting. Para kasing may magaganap. At hindi nga ako nagkamali! Biglang nagkainitan ang dalawang babae. Yung babaeng maarte at yung babaeng hindi ko nakikitaan ng arte. Syempre kung ako pag pipiliin boto ako don sa babaeng walang arte. Biglang nagsalita si Gian. "Kadalasang magkasalungat ang gusto ng dalawang 'yan. At kadalasan silang magkakontra sa lahat ng bagay." Uminom siya bago muling nagsalita. "Mainitin at hindi marunong makinig si Nayien. Gusto niya siya lagi 'yung bida sa lahat. Samantalang si Princess ay hindi basta bastang pinapairal ang pride. Si Princess nalang ang umiintindi kay Nayien. Kahit minsan ay sumosobra narin 'yon isa. Pero wala eh, sadyang hindi kayang ipairal ni Princess ang magalit. Ayaw niya ng gulo kaya si Cristine nalang ang nagsasalita para sa kanya. Kaya malayo talaga ang tyansang magkasundo sila." Napailing pa siya habang sinabi 'yon. Dalawang klase ng tao sa mundo. Taong hindi marunong makinig at ang pinapairal ay ang kagustuhan kahit na siya'y nakakalamang sa maling paraan. At taong iniisip ang iba kahit sobra na ang ginawa. Sadyang ayaw lang ng gulo at ayaw mauwi sa persolan ang lahat. Matapos ang meeting nila nagsialisan narin sila, maliban nalang don sa mga kasama ni Inuyasha. Pagbalik ni Gian nang matapos niyang itinapon 'yung mga pinagkainan ay may roon ulit siyang dala. Isang kahong cookies. Matakaw din pala siya. Naglakad palapit sa kinaroroonan namin si Inuyasha habang nakasunod naman yung walong kasama niya. Noong nakaraan labindalawa sila pero ngayon walo lang sila. Mukhang napakadami n'yang kasama lagi. Naupo si Inuyasha sa tapat ko habang nasa likuran naman niya 'yung walo. Nailang ako dahil sa paraan niya ng pagtitig. Ewan ko nalang bakit siya gano'n makatingin sa akin. Yung bang pinagaaralan niya bawat kilos ko. Yung bang may inaalaman siya sa akin. letche. "Ano ba talaga ang kailangan mo?" Tanong ko. Mula kasi ng makarating ako dito lagi nalang siyang sumusulpot. Siya ata 'yung ligaw na damo na laging nandyan at hindi mawala-wala. "Yesterday I said sign the papers give it to you. But you didn't sign it." Seryosong sabi niya, at napaghahalataan galit siya. Ibig sabihin kaya pala siya biglang sumusulpot ay dahil sa papel na 'yon? Tama naman ang ginawa ko na hindi pumirma. Kung gusto kong maayos ang pag-aaral ko kailangan kong umiwas sa ano mang gulo. "Kailangan bang sapilitan kitang papirmahin?" Tanong niya habang nilalaro sa kamay niya ang susi ata ng sasakyan niya. "Sinabi ko na nung una palang na ayaw ko ng gulo. Pagsabi ko na ayaw kong masangkot sa kahit anong gulo, ibig sabihin ayaw ko ng problema. Pag-aaral ang pinunta ko dito hindi para makipag-away nalang sa kahit na sino." Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko sa sofa. "Pumunta ako dito para sa pagbabagong hinahangad ko. Hindi 'yong mapasama sa mga taong sisira ng buhay ko." Pagka bitaw ko ng salitang 'yon walang pasubali akong umalis. Ilan taon kong hinintay hetong araw na'to para magsimula. Sa ngayon wala akong sa sayangin na panahon para hindi matupad ang lahat ng nasimulan ko. At sa huling oportunidad ko na ito. Wala akong dahilan para hindi ipagpatuloy ang plano ko. Heto lang ang paraan na nakikita ko para maayos ko ang buhay kong miserable pa sa miserable. Ilang minuto at nakabalik ako sa classroom ko. Yung ingay na maririnig mula palang sa labas biglang nabalot ng katahimikan. Sa mga sumunod na klase walang nagtangkang mag-ingay. Mukhang na takot sila. Nang matapos ang klase hinintay kong may unang lumabas pero mukhang wala silang planong umuwi. Kaya kasya manatili ako sa classroom ako na ang unang lumabas. Wala naman akong planong manatili don lalo sa nangyari kanina. Nang marating ko ang parking lot kung saan pinag paparkingan ng mga sasakyan, may sumira ng gulong ng bike ko. Putik na letcheng pating! Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari. Pati bike ko pinagtripan ng mga taong walang habag. Kapag naman ko kung sinong may gawa, malilintikan siya ng matindi. Dahil hindi ko naman magagamit 'yung bike naisipan kong puntahan 'yung apat. Hindi naman ako nabigo dahil pauwi na rin sila. Kunot noong napatigil ang apat ng matanaw nila ako. Ako nalang ang lumapit sa kanila para makisabay sa pag-uwi. "Sa sabay ka?" Takang tanong ni Ezra. "Malamang Oo. Timang kang talagang Ezra ka!" Bulyaw ni Xylyn sabay batok kay Ezra. "Tingina naman Lyn! Mabobo na ako neto e!" Reklamo ni Ezra habang hinihimas himas niya ang parte ng binatukan ni Xylyn. "Lapit ka dali!" Sinenyasan pa ni Ezra si Xylyn na lumapit sa kanya. Nagtaka naman si Xylyn kung bakit siya pinapalapit. Kahit na naguguluhan siya lumapit parin siya. At ayon nga. Nakatanggap ng batok si Xylyn mula kay Ezra. Na-uto ang bakulaw. Hindi kami nakauwi ng maaga dahil panay ang hinto namin sa bawat bilihan na nadadaanan namin. Kaya ang ending ginabi kami ng uwi. Dahil na rin sa sinumpong kami ng katamaran hindi na kami nagluto. Kanya kanya nalang kami ng diskarte para makakakain. Pagsapit ng ala una ng gabi hindi ako dalawin ng antok. Napagpasyahan kong maglibot nalang sa bakuran ng bahay baka sakaling dalawin ako ng antok. Halos nalibot ko na ang buong sulok ng bahay pero...takte! Hindi talaga ako madalaw dalaw ng antok. Hanggang ngayon gising parin ang diwa ko. Tapos narin akong nag-review pero wala talaga. Ayaw akong dalawin ng antok ngayon gabi. Dahil sa sinumpong na ako ng lamig, bumalik na ako sa loob. Mahirap pa naman magkasakit. Naisipan kong magpainit ng tubig. Magluluto nalang ako ng ramen at bacon. Pagkatapos kong magluto inisa isa kong inayos yung niluto ko bago kumain. Sa kalagitnaan ng pag sasandok ko ng ramen biglang sumusulpot ang apat. Mga halatang hindi makatulog. Nagsikuha sila ng mga mangkok nila saka walang pasubali silang kumuha sa niluto ko. Kahit kaylan talaga...mga patay gutom. "Zen!" Tawag ni Chloe sa pangalan ko. "Bakit?" Tanong ko bago uminom ng softdrinks. "Daan tayong grocery bukas bago umuwi." Tumango nalang ako bilang sabi na Oo. "Daan lang huh?!" Paninigurado ko. Tumango tango naman siya. Matapos namin kumain naghugas muna ng mga pinggan si Chloe at Myrien. Habang yung dalawa naman ay naka-upo lang at pinaglalaruan yung prutas na laruan na nasa mesa. "Ano kayang pasalubong ni Rianna?" Nakabusangot na tanong ni Ezra. Umuwi muna kasi si Orriana sa kanila para asikasuhin muna 'yung mga kapatid niya. Bukas din ng umaga ang dating niya pero dederetso na siya ng NeftXen para hindi niya mamiss ang ilang subject niya. "Sana naman hindi niya nakalimutan na bumili ng candy saka lollipop." Sabi naman ni Xylyn. Kinuha ko mula sa cabinet 'yung garapon ng lollipop saka inilapag sa tapat ni Xylyn. Napaayos siya ng upo ng makita niya ang isang liyenong garapon ng lollipop. "Talagang mga abusado kayo no? Pati yung taong naghihirap lalo niyo pang pinapahirapan." Panenermon ko. Mag-isa lang ni Orriana na tinataguyod ang mga kapatid niya. Minsan kailangan n'yang umabsent para lang sa mga kapatid niya. Buti nalang at matalino siya kaya medyo napapagaan ang problema niya o trabaho niya sa buhay. Pag minsan na gipit na gipit na siya pinapakiusapan niya kami na bantayan ang mga kapatid niya. Ilang beses narin namin siyang inabutan ng pera saka kinausap, kaso ayaw niyang tanggapin. Sabi niya umutang na siya sa lahat pwera lang sa mga kaibigan niya. "Grabe ka naman sa pinapahirapan!" Depensa ni Ezra. "Ewan ba don sa babaeng 'yon. Uutang siya, tapos kapag papautangin natin tudo tanggi siya. E nagmamalasakit lang tayo na mga kaibigan niya." Totoo naman ang sabi ni Xylyn. Kapag siya uutang at kami ang kusang magpapautang panay ang tanggi niya. Hindi ko naman siya masisi, masyadong pinapairal ni Rianna ang batikan niyang salita o ang famous words niyang... "Sabi nga niya..." Pagbibitin ni Myrien. Mukhang kakatapos lang nilang maghugas ng mga pinggan. Kaya nakikichika na. "Kapag panahon ng kagipitan, unang malalapitan ay kaibigan. Pero kapag usapang salapi, sa kaibigan ay huwag mawiwili." Sabay sabay na sabi nung apat. Yan kasi ang kadalasang binabato niyang salita kapag usapang utang. Ayaw niyang mawili kahit na kaibigan niya kami. D'yan niya kami napabilib sa ugaling meron si Orriana. Kaya minsan kami nalang ang nagbabantay sa kapatid niya. Mas kadalasang sa bahay nila kami tumatambay lalo noong medyo bata pa kami. Panay ang uwi ko kay Lola para lang makita silang lahat. Pabalik-balik ako ng uwi kahit na kadalasang napapagalitan ako. Almost seven years na kaming magkakaibigan. Sa pitong taon na 'yon, masasabi kong solid ang pagkakaibigan namin. Parang masasabing wala ka nang hihilingin basta nasa tabi mo 'yung mga kaibigan mo na parang kapatid mo nang ituring. Sabi nga nila, sa bawat aalis ay mayroong pintong bukas para sa bawat darating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD