"Anak.....mga apo......"malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang sigaw ni Nanay .Sinundo kami ni Nanay at Tatay sa airport dito sa NAIA . Isang mahigpit na yakap ang binigay namin sa isat isa nang magkalapit na kami.Agad namang binuhat ni tatay si Marcus .Nagmano naman si Thania sa Lolo at Lola niya.Pinupugan ng halik ni Nanay si Marcus dahil sa sobrang pagkamiss sa batang napakacute. Dumaan lang kami sa isang fast food para kumain bago umuwi ng Cavite. "Anak mabuti naman at napagpasyahan mo na umuwi muna dito."sabi ni Nanay "Nay may mga mahalaga lang po akong gagawin dito.Kailangan din po naming bumalik sa Italy dahil hindi pa nakapagsettle si Thania sa School niya doon.And besides ,di pa ako nakapagturn over ng maayos sa company.Siguro malapit lapit na din Nay." "Basta sana dito p

