Chapter 1Ang Pagtatagpo

1634 Words
Masaya kaming nagkakantahan ng anak kong si Altea, walong taong gulang na nasa tabi ko.Nagmamaneko ako papunta sa Bahay bakasyunan namin ng biglang may babaeng huminto sa gitna ng daan. Kaya napa preno ako ng sasakyan at napasigaw dahil sa pagkabigla. “ Papa!” Nanglalaki naman ang mga mata ni Altea habang nakatingin sa babaeng nawalan na ng malay. “ Papa y- yung babae!” Kinakabahan sabi ni Altea na nakatingin parin sa Babaeng nakahiga na sa daan. Wag kang lalabas, anak. At titignan ko lang ang babae.” Pagkasabi ko ay kaagad akong bumaba ng kotse. Habang papalapit ako sa babaeng nakahiga ay puno ito ng sugat sa katawan, at naka damit pang mayaman. “ Miss?” Tawag ko sa kanya ngunit di ito sumasagot. Tumingin ako sa paligid ngunit napapaligiran lamang kami ng matataas na mga puno. At malapit ng gumabi. “ Papa!” Sigaw uli ni Altea kaya napatingin ako sa kanya. Kahit gusto ko ng umalis ay nag- a alinglangan ako para sa Babae. Walang sasakyan ang dumadaan dito sa lugar dahil bihira lang na dinadaanan ito. Malayo na ito sa syudad kung saan sila galing ng kanyang anak. Patungo sila sa Bahay bakasyunan para doon lumagi ng dalawang buwan. At babalik din kapag pasukan na. “ Nak, sandali lang.” Pasisiguro nya sa anak na kinatango naman nito. “ Miss!.. ” Muling tawag nya dito. Ngunit nabigla sya ng magising ang babae at hinawakan ang kamay nya. “ Please.. Tulungan mo ako!... Please!” Umiiyak nitong sabi at pilit na tumatayo mula sa pagkakahiga. Wala ng nagawa si Lance kaya tinulungan na nya ang babae. Inakay nya ito papasok ng sasakyan kahit na nagtataka ang anak nya. Dahil bigla nya lang inakay ang babae para ipasok sa kanilang sasakyan. Lagi pa naman nya pinapa alala sa anak na huwag lalapit sa mga taong di kilala. At ngayon ay may pinapasok itong entranhero sa kanilang kotse. Nakapasok na ang babae sa likod at sumakay na sya sa front seat. At kahit na kinakabahan si Lance ay nagpatuloy na sya sa pag da drive ng sasakyan. Lumipas ang dalawang oras ay narating na nila ang kanilang Bahay bakasyunan na malapit sa lawa ng San Antonio. Walang masyadong kapitbahay at napapaligiran sila ng maraming mga puno na namumunga. Binili nya ang lupang ito para patayuan ng kanilang bahay bakasyunan. Matagal na nya itong pinatayo nung nabubuhay pa ang kanyang Asawa na si Carmela. “ Papa marami s'yang sugat.” Mahinang sabi ng anak habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa likod ng sasakyan. “ Di nyo naman sya nasagasaan, pero bakit ang dami nyang sugat?” Pagtatakang tanong ni Altea. “ Kailangan natin s'yang tulungan!” Mahinang sabi ni Lance na kinatango ng kanyang anak. Lumabas na sila sa sasakyan at binuksan ang gate ng kanilang Bahay bakasyunan at pumasok na sa loob. Habang bumababa sila ng sasakyan ay biglang napatakbo si Altea sa harap ng pinto ng bahay. Alam ni Lance na nami- miss ng anak ang kanilang Bahay bakasyunan dahil dito na pinanganak si Altea ng kanyang asawang namayapa na. “ Sandali lang anak!” Pagkasabi nya ay kaagad nya inilabas ang susi ng bahay at binuksan ito. Nasa dalawang palapag ang bahay at medyo malaki din ito. Nang binuksan na ang pinto ay kaagad na pumasok si Altea at binuksan ang ilaw ng kanilang bahay. Sya din pagbalik ni Lance sa babaeng natutulog sa likod ng kanilang sasakyan. Maingat n'yang inakay ang babae na natutulog at dinala sa loob ng bahay. “ Nak!, Buksan mo muna ang pinto ng kwarto!” Sabi nya sa anak na sumusunod sa kanya. Nauna ng naglakad si Altea at binuksan ang pinto ng kwarto. Nasa ikalawang palapag sila ng bahay. Meron tatlong kwarto ang ikalawang palapag at nasa ibaba naman ang kusina at malaking sala na may malaking pintuan na nakaharap sa lawa ng San Antonio. “ Nak, kunin mo ang cellphone ko at tawagin si Nana Dolores. Sabihin mong nakarating na tayo dito.” Utos nya sa anak. Kahit na walong taon gulang palang ang anak nya ay marami na itong alam gawin. Lumabas ang anak nya at tiwagan si Nana Dolores para pumunta sa Bahay. Dahil sila ang caretaker ng bahay at katulong na din sa bahay. Kasama nito si Tatang Siloy na asawa ni Nana Dolores. Wala silang mga anak, kaya sya na ang bumubuhay sa mag- asawa na nakatira sa katapat lang ng lawa. Gusto kasi ng mag- asawa na mayroon silang sariling bahay kaya pinatauan din ni Lance ang mga ito. Wala pang kalahati ay nandito na ang mag- asawa at kaharap nya. “ Toto lance!.. matagal din tayong di nagkita!” Masaya sambit ni Nana Dolores sabay yakap kay Lance. “ Nana Dolores, samahan nyo ako sa itaas!” Mahinang sabi ni Lance at umakyat na sila sa itaas kung nasaan nakahiga ang babaeng puno ng sugat ang katawan. ------------------------- < Please leave a comment, like or share the post. And for more updates, please follow my page DawnS.P para madaling nyo makita ang bagong chapter ng The lost Daughter. ------------------------- Binuksan ni lance ang pinto at nagulat si Nana Dolores ng makita n'yang may babaeng puno ng sugat ang nakahiga sa kama. “ Toto lance, Aba'y D-y-s ko at may kasama kayong babaeng puno ng sugat ang katawan?” Kinakabahan tanong ni Nana Dolores. “ Kaano-ano nyo po ito?” Agad na tanong ni Nana Dolores habang nakatingin sa babae. “ Nakita ko po sya sa daan ng San Pablo!” Sagot ni Lance na nakatingin sa babae. Habang nakatingin sa babaeng natutulog at puno ng matsa ang damit nito ng dugo. “ Ano kamo at nakita nyo lang sya sa daan ng San Pablo?” Pagtatakang tanong ni Nana Dolores na kinatango ni Lance. “ Binundol nyo ba?” Pagtatanong ni Nana Dolores. “ Di ho!, ka muntik nga lang po. Mabuti lang at ka-agad akong naka pag brake ng sasakyan, ngunit kahit ganoon ang nangyari. Ay natumba pa rin ito sa daan!” Pagtatakang Paliwanang ni Lance na kinatango kaagad ni Nana Dolores. “ Nana. Kayo na po bahala sa kanya.. Malayo pa naman tayo sa syudad ng San Lorenzo.” “ Ako na ang bahala!..” Nakangiting sabi ni Nana Dolores at umalis na si Lance sa kwarto. Naiwan si Nana Dolores na nakatingin sa babaeng wala parin malay. Lumapit sya dito at hinawi ang buhok na nakatapik sa mukha ng babae. Magandang babae ito at mukhang mayaman. --------------------- “ Papa!.. Ang bango naman ng adobong baboy!” Nakangiting sabi ni Altea sa Amang nagluluto ng ulam. Dati kasing Chief si Lance sa ibang bansa. Ngunit ng makilala nya si Carmela ay nag- iba ang pangarap nya. Nais n'yang magtayo ng sariling restaurant para sa kanyang pinakamamahal na si Carmela. Mas naging swerte sya sa buhay ng nagdadalangtao na ang asawa. Nakapagpatayo sya ng ilang restaurant at nakapundar ng ilang bahay at lupa. Pero kung anong bilis ng swerte sa buhay nilang mag- asawa ay ganoon din kabilis bumagsak ang lahat ng magkasakit si Carmela. Nasa kalagitnaan na si Carmela sa pagbubuntis kay Altea ngunit biglang dinugo ito. Dinala nya si Carmela sa hospital at nalaman may sakit ito at kailangan gamutin. Pero may kundisyon ang mga Doctor na kailangan ipalaglag ang bata para mabuhay si Carmela. Ngunit mas pinili ni Carmela ang buhayin ang batang nasa sinapupunan nito. Kaya di natuloy ang gamutan at ng ipinanganak na si Altea ay sya rin nawala sa mundong ibabaw si Carmela. Kaya mahal na mahal ni Lance si Altea dahil ito ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Natigilan sya sa pag- iisip ng kanyang nakaraan ng biglang nagsalita si Nana Dolores. “ Toto Lance, na bihisan ko na ang babae.” Nakangiting sabi ni Nana Dolores. “ Mabuti na lang at nagdala ako ng damit ko dito dahil dalawang buwan kaming mamalagi dito sa bahay nyo.” Masayang wika ni Nana Dolores sabay lapit kay Altea at hinalikan ito sa pisngi. “ Hmmm... Miss na miss ko na kasi ang prinsesa!” Nakikiliti naman si Altea sa ginagawa sa kanya ni Nana Dolores. Simula kasi ng mag- asawa sila ni Carmela ay nagtatrabaho na sa kanila ang mag- asawang Dolores at Siloy. Kaya alam nila ang mga paghihirap nya ng mamatay ang asawang si Carmela. Ilang taon din s'yang dito nakatira. Umalis lang sya dito sa Bahay bakasyunan ng mag- sisimula ng mag- aral ang anak. “ Nana Dolores alam nyo ba matataas na grade ang nakuha ni Altea.” Pagmamalaki nya dahil naging kasama ang anak sa Top honor sa kanilang klase. “ Ganoon ba!... Ang talino talaga ng prinsesa namin.” Masayang sabi ni Nana Dolores. Pumasok naman si Tata Siloy na may hawak na martilyo dahil nag kukumpuni ito ng gate na may sira. “ To.... Naayos ko na ang sira..” Pasensya kana at di ko namalayan na nasira pala iyun ng dumaan ang bagyo noon nakaraan linggo.” Puno ng paumahin ang boses ni Tatang Siloy. “ Tang!.. okay lang po iyun...wag na po kayong mag-isip pa at aatakihin na naman kayo ng migraine nyo.” Sabi ni Lance na kinatango na lang ng matanda. “ Hayaan nyo po iyun Tatang. Halika na kayo at kumain na tayo.. Nagluto ako ng pinakbit at adobong baboy. ” Sabi nya at nakatingin kay Altea na kumukuha na ng isang pirasong hiwa ng adobong baboy. Kaya natawa sya dahil di na napigilan ng kanyang anak ang gutom na nararamdaman nito. “ Hali na po kayo at kumain na tayo.” Aya nya sa mag- asawa. Lumapit naman ang mag-asawa at kumuha na ng pinggan para kumain na ng hapunan. Habang masayang nagkukwentuhan sina Lance at si Nana Dolores ng biglang may sumigaw sa itaas. Kaya napatayo silang lahat dahil sa sigaw na nagmumula sa itaas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD