Chapter 7. Ang masayang gabi nina Lance at Roseta
[ Pasensya na kung may grammatical error.]
Nang hapon na at nasa kwarto ako. Excited akong bumubukas ng mga pinamili ni Lance.
Maraming shopping bag ang nasa kama, kaya kinuha ko na ang isa at binuksan ito.
Ilang dress ang nasa loob at agad kung kinuha para i- try. Nang sinuot ko na at tinignan ko sa salamin ang binili ni Lance ay bagay na bagay sa'kin.
May ibat-ibang klaseng kulay ang Dress tulad ng black, white, maroon, at violet. Inuna kong sinuot ang black, bagay sa'kin at tama lang ang haba ng damit, na hanggang sa tuhod ko lang.
Di ko na sinukat ang iba pang mga Dress dahil same size lang ang lahat. Kumuha ako uli ng isa pang bag at binuksan ito.
Underwear at bra ang nasa loob ng shopping bag kaya bigla akong namula ng mukha.
Kinuha ko ito sa loob ng bag at inilagay ko kaagad sa drawer. Wala na akong pakialam kung di kasya sa'kin ang mga iyan dahil nahihiya ako sa kanya.
Ang ginagamit ko kasi ngayon ay iyun mga bagong bili ni Nana Dolores. Nung pumunta sya dito at ilang piraso lang ang mga iyun.
Kumuha ako muli ng bag at binuksan ito. Mga shirt at short ang nasa loob. Sunod-sunod na ang pagbubukas ko ng mga bag. Meron itong toothpaste, toothbrush, at marami pang iba na magagamit ko.
At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang sanitary napkin.
Ngayon ay nailagay ko na sa lagayan ang lahat ng mga binili ni Lance. Pero may isang bagay akong pinaka excited na buksan, pero iyun din ang hinuli kong binuksan.
Walang iba kundi ang Cellphone, may magagamit na ako para tawagan si Carol, ang step sister ko.
Kinuha ko na ito sa lagayan, at may kasama na pala itong sim card.
Inayos ko na at inilagay ang sim card sa loob ng cellphone. At ng i- open ko na ay bigla akong napalundog sa saya.
Makakausap ko na si Carol. Matutulugan na nya ako na maka- alis dito sa Pilipinas.
Kaya agad ko ng nag- dial para ma contact si Carol. Ngunit ring lang ng ring ito.
Di ko makapaghintay na makausap si Carol ngunit ilang minuto pa akong naghihintay sa kanya na sagutin nya ang tawag ko.
Kaya nag message na lang ako sa kanya, at sinabihan na bago na ang Sim Card na ginagamit ko.
Marami pa sana ako gustong sabihin sa kanya, kaya lang di ito sumasagot sa tawag ko.
Napahiga ako sa kama at hinihintay na sagutin ni Carol ang tawag ko. Ngunit di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
{ Mama!... Bakit may mga pasa ka sa mukha?” } Pag-alala kong tanong kay Mama nung pauwi na ako galing school.
“ Wala ito anak, pumunta ka na sa kwarto mo.” Naiiyak na utos ni Mama kaya tumango ako at umakyat na ng hagdan para pumunta sa kwarto ko.
Di pa ako nakakapasok ng biglang may narinig akong pUtOk ng baril kaya napatakbo ako ngunit ng nasa hagdan na ako bigla na lang akong napasigaw ng makita kong nakahiga na si Mama at maraming ng dugo ang kumakalat sa sahig.
“ Mama!... Mama!...” Umiiyak kong sigaw.
Pinagpapawisan na ako ng malagkit ng magising ako. Binabangungot na naman ako ng aking madilim na nakaraan.
Ang pagpapak4m4t4y ni M4m4.
Ang di ko maiintindihan kung bakit nya ginawa ang bagay na iyun, bakit nya naisip na iwan ako.
Bakit simula ng ma- aksidenti ako at dinala sa hospital. Ay biglang nag- iba ang ugali ni Papa sa'kin at kay Mama.
Palagi nya lang sinasaktan si Mama kaya siguro winakasan ni Mama ang buhay nya.
Anong dahilan kung bakit ganoon na lang si Papa sa'kin, kung bakit ganoon lang sa kanya kabilis pinalitan si Mama sa buhay nya.
Di pa sya nakuntinto at sinunog ang lahat ng gamit ni Mama at lahat ng picture nito.
Pero mabuti lang at natago ko pa ang pindat na hugis puso, ibinigay kasi ito ni Mama sa'kin. Meron kasing picture sa loob nito nung dalaga pa si Mama.
Na palagi kong suot, di ko ito hinuhubad.
Dahil kapag nangungulila ako kay Mama palagi ko ito tinitignan.
Napatingin ako sa labas at dumidilim na.
Kaya bumangon na ako sa kama at kinuha ang cellphone. Tinignan ko kung may replay ba si Carol sa tawag at text ko kanina.
Ngunit napabuntong hininga na lang ako dahil ni isa wala. Di nya siguro pinag- kaabalahan ang unknown number na tuma- tumatawag sa kanya.
Kaya tumayo na lang ako at pumunta sa veranda. Napapikit ako at dinadama ang malakas na hangin humahaplos sa katawan ko
Pagmulat ko ng mata ko ay napatingin ako ibaba at nakita ko ang mag- aama na naka- upo sa harap ng bonfire.
Masayang nagkukwentuhan ang mag- aama at kasama sina Nana Dolores at Tatang Siloy.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Kaya naisip ko na lang na lumabas na lang sa kwarto at bumaba.
“ Papa... Pwede po ba bukas mag- ca- camping tayo...” Narinig kong sabi ni Altea kay Lance.
“ Oo naman masa----” Nang makita nila ako na lumabas ng bahay.
“ Tita Roseta... Sama ka bukas mag- ca- camping kami ni Papa.” Nakangiting sabi ni Altea. Ina- aya nya ako na sumama sa kanila na mag Camping kaya ngumiti ako at tumango.
Naglakad ako papunta sa kanila at tumabing umupo.
“ Napasarap ang tulog ko kaya di ko namalayan papa gabi na pala.” Natatawa kong sabi.
“ Mabuti iyan at makapag pahinga ng mabuti ang katawan mo. ” Sagot ni Nana.
“ Nga pala Lance. Salamat nga pala sa cellphone na ibinigay mo.. Makakatawag na ako sa step Sister ko.” Pagpapasalamat ko kay Lance nguminti lang ito sa'kin.
Mahigit kalahating oras pa kaming naka- upo ng tumayo si Nana Dolores.
“ Toto, papasok muna ako at ipaghahanda ko na ang panghapunan natin.” Sabi ni Nana Dolores.
Maglalakad sana sa loob ng bahay si Nana Dolores ng magsalita si Lance.
“ Nana, dito na lang nyo lutuin ang baboy at isda...” Sabi ni Lance kay Nana Dolores na kinatango nito.
Nang maisipan kung tutulungan ko si Nana Dolores sa paghahanda ng panghapunan kaya kaagad akong nagsalita.
“ Nana... Tulungan ko na po kayo.” Sabi ko at mabilis na tumayo para sumama kay Nana na pumasok sa loob ng bahay.
Pumunta kami sa kusina at agad na binuksan ni Nana Dolores ang refrigerator at inilabas ang baboy at isda.
“ Lilinisin muna natin ito at lagyan ng asin at paminta. Pagkatapos ay dadalhin natin sa labas at doon na natin ito lulutuin.” Sabi ni Nana Dolores.
“ Nagluluto ka ba sa inyo?” Tanong ni Nana Dolores.
Umiling ako sabay sabi na.
“ Di po ako nagluluto ng pagkain, Nana Dolores. Palagi po akong pumupunta sa restaurant kasama ng mga kaibigan ko.
Nung nasa Maynila ako at nag- aaral ay palagi na lang ako nag- papa deliver.” Nahihiya kong sabi kay Nana Dolores.
Lumaki kasi akong may Yaya at lahat ng kailangan ko ay sila ang gumagawa. Kain, tulog at pag- aaral lang ang ginagawa ko.
Ngunit umiba na ng magpakamatay na si Mama sa hindi ko alam ang dahilan.
“ Ganoon ba.. Halika ka dito at tuturuan kitang maglinis ng isda at baboy.." Sabi ni Nana na napangiti ako.
“ Okay po.. Nana Dolores!” Masaya kong sagot.
Ibinigay na nga sa'kin ni Nana Dolores at pumunta na ako sa lababo. kumuha ng Chopping board at kutsilyo si Nana Dolores at ibinigay sa'kin.
“ Ang una mong gagawin ay kiskisan ng kaliskis at kunin ang hasang ng isda. ” Sabay kuha ng isang isda at pinakita sa'kin kung paano kunin ang hasang ng isda at kiskisan ng kaliskis.
“ Oh, ikaw naman...” Sabi nya.
Nanganganig pa ang kamay ko ng kumuha ng isang isda dahil ito ang una kong maglinis ng isda na kakainin ko.
Nagsimula na na akong magkiskis at kunin ang hasang ng isda.
Nang mabitawan ko ay natawa si Nana Dolores dahil hindi na nya makilala ang isda dahil sa nagkagutay- gutay na ito sa kamay ko.
Hanggang sa maubos ko ng linisan ang mga natitirang isda. Ngayon ay ang baboy na naman ang lilinisin ko.
Kumuha ng asin si Nana Dolores at sinaboy sa baboy.
“ lamasin mo ng asin ang baboy at hugasan ng mabuti.
Pagkatapos kong malinis ang baboy at isda ay nilagyan na ni Nana Dolores at mga paminta at asin ang isda at baboy.
Dinala na namin ito sa labas kung saan inihanda na ni Tatang Siloy ang mesa na s'yang paglalagyan ng mga dala namin.
Nang mailagay na namin sa mesa ang dala namin baboy at isda ay kaagad na kinuha ni Lance ang baboy na s'yang uunahin lulutuin sa ihawan.
Isang oras din bago maluto ang lahat, at masaya kaming kumain. Hanggang sa may inilabas si Lance na alak.
Kaya napasigaw ako dahil sa ilang araw ko ng nandito sa lugar nila Lance ay di na ako naka- inom ng alak.
Dahil sa Maynila, gabi-gabi kaming pumupunta sa bar kasama ko ang mga kaibigan.