Chapter 9. Ang unang pagkikita nila ni Carol.

1355 Words
Nang bumaba na sina Altea, ay kaagad na lumapit na sila sa mesa. Umupo si Roseta sa tabi ni Lance at nasa tabi din umupo si Altea. Nang biglang napangiti si Nana Dolores habang nakatingin sa tatlo. Roseta POV.... Hinawakan bigla ni Atlea ang kamay ni Lance. “ Let's pray!” Nakangiting sabi ni Altea. Kaya itinaas na ni Roseta ang kamay nya at hinawakan iyun ni Lance. Kaya napapikit sya ng mata habang nararamdaman nya ang mainit na palad ng lalaki. Habang nagpapasalamat sila sa panginoon ay di makahinga si Roseta, at bigla nalang may kung anong malakas na kabog na kanyang nararamdaman. Kaya nakapikit na lang ito ng kanyang mga mata. Nang mabitawan na ni Lance ang kamay nya ay napahinga na lang ito ng malakas. “ Tita!.. mag dadala tayo ng maraming food dahil mag papa gabi tayo doon..” Masayang sabi ni Altea. “ Saan ba tayo mag ca- camping?” Tanong ko sa Altea. “ Basta Tita! Surprise...” Nakangiting sabi ni Altea. “ O- okay..." Nakangiti ko din sagot at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nang matapos na ang aming umagahan ay hinila na ako ni Altea para umakyat na ng hagdan. Subrang excited na si Altea habang nag- aayos ng mga dadalhin nya. Nagdala lang ako ng ilang damit.Tapos nakita ko na lang maraming dala si Altea. Mga unan, kumot at ang binabasa n'yang libro. Kaya nagdala din ako, nang bumaba na kami ay nakita ko si Lance na mayroon bitbit na malaking box at nilagay nya yun sa likod ng sasakyan. Lumapit na kami kay Lance at nilagay ang mga dala namin. Kumpleto na pala ang mga nasa likod ng sasakyan nya. Mayroon dalawang tents, fishing rod at maraming bagay na magagamit sa pag ca- camping namin. At may maliit pang bangka ang nasa ibabaw ng sasakyan. “ Nana, bukas kami uuwi kayo na muna ang bahala sa bahay.” Sabi ni Lance. “ Nana, di po ba kayo sasama?” Tanong ko sa kanya. Ang akala ko kasi ay kasama silang mag- asawa. Kami lang palang tatlo. Umiling lang si Nana at ngumiti ito sa'kin. “ Maganda ang lugar na iyun at alam ko na magugustuhan mo iyun kapag nakita mo.” Masayang sabi ni Nana sa'kin. Nagpaalam na kami sa mag- asawa at sumakay na nga ako ng sasakyan. Nasa likod ako sumakay at ang mag- aama ay nasa harap. Habang pinapatakbo ni Lance ang sasakyan ay nagpatugtog ito ng music na sinasabayan naman ni Altea. Natatawa na lang ako sa kanila ang sarap lang tignan ang mag-aama. Nang biglang nag ring ang cellphone ko. Kaya agad kong kinuha sa bag ko. Nakita ko ang message si Carol. { Wag kang tumawag, Rose. Text lang, dahil binabantayan ako ni Mama.} Text ni Carol. { Kamusta ka, mabuti at nakatakas ka sa kanila, Sorry at di ako kaagad nakapagsabi sayo na iyun pala ang plano ng Daddy mo.” } Sunod-sunod ang text ni Carol. { Okay, lang ako Carol...at safe ako ngayon, mababait ang mga tao na tumulong sa'kin. Carl, pwede bang ilakad mo ako ng passport.. Ibahin mo ang pangalan ko, tulungan mo akong makalabas sa Pilipinas.. Please!.. Tulungan mo ako.} Reply ko sa kanya. { Okay.} Sagot ni Carol. { Nga pala ang bahay, na remata na at kukunin na ng taga bangko.. Naghahanap na nga ako ng apartment para kapag pina-alis kami ni Mama ay may malilipatan kami. Pero di ko alam sa Daddy mo, kung ano ang plano nya. At ilang araw na s'yang di lumalabas sa office nya.} Reply ni Carol. { Ganyang naman sya lagi, eh.. Kapag di nya nakuha ang gusto nya ay naglalagi lang ito sa office nya.} Sagot ko dito. { Grabi, di ko akalain na magiging ganito ang buhay natin sa pag ca- casino lang ni Tito Victor.} Reply nya akin. { Sinabi mo pa, at ako pa ngayon ang ginawang pangbayad nya.. at ano magpapakamatay sya kapag di natuloy ang pagpapakasal ko kay Sandro.} Reply ko kay Carol. { Hayaan mo at tutulungan kita..} Reply ni Carol. { Maraming Salamat Carol, kahit na hindi kita tunay na kapatid, pero higit pa sa tunay na kapatid ang pagtulong mo sa'kin.} Text ko sa kanya. { Ano ka ba, ang laki kaya ng utang na loob ko sa'yo.. Ikaw lang ang palagi kong napagsasabihan ng mga hinaing ko kay Mama.} Napangiti ako sa kanya habang binabasa ang reply nya sa'kin. { Sana magkita tayo balang araw na hindi tayo nahihirapan sa mga buhay natin.} Reply ko sa kanya.} Naalala ko pa noon una pa namin magkita ni Carol. Nasa likod ako ng bahay at umiiyak dahil nga na mi- miss ko si Mama. Dalawang buwan palang ng mag pagk4m4tay ito. Naka- itim pa ako ng damit at nagluluksa sa pagk4m4tay nya ng may nakita ako batang babae at kasing edad ko lang ito. Lumapit ito sa'kin at binigyan nya ako ng panyo. Kaya kinuha ko ito at pinahid sa luha ko. “ Sa-salamat.... ” Garalgal kong sabi ko. Umupo ito sa tabi ko at tumingin sa mga bulaklak na nasa tabi ko. “ Dito ka ba nakatira?" tanong nya na kinatango ko. “ Ka anu-ano mo si Tito Victor?” Tanong ng bata. “ Daddy ko sya.” Sagot ko sa kanya. “ So.. Step Sister kita?” Sabi nya na kinagulat ko. “ Anong sabi mo!.” Gulat kong sabi. “ Dito na kami titira ni Mama sa bahay mo. Dahil nagpakasal na sila Mama at Daddy mo.” Sagot nya sa'kin kaya napatayo ako. “ Anong pinagsasabi mo." Di ako maka paniwala sa sinasabi nya. Ngunit lumabas si Daddy at may kasama s'yang babae. Kasing edad lang ni Mama. “ Roseta!... Ipapakilala ko sa'yo ang bago mong Mommy, Sya si Tita mo Vinnian.. tawagin mo s'yang Mama o Mommy.. Dahil sya na ang bahala dito sa bahay at sa'yo.” Sabi ni Daddy. “ At sya naman si Carol ang step sister mo..Di naman kayo magkalayo ng edad.” Dagdag pa ni Daddy. Di ko na kaya pa ang mga sinasabi nya, at mas lalu lang ako umiyak kaya napatakbo ako at iniwan ko na sila. Agad akong pumunta sa kwarto ko. Mula ng araw na iyun, ay naging parti na ng buhay ko sina Tita Vinnian at si Carol. Di rin madali ang pinagdaanan namin dalawa sa mga kamay ng mga magulang namin. May pag ka lesbian kasi si Carol pero maganda sya. Lagi nya lang sinasagot si Tita Vinnian kapag kinakawawa ako nito. Binabara ka agad ni Carol ang Mama nya kaya nagkasundo kaming dalawa. Sa bahay kaming dalawa ang magkakampi. Ngunit isang araw nagalit ako kay Tita Vinnian dahil kinuha nya ang picture ni Mama Roselinda na nakasabit sa sala at pinalitan ng picture nya. Kaya sinagot ko sya. Nagsumbong si Tita Vinnian kay Daddy kaya iyun ang dahilan at sinunog ni Daddy ang lahat ng mga larawan ni Mommy. Lahat ng mga gamit nito ay pinasunog nya. Ina- agaw ko pa nga ang mga nakikita kong sinusunog nila ngunit inaagaw din ni Daddy at sya mismo ang nagsusunog sa mga larawan ni Mommy. Kaya ng araw din iyun ay nag plano ako na aalis ng bahay at nalaman iyun ni Carol. Tinulungan nya akong makawala sa mga security guard. Pero bago ang lahat ay isinalin ko ang mga pera ni Mama sa kin na hindi makukuha ni Daddy. Dahil lagi akong ina- update ng Attorney ni Mama na si Atty. Lopex. Sa lahat ng yaman ni Mama at ako ang s'yang tagapagmana ng lahat -lahat. Anak si Mama nina Lola Monica na isang Donya sa bayan ng Malolos. Pero matagal ng patay si Lola, may isang kapatid si Mama na si Tita Lenlen na nasa Europe, at iyun ang pinupuntahan ko kapag nangingibang bansa ako. Napakalalim ng iniisip ko ng hindi ko namalayan tinatawag na pala ako ni Altea dahil narating na pala namin ang lugar na s'yang pag ca- campingan namin. “ Tita!... Nandito na tayo..” Sabi ni Altea na nakangiti. Kaya dumungaw ako sa bintana ng sasakyan at nakita kong nasa dagat na pala kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD