3 years later "Nay , are you sure uuwi na kayo sa Pilipinas?Bakit ba hindi kayo matali dito sa Italy at gustong gusto niyo na mag-alsa balutan palagi." tanong ko kay nanay.Busy siya sa pagiimpake ng mga gamit nila ni tatay sa maleta.Isinalansan na din nito ang mga pasalubong niya sa kaniyang mga kapatid at pamangkin. "Lindsey ,baka akala mo mas masarap ang manirahan sa sariling bansa.May dahilan lang tayo kaya napilitan tayo na pumunta dito ". "Ang sakin lang po,andito si Thania ,si Marcus .Gusto ko lang kumpleto tayo.Saka mahirap din na malayo kayo ,walang magtitingin sa inyo doon." "Sus!Kaya pa namin ng tatay mo ang mga sarili namin.Magtitinda kami muli sa palengke .Saka gusto naming makita ng tatay mo ang bahay ni Thania kung ayos pa ba.Pati yung bagong bahay na binili natin .Excite

