Sandro POV.....
Ilang araw na akong nakatulala sa kwarto ko. Tanging si Roseta lang ang iniisip ko.
Nakahiga ako sa kama at wala akong suot na damit. Nakatihaya ako at walang pakialam kung sino man ang makakita sa hubad kong katawan.
Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ni hindi ako tumitingin kung sino ang pumapasok sa kwarto ko.
“ Anak, mag bihis ka at samahan mo ako sa grand opening ng Casino sa La Seirra. Mahinang sabi ni Daddy. Nakatayo ito malapit sa Bintana at nakatingin sa labas ng Mansion.
“ Wag kang mag- alala at makikita na natin si Roseta.. Sa dami ng mga tauhan ko ay mabilis lang natin sya matatagpuan.” Pasisigurong sabi ni Daddy habang nakatingin sa labas ng bintana.
Nakatulala lang ako sa kawalan habang ina- alala si Roseta na nagpapakain ng mga kalapati sa bansang Milan.
Napapangisi na lang ako habang iniisip na nasa kama kaming dalawa at pinagsasaluhan ang mainit na sagupaan.
Bigla na lang ako natigilan ng may maramdaman akong masakit sa kanang balikat.
Kaya napatingin ako at si Daddy pala ang sumuntok.
“ ANAK!... WAG KANG MAGPAPATALO SA KAHIBANGAN MO SA BABAE.. ALALAHANIN MO NAMAN MAY AMA KA.. NA NASA LIKOD MO AT HANDA KANG TULUNGAN KAYA TULUNGAN MO DIN ANG SARILI MONG MAGING OKAY KA!..” Malakas na sabi ni Daddy nakatulala lang ako sa kanya.
Napapangisi na lang ako at muling pumikit ng mga mata.
“ Anak!.. Mag- ayos ka mamayang hapon dahil sasamahan mo ako at pupunta tayo sa Casino para pangunahin ang grand opening ng Casino natin.” Sabi ni Daddy sabay nung ay ang paglabas nya sa silid ko.
Napapikit nalang ako ng mata ko, habang ang isip ko ay kung saan-saan na lumalakbay.
*******************
Gilbert POV....
Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung papaano ko. Matutulungan ang anak kong si Sandro. Tanging si Sandro lang ang nag- iisa akong anak. Kaya lahat ng gusto nya ay ibibigay ko, kahit ano pa iyun.
Tinawagan ko na ang mga tauhan ko kung ano na ang update sa paghahanap nila kay Roseta.
Di ko pa nakikita sa personal ang Babaeng yun, tanging sa picture ko lang sya nakita.
Dahil nga buong kwarto ni Sandro ay picture ni Roseta.
Maganda ang babae kahit sino man lalaki ay mag kaka interests sa kanya. Di ko akalain na ma bu- bU4ng ang anak ko sa Babaeng iyun.
Ngunit wala parin silang Clue kung nasaan ang babae. May mga gamit pa nga itong naiwan sa sasakyan kung nasaan kinuha ng mga tauhan ko iyun.
At dinala sa warehouse.
Kapag pumayag ang babae na maging asawa nya ang anak ko ay mabubuhay prinsesa ito.
Dahil lahat ng ari- arian ko ay mapupunta kay Sandro kaya kung papayag ito ay ma- aambunan ito ng grasya.
Pati pamilya nya ay ma- a ambunan din ng grasya. At mawawala ang utang nila sa Casino.
Isa akong womanizer, lahat ng mga babaeng gusto ko ay nai ka- k4m4 ko. Pero wala akong naging asawa. Oo, nagkaroon lang ako ng anak at si Sandro iyun.
Ang ina kasi ni Sandro ay naging ka one night stand ko lang. Na isa rin anak mayaman kaya nga ng mabuntis ito, ay kaagad na ibinigay sa'kin si Sandro. Sa ngayon meron ng ibang pamilya ang Ina ni Sandro at wala na itong pakialam kay Sandro.
Namana ni Sandro ang pagka womanizer ko, pero biglang nagbago ito, at naloko sa isang babae.
--------------
Bahay ng mga Del Mundo
Vinnian POV....
“ Ma'am!... Ilang araw na lang ang palugit namin sa inyo, kapag di pa kayo umalis ng bahay.. mapipilitan ang mga taga bangko na mag dala ng Police para mapa- alis kayo dito!” Sabi ng taga bangko kay Vinnian na namumula na sa kahihiyan.
“ Iyan lang po at aalis na ako.” Ang huling sinabi ng taga bangko at umalis na sa harap ni Vinnian.
Nang makalayo na ang taga bangko ay di na napigilan umiyak si Vinnian.
“ Victor....” Malakas na sigaw ni Vinnian sa asawang si Victor na nasa office nito at nagtatago.
Ilang araw na itong di lumalabas sa kanyang opisina.
Matulin na naglakad si Vinnian paakyat sa hagdan para puntahan ang Asawang ilang araw ng di nagpapakita sa kanya.
Nasa harap na ito ng office ni Victor. At malakas na kinalampag nito ang pinto ngunit ilang minuto na ang dumaan ay di parin bumubukas ang pinto. Kaya surrender na sya sa ugali ng asawa kaya nagsalita na lang ito.
“ Pina- paalis na nila tayo, sa susunod na linggo na lang ang palugit nila sa bahay natin. Ano na ang gagawin nati” Malakas na sigaw ni Vinnian.
Ngunit wala parin sagot si Victor sa mga hinaing ni Vinnian. Kaya padabog na umalis si Vinnian sa harap ng opisina ni Victor.
Pumunta ito sa ibaba at nadatnan si Carol na papasok ng bahay.
“ Babae, asan ka kagabi?” Tanong ni Vinnian sa anak na si Carol.
“ Naghahanap po ng apartment, para may malipatan tayo kapag pina- alis na tayo sa bahay..” Sabi ni Caril habang naglalakad paakyat ng hagdan.
“ Alam mo di muna kailangan maghanap ng apartment kung nakakausap mo si Roseta.. sabihin mo sa kanya, na magpakasal na lang kay Sandro, at magiging daughter in law sya sa pinakamayaman tao dito sa'tin.” Sabi ni Vinnian na tumataas pa ang mga kilay.
“ Ma!... Wag nyo ng pilitin ang mga gusto nyo kay Roseta.. ilang taon na kayong ng haharian dito sa pamamahay nya.” Sabi ni Carol at umakyat na ito.
Naiwan nakangiwi si Vinnian sa mga narinig nya sa anak.
Kahit kailan talaga ay di nya mapasunod ang anak sa gusto nya.
Kaya napa-upo ito sa sala at minamasahe na lamang nya ang kanyang noo at sumasakit na dahil sa stress.
------------------
Roseta POV....
Nagising ako na yakap ni Altea, Natawa ako ng kaunti dahil napakahigpit ng yakap nya. Napaka sweet na bata si Altea at napakabait.
Kanina kasi ng madaling araw ay umuulan ng malakas at kumikidlat. Nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Altea na may unan dala.
“ Tita Roseta!.. pwede bang dito muna ako matulog sa tabi mo?" tanong ni Altea.
“ Lasing kasi si Papa, sabi nya sa'kin kapag lasing sya wag na daw akong pumasok sa kwarto nya.. Kaso ang lakas po talaga ng kidlat natatakot ako!” Sabi nya kaya tumango ako sa kanya at lumapit ito sa tabi ko.
Humiga si Altea sa tabi ko at naghati kami ng kumot.
“ Tita Roseta.. naalala nyo pa ba ang mama nyo?” Tanong nya sa'kin.
“ Oo, naalala ko pa si Mama.. dahil highschool na ako ng namatay si Mama Roselinda.” Sagot ko.
“ Mabuti kapa Tita Roseta.. naalala nyo pa Mama nyo.. Si Mama Carmela sa picture ko lang sya nakilala..." Malungkot nitong sabi.
“ Alam kong mahal na mahal ka ng Mama mo Altea kaya wag ka ng malungkot at matulog kana..” Mahina kong bulong sa kanya.
Kaya napapikit ito ng mata at hinahaplos ko na lang ang mahaba nitong buhok. Magandang bata si Altea, mabait at mapagmahal na bata.
Napangiti ako habang hinahawi ko ang buhok nya na natatabunan ang maganda nitong mukha.
Tinignan ko ang orasan sa dingding at ala syiete na ng umaga.
Kaya bumababa ako ng kama at pumunta sa banyo. Para umihi at ng bumalik ako sa kwarto ko ay may narinig akong mahinang katok sa pinto.
Kaya agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa'kin si Lance na nag- alala.
“ Nandyan ba si Altea, wala kasi sya sa kwarto nya?” Pag- alalang tanong ni Lance na kinatango ko.
“ Uhmmm.. Oo, dito na sya natulog. Dahil kumikidlat ng malakas ng madaling araw. " Sagot ko sa kanya.
“ Ganoon ba!...” Mahinang sabi ni Lance na kinatango ko.
“ Salamat.” Dagdag pa ni Lance na kinangiti ko.
“ Ano ka ba... Maliit na bagay lang ito kumpara sa pagliligtas mo sa buhay ko.. Hayaan mo kapag nasa Ibang bansa na ako ay palagi ko kayong padadalhan ng Chocolate. ” Masaya kong sabi sabay tapik ng kanyang balikat.
Na kaagad ko din kinuha dahil nakatingin sya sa'kin ng seryoso.
“ Ummm... Walang anuman dahil tinulungan mo din ako at napakabait ni Altea." Seryoso kong sabi.
“ Sige mauuna na akong bababa.” Sabi ni Lance at umalis na ito sa harap ng pinto.
Napangiti na lang ako habang sinasara ang pinto ng kwarto.
Lumapit na ako sa mesa kung saan nanduon nakalagay ang cellphone na binili ni Lance.
Tinignan ko kung nakita ba ni Carol ang text ko. Ngunit wala parin tawag o text galing sa kanya.
Ano bang nangyayari sa kanya at di nya ako ma- replyan ng tawag o text man lang.
Natatakot ba sya, o baka may ginawa ng masama ang pamilya Villa Asuncion sa pamilya ko.
Napainit bigla ng ulo ko, habang iniisip ang maari nilang gawin sa pamilya ko.
Ngunit si Papa ang may kasalanan ng lahat ng ito. Bakit ako pa ang kanyang ginawang pangbayad sa mga utang nya.
Napa- upo ako at sinabunutan ko bigla ang buhok ko dahil sa nanggigil ako ng sama ng loob kay Papa Victor.
Nang biglang may humawak sa kamay ko.
“ Tita Roseta, bakit anong problema?” Pag-alalang tanong ni Altea, gising na ito.
“ W- wala ito Altea, makati lang ang ulo ko.” Palihis kong sagot sa kanya. Para wag na s'yang mag- alala pa.
“ Tita, wag ka ng mag- alala.. Dahil pro- protektahan ka ni Papa." Masaya nitong sagot na kinatango ko.
“ Halika kana Altea, baba na tayo ng Dinning area dahil kanina pa ako nakaka- amoy ng masarap na niluluto ni Nana Dolores.” Aya ko sa kanya.
Agad din ito bumaba sa kama at bumalik sa kwarto nito.
Naiwan ako na nag- aayos na ng sarili.
Wala pang 15 minutes ng tumatawag na si Nana Dolores sa min ni Altea kaya lumabas na ako ng kwarto.
Ganoon din si Altea at sabay kami na bumababa ng hagdan.
Nakita namin na magkakasama ang tatlo na sina Nana Dolores,Tatang Siloy at si Lance, na nakatingin sa akin.
“ Good morning everyone!...” Masayang bati ni Altea.
“ Good morning Altea, Roseta.." Sagot nilang tatlo sa kanya. Kaya napangiti kaming dalawa habang papalapit kami sa mesa para mag- agahan.