Roseta POV.
Masaya ang buhay ko noon wala pang utang si Daddy Victor kay Governor Gilbert. Ngunit ng ipakilala ako ni Daddy kay Sandro na anak ni Governor Gilbert ay biglang nagkaroon ng malaking utang si Daddy Victor.
At pilit akong pinapakasal kay Sandro para mabayaran ang lahat ng utang nya dito.
Di ako makapaniwala dahil lumaki ako na hindi ko iniisip ang pera, lahat ng luho ko sa katawan ay pera na naiwan ni Mama Roselinda ang unang asawa ni Papa Victor.
Ang tunay kong ina na matagal ng namatay at muling nag- asawa si Daddy. Kahit ayaw kong muling mag- asawa sya ay wala akong nagawa.
Ngunit nagulat na lang ako isang araw. Meron na akong Step Mother na si Vennian at ang anak nitong si Carol. Malaki na si Carol ng makilala ko ito, mabait sya sa'kin kaya unti- unti kung tinanggap ang bagong pamilya ni Daddy.
Ngunit nagkaroon kami ng di pag-kaka unawaan Daddy, kaya umalis ako ng bahay at namuhay akong mag- isa sa Maynila. Gamit ko ang perang pinamana ni Mama Roselinda. Nakapag-aral ako sa Koliheyo na hindi humihingi ng pera kay Daddy. Pero nabigla ako nun magkita kami sa isang Dinner sa Maynila at may pinakilala s'yang lalaki. Si Sandro Vella Asuncion, nais nitong magligaw sa akin.
Ngunit tinanggihan ko ang pangliligaw nya, wala pang isang taon ay pilit akong pinapa- uwi ni Daddy. Kaya wala akong nagawa dahil galit na galit ito at sinasabi na magpapakamatay raw ito kapag di pa ako umuwi.
Nang naka baba na ako sa eruplano at papauwi sa bahay ng muling tumawag si Daddy at sinabing humihingi ito ng pahumanhin.
Dahil ibibigay nya ako kay Sandro Vella Asuncion, ipapakasal nya ako. Nais kong bumalik sa Maynila ngunit may mga tao ng sumusunod sa kin.
Hanggang sa kinidnap na nila ako at dinala sa kung saan lugar na di ko alam kung nasaan ako.
Narinig ko lang na may tinatawagan nila ang mga taong kumidnap sa'kin at sinabi na hawak na nila ang buhay ko.
Kailangan ko daw magpakasal kay Sandro Vella Asuncion para mabayaran ang mga utang ni Daddy Victor na umabot ng ilang million.
Naisangla na raw ni Daddy ang bahay at lahat ng mga ari- arian namin. Kaya wala na daw ibang choice si Daddy kundi ang pumayag na ipakasal ako kay Sandro.
Kalaban ko ang lahat, kaya wala akong taong mapagkakatiwalaan. Maliban na lang sa step Sister kong si Carol.
Mabait ito sa akin, kaya nga naka- alis sa bahay at namuhay sa Maynila. Dahil sa tulong nya, sya na lang ang aking huling alas.
Meron akong pera na pinamana ni Mama, at ang mga kailangan kong ducoment para maka- alis ako ng bansa.
Aalis ako at pupunta sa Europe para mamuhay ng mag- isa. Magsisimula ako bilang ibang tao. Iiwan ko ang buhay na hindi ko nais pinangarap ang maging asawa ni Sandro Vella Asuncion.
Na isang mamatay tao, kilala ko ang pagkatao ng lalaking iyun. Dahil sa ama n'yang napapasayaw at nakukuha ang lahat. Dahil hawak nito ang batas ng San Martinez. Na kanyang pinagmumunuan. Kalat ang balitang kahit saan sulok ka man magpunta ay lantaran ang pangbababoy nito.
Nagbibinta sila ng druga, pati babae ay wala silang galang. Natatakot ako sa buhay ko kaya hindi ko sinunod ang utos ni Daddy Victor.
Tumakas ako sa kanila, Dahil alam kung kapag nakita ako ni Sandro ay magiging bangungot lang ang buhay ko.
Alam kong susunod si Sandro sa yapak ng kanyang Amang si Gilbert Vella Asuncion na isang sindikatong nagbabalak-kayo bilang huwaran na taga silbi ng bayan.
Kaya di ko na napigilan ang sarili kong umiiyak dahil sa nangyayari sa akin.
Papaanong naging ganito ang buhay ko.
Pinanganak akong maykaya at nakukuha ang lahat ng mga bagay na nagugustuhan ko. Pero bakit naging ganito, simula ng malulung si Daddy sa Casino.
Naging iba na ang takbo ng utak nya, di na nya iniisip ang buhay ko. Ang karapatan kong mamili kung sino man ang lalaking mamahalin ko at papakasalan.
Nakatulog na ako sa pagiisip kung papaano na ang buhay ko, kapag nahuli ako ni Sandro.
Madali lang sa kanya ang pumatay ng tao, kaya natatakot din ako sa mga buhay ng mga taong tumulong sa akin.
Kailangan sa madaling panahon maka- alis ako ng bansa. Para mailigtas ko ang buhay ko at buhay ng mga taong tumulong sa akin.
Di ko na namalayan nakatulog na ako sa kakaiyak.
Lance POV...
Maaga akong nagising dahil nga pinagako ko kay Altea na pupunta kami sa lawa para mamingwit ng sariwang isda.
Ito lagi ang bonding namin kapag napupunta kami dito.
Alam kung kahit papaano ay nababawasan ang pangungulila ko sa asawa ko.
Habang pababa ako ng hagdan ay naaamoy ko na may nagluluto na nang agahan.
“ Nana Dolores?” Tawag ko sa kanya.
“ Uhmmm!.. To Lance.. Ang aga nyo naman nagising.”
“ Nakapangako po kasi ako kay Atlea na mamimingwit kami ng isda sa lawa.” Nakangiting kong sabi at lumapit na sa lagayan ng mug.
Kumuha ako ng isang mug at nagsimula na akong magtimpla ng kape. Nang matapos na akong magtimpla ay lumabas na ako ng kusina.
Pumunta ako sa balkunahe kung saan mayroon mga upuan at lamesa.
Masarap tumambay dito dahil sa mahangin at sa magandang tanawin ng lawa.
Naka-upo na ako at humihigop na ng kape.
Wala pa sigurong 10 minutes ay nabigla akong may nagsalita sa likod ko.
Kaya napaharap ako at nakita ko si Roseta na may hawak na mug at naka shade ito ng black.
“ Good morning!” Nakangiting sabi ni Roseta.
“ Good morning din!” Bati ko sabay higop ng kape.
“ Marami na akong napuntahan lugar, pero maganda pala ang lugar ninyo dito.” Nakangiting sabi ni Roseta.
“ Malamig at mabango ang dala ng hangin dito!” Dagdag na sabi ni Roseta.
“ Salamat nga pala sa pagtulong mo sa'kin.” Sabi nya na kinatango ko lang.
“ Uhmm!... Nasaan ang ina ni Altea para kasing di ko nakikita sya dito na kasama nyo?” Sabi nya na napatitig ako sa iniinom ko.
“ Matagal na syang patay!” Mabilis kong sabi.
“ Uhmmm, sorry pasensya na at natanong ko.”
“ Okay lang!” Maiksi kong sagot at tinignan ko ang relo ko.
Malapit ng mag- ala sais kaya gigisingin ko na si Altea para mangisda kaming dalawa sa lawa.
“ Maiiwan muna kita at gigisingin ko ang anak ko.” Sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman ito at humigop ng kape sabay tingin sa paligid ng San Antonio. Kaya iniwan ko na sya at pinuntahan si Altea sa kwarto.
Nasa pintuan ito ng marinig n'yang umiiyak ang bata. Kaya dali- dali n'yang binuksan ang pinto.
At nakita n'yang naka-upo ito at hawak ang picture frame ni Carmela.
“ Anak, bat ka umiiyak?” Pag- alalang tanong ni Lance sa anak.
“ Wala po Papa,” Humihikbi ito.
“ Anak alam kong may problema ka, kaya wag kang mahiya at magkwento ka.” Mahinang sabi ko sa kanya. Kaya lang ay nahihiya na itong magsabi ng mga nararamdaman nya.
Noon bata pa si Altea ay lahat ng nararamdaman nya ay nalalaman ko. Ngunit habang lumalaki sya ay marami na s'yang tinatago sa'kin.
“ Kung ayaw mong sabihin ang nararamdaman mo ay ginagalang ko, pumunta ako dito sa kwarto mo para sabihin na magbihis ka na at pupunta tayo sa lawa. Para mamingwit ng isda.” Na kaagad naman nitong kinatango at bumababa na ng kama.
Ako naman ay lumabas na ng kwarto nya para ayusin ang dadalhin namin sa lawa.
Mahirap talaga kapag babae ang anak mo, at lumalaki na.
Sana kung buhay lang si Carmela, siguro may mapagsasabihan ng problema si Altea at hindi ako mahihiripan sa pagiisip.
Naibibigay ko nga lahat ng gusto ng anak ko, ngunit marami parin akong pagkukulang. Lalung-lalo na at lumalaki na si Altea.
Di nya ako mapagsabihan ng nararamdaman nito.
Bumababa na ako ng hagdan at lumabas na ng bahay kaagad akong nagpunta sa likod kung saan nandito ang fishing rod at ang mga bulate na nakuha ni Tatang Siloy kahapon.
Nilagay nya iyun sa isang malaking box at nilagyan ng lupa. Para mabilis na lang ang pagkuha ko ng mga bulateng ipapain ko.
Kaya ng pumasok ako sa warehouse ay kinuha ko na ang mga bulate at isinalin sa isang lalagyan na s'yang dadalhin namin ni Altea sa lawa.
Nang makuha ko na ay kaagad kong nilabas ang dalawang fishing rod para sa gagamitin namin ng aking anak.
Habang ina- ayos ko ang mga dadalhin ko para sa pagpunta ng lawa ay nabigla ako ng may nagsalita sa likod ko si Roseta.
Para itong kabute kung saan-saan na lang sumusulpot.
“ Pwede bang sumama sa inyo?” Tanong nya.
“ Baka makita ka ng tinataguan mo?" Sagot ko.
“ Magsusuot ako ng jacket at mask.” Sabi pa nito.
“ Di ba sabi mo malayo naman ako ng makita mo.” Pamimilit pa nya.
“ Ikaw bahala!” Nagbikit balakat nalang ako at at lumabas na ng warehouse. Pumunta na ako sa maliit na pantalan kung saan may maliit na bangka ang syang nakatali.
Nakita ko na lang si Roseta na pumasok sa loob ng bahay. Maya- maya ay sabay sila ni Altea lumabas ng bahay.
“ Papa!... Sasama si Tita Roseta sa atin.” Masayang sabi ni Altea na kinatango ko.
“ Yeeeheeeyy!!... May makakasama na tayo Papa!” Masaya sabi ni Altea.
Ngayon ko lang nakita na ganoon kasaya ang anak ko.
Kaya tinanggal ko ang tali ng pamboat at sa- isa na kaming sumakay.