NAPATAYO silang lahat ng marinig nila ang sigaw na nagmumula sa itaas kung nasaan natutulog ang babae na nakita ni Lance.
Kaya kaagad na inakyat nila ang hagdan at pinuntahan ang babaeng sumisigaw.
“ Miss?” Pag-alalang sabi ni Nana habang nakatingin sa Babaeng naka suot na ng bestida. Nakatayo ito malapit sa bintana at umiiyak.
“ Wag nyo akong ibinigay sa kanila?" Pagmamakaawa nitong sigaw. Habang nangiginig ang katawan nito.
“ Wag nyo akong ibinigay sa kanila!.. ” Pagmamakaawa nito at unti- unting napaluhod sa harap nila.
“ Tulungan nyo ako... Itago nyo ako, may humahabol sa kin... Please maawa kayo itago nyo ako...wag nyo akong ibalik sa kanila..” Pagmamakaawa ng babae.
Kaagad lumapit si Nana Dolores sa Babae at niyakap ito.
“ Shhhh!... Wag kang mag- alala at ligtas ka dito!” Hinahaplos ni Nana Dolores ang buhok ng babae.
“ Tumahan kana at malayo ang lugar kung saan ka nakita ni Toto Lance!” Pag- alalang sabi ni Nana.
“ Sa-salamat po!.. ” Umiiyak nitong sabi.
“ Papa?” Tanong ni Altea na nasa likod ko at nakatingin sa babaeng umiiyak.
Ayaw nyang makita ni Altea ang mga ganitong exsena dahil napaka bata pa nito para makita ang ganitong nangyayari sa mundo.
Kaya lang ay kapalaran na ang gumagawa kaya nararamdaman nya ang takot ng bata habang nakatingin ito sa babae.
Hinawakan nya ang kamay ni Altea at inaya ito sa ibaba para tapusin ang kinakain.
Naiwan na si Nana Dolores sa itaas at sinamahan ang babae sa kwarto.
Nasa lamesa na sila at kumakain ng bumababa na si Nana Dolores at kasama ang babae.
Inalalayan ni Nana Dolores ang babae papunta sa lamesa at nilagyan nya ito ng pinggan sa harap nito.
“ Kumain ka muna, para magkaroon ka ng lakas ka, Iha!” Puno ng pag- alalang sabi ni Nana Dolores at nilagyan na nya ng pagkain ang pinggan ng babae.
“ Maraming salamat po!” Magalang na sagot ng babae at nagsimula na ngang kumain.
Pinakain muna nila ang babae. Naka-upo lang sila harap ng lamesa at hinihintay na matapos ang babae sa pagkain nito.
Nakatapos na kasi sina Lance at ang anak nyang si Altea. Ganoon din si Tatang Siloy ay tapos na rin sa pagkain.
Nang matapos na si Nana Dolores at ang babae ay nagsimula na silang magpakilala sa babae.
“ Ako si Dolores, pero pwede mo akong tawagin si Nana Dolores. Dahil iyun ang nasanayan ng lahat dito sa amin.” Masayang sabi ni Nana.
“ Ito ang Asawa kong si Siloy, pwede mo rin s'yang tawagin si Tatang Siloy.”
“ Nga pala ito naman si Toto Lance sya ang may- ari ng Bahay na ito. At ang anak n'yang si Altea” Dagdag pa ni Nana Dolores.
Nakangiti na ngayon ang babae habang nakatingin sa amin.
{ Napakaganda nya pala, mahaba ang mga pilik mata, matangos ang ilong at hugis puso ang mukha. Manipis ang mga labi kahit medyo morena ng kaunti. Di ko nakita ang kagandahan nya kanina dahil sa puno ito ng sugat at dugo sa katawan at damit nito.} Nabasag ang pagiisip nya sa kagandahan ng babae ng magsalita na ito.
“ Maraming Salamat po sa inyo, ako naman po si Roseta Del Mundo!” Mahinang sabi ng babae.
“ 23 na ako at kakauwi ko lang galing Maynila. Bagong graduate ako sa College.” Pagkukwento nito.
“ Kaya lang habang papauwi na ako, ay may tumigil sa harap ng kotse ko at sapilitan akong kinuha at dinala sa bahay na di ko alam kung nasaan ako.” Habang nagkukwento si Roseta ay nangiginig na naman ang katawan nito dahil sa subrang takot na nararamdaman.
Napahinto ito at humagulgol kaya niyakap sya ni Nana Dolores.
“ Magpalakas ka Iha!...at isu- sumbong natin sa mga uturidad ang nagkidnap sa'yo!” Ang payo ni Nana Dolores.
“ Nasa mataas na position ang dumukot sa'kin, Nana Dolores. Natatakot ako para sa buhay ko at sa buhay nyo!” Umiiyak na sambit ni Roseta.
“ Wag nyo muna akong ibalik sa pamilya ko, dahil sila ang dahilan kung bakit nandito ako sa kalagayan ko.” Umiiyak nitong sabi.
“ Umutang ang Daddy Victor ko ng malaking pera kay Governor Gilbert Vella Asuncion. Dahil nalulong sa Casino si Daddy at malaki ang natalo nya. Kaya di sya makapagbayad kay Governor Gilbert at ako ang pinagbayad nya.
Kailangan kong pakasalan ang anak ni Governor Gilbert na si Sandro.
Kaya lang ay ayaw ko kaya kinidnap ako ng mga tauhan ni Gilbert Vella Asuncion. Natatakot akong malaman nila kung nasaan ako dahil napapasayaw nila ang batas sa kanilang mga palad. Lahat ay nagagawa nila kahit na ayaw ko ay mapipilitan akong pakasalan ang anak nya, kaya tumakas ako. ” Paliwanang nito na ngayon ay nagbigay sa amin ng kaba.
Dahil di basta- bastang tao si Governor Gilbert Vella Asuncion dahil kilala iyun sa karatig bayan na malupit at makasalanan tao.
“ Marami na kaming nababalitaan napatay ni Governor Gilbert. Kaya di nakakapagtaka kung ganyang ang takot mo sa kanya.” Wika ni Nana Dolores.
Nakikinig lang si Lance at di biro pala ang pinasukan nilang problema dahil sa babaeng tinulungan nya.
Mahirap kalabanin ang taong naka-upo sa position.
Kahit na marami s'yang naipatayong negosyo ay iba parin ang mga taong nasa position at hawak ang batas.
“ Paki-usap po dito muna po ako sa inyo, kapag nakausap ko na po ang Step Sister ko ay ipapakuha ko sa kanya ang Passport ko at lalabas ako ng bansa. Marami akong mga kaibigan na nakatira sa ibang bansa kailangan ko lang makapagtago kay Gilbert Vella Asuncion at sa anak nitong si Sandro.” Pakiusap nya sa amin.
Nakatingin lang si Nana Dolores sa akin at tinatanong kung papayag ba ako sa paki-usap ni Roseta.
Kaya tumango ako bilang sang-ayon sa paki-usap nito.
Kaya napatalon si Roseta sa tuwa at lumapit sa kin at niyakap ako.
Nabigla ako sa ginawa n'yang pagyakap at ng bumitaw sya.
“ Ganyang lang talaga ako kapag masaya napapayakap ako sa mga tao. Lalung-lalo na pag napagbigyan nyo ang paki- usap ko.” Naluluha nitong sabi habang nakangiti.
“ Di nyo alam pero nailigtas nyo ang buhay ko!” Naiiyak nitong sabi.
“ Syempre mabait ang Papa ko!” Nakangiting sabi ni Altea habang nakatingin sa'kin.
Kinangiti ko lang ang sabi ng anak ko.
“ Mabuti pa at magpahinga na tayo, dahil maraming nangyari ngayon araw.” Utos ko na kinatango ng lahat.
Nauna na akong umakyat ng hagdan kasama ang anak ko.
Pumunta na kami kaagad sa banyo para mag toothbrush.
“ Papa!.. Ang ganda nya.. Para syang si Mama Carmela!” Na kinahinto ko sa pag to- toothbrush dahil sa sinabi ng anak ko.
“ Anak, malayo sya ang mukha ng Mama Carmela mo!” Sagot ko sa sabi nya.
“ Papa, alam ko naman malayo ang mukha nya kay Mama.” Sabat naman ni Altea.
“ Eh!.. paaano mo nasabi na para syang si Mama?" tanong nya sa anak.
“ Basta po. ” Nakangiti nitong sabi.
Na kinanoot ko pa, dahil ano ang basta na sinasabi nya.
“ Bata ka pa Altea, at anong basta iyun sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
“ Papa malaki na ako.” Sabi pa nito at tinapos na nito ang pag toothbrush.
Nauna ng lumabas si Altea ng matapos nitong mag toothbrush at iniwan si Lance na nakatingin sa Salamin.
Napapaisip sya sa kanyang asawa na si Carmela kung ano kaya ang magiging reaction nito kapag naririnig ang sinasabi ng anak.
Nang matapos na sya ay lumabas na sya ng banyo at pinuntahan ang katabing kwarto kung saan nanduon natutulog ang anak.
Lumapit ito sa tabi ng anak.
Nakahiga na sa kama si Altea at nagbabasa ng libro.
“ Anak, bukas na bukas ay pupunta tayo sa lawa para mamingwit ng sariwang isda.” Nakangiti nitong sabi na kinahinto ni Altea ang pagbabasa ng libro at tumingin sa Ama.
“ Talaga Pa?” Masayang tanong ni Altea na kinatango naman ni Lance.
Matagal na kasing sinasabi ng anak nya na mi- miss na nito ang pagsakay ng pamboat.
“ Bago ka matulog ay ipag pray mo kaming lahat.. Anak ha!” Nakangiting sabi ni Lance sa anak.
“ Yes... Papa.”
At hinalikan na ni Lance ang noo ng anak at iniwan na ito.
Bumalik sya sa kanyang kwarto pero bago ito humiga sa kama. Ay inilibot nya muna ang buong paligid ng kanyang kwarto at ang tumba- tumba na syang paboritong upuan ng kanyang asawa nung nagdadalangtao ito.
Marami silang memories ng kanyang namayapang asawa kaya napaluha ito at isa- isang hinaplos ang mga gamit na nagpapaalala sa kanya.
May binuksan s'yang drawer kung saan nanduon ang mga love letter nila. Lahat ng mga bagay na ibinigay nya dito ay nanduon at nakatago parin.
Para sa kanya ang Bahay bakasyunan ay ang ala-ala ng kanyang asawa. Kaya sa lahat ng mga bahay na naitayo nya ay mas gusto n'yang pumunta dito.
Para alahanin ang mga ala- ala ng kanyang namayapang asawa.
Lumabas sya sa kanyang kwarto at tinungo ang Veranda kung saan nasa pagitan ito ng tatlong kwarto.
Lumapit sya sa Veranda at tinignan ang buong paligid ng San Antonio di nya maitatago ang ganda ng paligid kaya dito nila napili ni Carmela na magpatayo ng Bahay bakasyunan.
Napapikit sya habang ina- alala ang mga panahon na kasama nya ang kabiyak. Di nya alam kung ilang segundo na s'yang ganoon ang position ng marinig nya ang mga hikbi na nagmumula loob ng kwarto ni Roseta.
Umiiyak ito siguro dahil sa matinding pinagdaanan kung paano ito nakatakas sa kamay ng kanya kidnaper.
Napailing na lang sya dahil ina- alala nya ang kaligtasan ng kanyang anak.
Papaano kung madamay si Altea dahil sa pagtulong nya sa babae. At kapag nangyari iyun ay hindi nya mapapatawad kung sino man ang gagawa ng bagay na iyun sa kanyang pinakamamahal na anak. Na s'yang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Carmela.