Roseta POV.
Masayang kasama ang mag- aama kahit na nakikinood lang ako sa ginagawa nila.
Di kasi ako marunong mamingwit kaya tamang nood lang ang ginagawa ko sa kanila.
“ Tita Roseta!... Baka gusto nyo pong mamingwit ng isda?” Sabi ni Altea na kinatango ko.
“ Papaano ba?” Tanong ko sa kanya.
Lumapit naman ito sa tabi ko at ibinigay ang hawak nitong fishing rod na may bulate ng nakatusok.
“ Ihagis nyo lang po ito sa tubig.” Sabi nya.
Kaya inihagis ko ang fishing rod sa tubig ng lawa ngunit malapit lang ito sa akin.
“ Tita, may boyfriend kana ba?” Tanong ni Altea.
“ Uhmmm.. Ka ka break ko lang. Teka bat iyan na iyun tinatanong mo sa'kin. ” Nakangiti kong sagot sa kanya.
“ Wala po Tita.” Nakangiti nitong sagot rin sa'kin.
“ Bakit kaya wala pang isda ang kumakagat sa pain ko?” Pagtatakang tanong ko.
Pero wala pang 5 minutes ay may naramdaman na akong gumagalaw na ang fishing rod ko.
“ ALTEA!... Hahahahaha” Napasigaw ako sa tuwa.
“ Go!... Tita Roseta!” Malakas na sabi ni Altea na nag cheer up pa sa'kin.
“ Mukhang may isda ng kumagat sa fishing rod mo ha!” Nakangiting sabi ni Lance.
“ Kaso di ako marunong gumamit nito!” Natataranta kong sabi, na kinatawa naman ni Altea.
“ Tita hawakan mo lang ang hawakan na iyan at bilisan mo ang pag paikot ng handle para mabilis mo maitaas ang isda.” Masayang sabi ni Altea.
Kaya sinunod ko ang instructions nya.
Di kasi ako namimingwit ng mga isda, iba kasi ang hilig ko. Ang pumunta sa malls at tumambay sa mga clubs.
Wala akong kahilig sa mga ganito. Pero masaya pala ang ganitong mga activity.
Nararamdaman ko ng malapit ko na makuha ang isda.
Ngunit nabigla ako ng tuluyan na ngang magpakita ang isda dahil napakalaki pala nito.
“ Wow!... Ang laki... Di ko yata kaya kunin iyan!” Natataranta kong sabi.
“ Please.... Tulungan nyo ako!..” Nagmamakaawa ako sa kanila. Dahil sa malaki talaga ang isda na nakuha ko. At first time kong makakuha ng isda sa lawa.
“ Lance!... Tulungan mo ako!” Napapasigaw na ako habang patuloy kung hinihila ang isda at napakalakas nito.
“ Hehehehe!..” Natatawa na sa'kin si Lance.
Pero di ko na kaya ang paghila ng isda at malapit ko ng mabitawan ang fishing rod ng maramdaman ko ang mahigpit na kamay ang humawak sa kamay ko.
Napatingin ako sa likod ko at nakikita si lance na tinutulungan akong pihitin ang fishing rod para makuha ang isda.
Napakalaki ba naman. Nang maitaas na nya ang kamay ko. Ay bigla n'yang binitiwan at may fishing net na pala s'yang hawak at iyun ang sinalo nya sa isda.
Masaya ako dahil di ko na experience ang ganito dahil iba ang hilig ko noon. At si Daddy Victor ay hindi gumagawa ng mga ganitong bagay.
Palagi itong busy sa trabaho, wala na itong time para sa akin.
Palagi nya akong ni-re remind na ginagawa nya lang ito para mabigyan ako ng magandang bukas.
Pero ngayon sya ngayon ang sumira sa buhay ko. Wala na ang dati kong Daddy na Iniisip ang future ko.
Nakain na ito ng pagsusugal sa Casino at sinira ang pinangako nya sa'kin na bibigyan nya ako ng magandang bukas.
Napaluha ako habang iniisip ang mga ganoon pangyayari sa buhay ko.
“ Tita, bakit ka naluluha?” Tanong ni Altea.
“ Wala ito Altea, ang saya pala kapag namimingwit ka ng isda.” Pilit akong ngumiti sa bata para huwag ito mag- alala sa'kin.
“ Tita.. Ganoon po ba.” Pagtatakang sabi ni Altea.
Ilang oras din kaming nasa lawa at marami-rami na rin isda ang nahuli namin.
Sa katagalan ay nakuha ko na ang tamang paggamit ng fishing rod.
Di ko akalain na magiging masaya ang umaga kong ito, dahil kahapon ay puno ng panganib ang nararamdaman ko.
Dahil nga sa pagkidnap nila sa'kin. Ngunit madali lang ako maka recover dahil di naman nila ako sinaktan. Nakuha ko lang ang mga sugat ko dahil nga sa dinadaanan ko.
Kaya nagkasugat- sugat ang katawan ko.
Nagising ako sa pagkatulala ko at di ko namalayan nasa pantalan na kami.
Naka baba na si Altea at si Lance. Ako na lang pala ang hinihintay na bumababa. At ng tumayo na ako, bigla akong nahiya. Dahil inalalayan ako ni Lance na makababa sa pamboat.
Nasa pantalan na kami at naglalakad patungo sa bahay nila.
“ Tita gusto mo bang maligo tayo sa lawa?” Tanong ni Altea.
“ Baka maraming crocodile dyan!” Natatawa kong sabi.
Napa iling naman ito.
“ Wala pong crocodile dyan Tita!” Masaya sagot ng bata.
“ Op!... Op!.. bago ang lahat ay mag- agahan muna tayo!” Aya sa amin ni Lance kaya napatango kami ni Altea.
Sa totoo lang parang matanda na si Altea kung makipag- usap sa'kin.
Nakakatawa lang dahil sa murang edad eh, marami pa itong nalalaman kasya sa'kin.
Di ko naman kasi naranasan ang ganitong buhay, ang mamingwit at maligo sa lawa.
Nabubuhay ako sa Malls, Cinema, Bar, lahat ng gimikan at pumunta sa ibang bansa na kasama ang mga kaibigan ko.
Pero ngayon natatakot akong ipa- alam sa kanila ang kalagayan ko. At baka sila naman ang gawan ng masama ng mag- aamang Villa Asuncion.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nakahanda na ang agahan.
“ Tita... Mamayang hapon ha! Maliligo tayo sa lawa!... Mahinang bulong ni Altea.
“ Di pa pwede akong maligo sa lawa... Dahil sariwa pa ang mga sugat ko sa katawan. Sa susunod nalang at pangako sasamahan kitang maligo sa lawa.” Sagot ko sa kanya.
Kinatango nya lang ang sabi ko.
Dahil nga kahapon lang ako nasagip nila at ginamot ang mga sugat ko, ayaw kong mapasok ng tubig lawa ang mga sugat ko.
Baka ma inspection pa.
Mabuti na lang kanina at naka suot ako ng Jacket nun pumunta kami sa lawa para mamingwit ng isda.
“ Kumain muna kayong dalawa!” Sabi ni Nana Dolores. Na kinatango namin ni Altea.
Subrang bait talaga ng mga tao dito kaya magaan ang pakiramdam ko sa kanila.
Masaya ang agahan namin lahat, dahil di lang masarap ang kinakain namin, kundi lahat ng mga tao dito ay nagmamahalan at may respito sa isat-Isa.
Di tulad sa pamilya ko, ang iniisip lang ni Daddy ang kapakanan nya.
Kaya pilit ko nalang ina- alis sa isip ko ang mga masamang pangyayari sa buhay ko.
Nang matapos na kaming mag- agahan ay naglibot ako sa buong bahay.
Marami akong nakikitang picture frame na nakasabit sa dingding ng bahay.
Mga picture nina Lance at ni Altea. Ngunit may pumukaw sa atension ko.
Si Lance at ang babaeng naka-upo ito sa pantalan. Nakasuot ito ng manipis na tela at hawak ang malaking tyan nito.
Ito siguro ang ina ni Altea, napaka ganda nito at kamukha ni Altea.
Nabigla ako ng magsalita si Altea sa likod ko.
“ Tita, si Mama Carmela ko po iyan.. Di ba ang ganda nya?” Proud nitong sabi kaya ngumiti ako sabay tango.
“ Oo, at kamukhang-kamukha mo.” Nakangiti kong sagot.
“ Miss na miss ko na ang Mama ko... Kahit di ko na nakita si Mama.” Naging malungkot na ang mukha ni Altea.
“ Sabi kasi ni Papa, nun pinanganak ako ay kinuha sya ni Papa G-d dahil meron sakit si Mama.” Namumula na ang mga mata ni Altea.
“ Ganoon ba!” Mahinang sabi ko.
“ Sana di na lang kinuha ni Papa G- d si Mama dahil subrang na mi- miss ko na sya.” Malungkot nitong sabi.
“ Alam mo ba sa school namin ako lang ang walang Mama...” Nagsisimula na itong lumuha.
“ Kahit na si Papa ang kasama ko, hinahanap ko parin si Mama.” Dagdag pa nito.
Kaya di na ako nakapagsalita at niyakap ko na lang si Altea.
Katulad nya ay nararamdaman ko din ang ibig n'yang sabihin ang pangungulila sa Ina.
Napaluha ako habang inahangod ang likod ng bata.
Kahit ako ay na mi- miss ko na si Mama Roselinda.
Alam ko ang pakiramdam na kapag Mother's Day ay wala kang Inang ma ce- celebrate at ang iba ay masayang masaya dahil may ina silang kasama. Wala ka rin mapagsasabihan ng problema mo. Kahit na nakapag-asawa muli si Daddy Victor.
Ay di ko magawang magsabi ng mga nararamdaman ko dito.
Matapobre kasi, mabuti lang ang anak nyang si Carol. Mabait sa'kin, kapag sinusupladahan ako ng Mama Vinnian nya.
Niyakap ko ng mahigpit si Altea. Di ko na alam kung ilang segundo kaming ganoon ang position namin.
Hanggang sa bumitaw na sya at hinila nya ako sa kanyang kwarto.
May ipapakita daw sya sa'kin kaya sumama ako sa kanya sa loob. Nang pumasok ako ay di ko mapigilan ang mapaluha. Dahil puno ng mga picture ni Carmela. Meron itong mga picture na di pa malaki ang tyan ni Carmela.
Meron din picture na hawak ni Carmela ang ultrasound picture kung saan makikita ang napakaliit na katawan ni Altea sa loob ng tyan nito
At may hinila itong cabinet na puno ng mga photo album. May kinuha s'yang isa at pinakita nya sa'kin ang mga picture na baby pa si Carmela at hawak ito ng ina nya.
Maraming picture kaming tinignan, mga mahahalagang pangyayari na nangyari sa buhay ni Carmela.
At ang nakuha talaga ng atension ko ay nun kinasal sina Lance at si Carmela.
Naluluha si Carmela habang naglalakad ito sa altar.
Wedding photos na pala ang tinitignan ko. Si Altea ang s'yang bumubuklat ng bawat page ng wedding album.
“ Ang ganda- ganda talaga ni Mama Carmela... Di ba Tita Roseta!” Masayang sabi ni Altea.
“ Oo, ang ganda ng Mommy mo.” Naluluhang sabi ko.
“ Bakit ka lumuluha, Tita Roseta?” Tanong ni Altea sa akin, di ko na pala napigilan ang lumuha.
“ Kasi marami kang picture ng Mommy mo, sa'kin kasi lahat ng picture ni Mama Roselinda ay pinasunog ni Daddy Victor. Ayaw nya kasing maalala si Mama. Kaya doon kami nag- ayaw at lumayas ako sa Bahay namin. Mabuti na lang at may isang litrato akong natago kaya di ito kasamang nasunog. ” Naluluha kong sabi.
Iyun ang aming di pinag-kakaunawaan ni Daddy. Nagalit ako sa kanya dahil lahat ng mga picture ni Mama Roselinda pati ang mga gamit na naiwan ni Mama ay pinasunog nya. Nang mangyari iyun ay nagwawala talaga ako sa galit. Nagmamakaawa ako na wag na n'yang sunugin ang mga iyun. Ngunit tinuloy parin ni Daddy ang pagsunog sa mga gamit ni Mama.
Kaya ng araw na iyun ay galit na galit ako sa ginawa nya, kaya lumayas ako sa bahay at pumunta ng maynila.
Di ko maisip na mayroon palang taong grabi kung magmahal sa mga asawa nilang namayapa na.
Kaya habang tumatagal ay napapahanga ako kay Lance. Kung papaano nya pahalagahan at mahalin si Carmela.
Nakaka ingit naman ang ganoon pagmamahal.
Lance POV....
Tinatawag ko si Altea, ngunit di ito sumasagot sa tawag ko, kaya umakyat ako ng hagdan. At nakita ko silang dalawa na nasa malaking sala at seryosong nagkukwentuhan.
Naririnig ko ang mga hinaing ng anak ko, iyun mga bagay na nais ko sanang marinig mula sa kanya ngunit di nya masabi- sabi sa'kin. Ganoon na pala ang mga nararamdaman at ang iniisip nya.
Di ko na napigilan ang lumuha, ka lalaki kong tao. Pero sa ganitong bagay kapag anak ko na ang naririnig kong nagsasabi ng mga ganoon bagay.
Ay di ko na napipigilan ang lumuha. Hanggang sa hinila na ni Altea si Roseta sa loob ng kwarto nya.
Kaya umalis na ako bago pa nila ako makita.
Bumababa na ako ang hagdan at lumabas na ng bahay.
Maghahanap na lang ako ng mga kahoy na gagawin namin panggatong sa bonfire namin mamayang Gabi.
Masaya ako dahil meron taong napagsasabihan si Altea sa mga hinaing nito. Kahit papaano ay na-iibsan ang mga iniisip ko kung papaano ko matutulungan ang anak ko sa mga ganitong bagay.