CHAPTER 3

1484 Words
"May meeting tayo mamaya after class, sabay na tayong pumunta," Alayna stated while looking at me after entering the room. Sinundan ko siya ng tingin at kumunot ang aking noo ng makita itong payukong sumalampak sa upuan. She grabbed her bag at ginawa niya itong unan. "Anong nangyari diyan?" tanong ni Dustin habang tinuturo niya ang gawi ni Alayna. 'Di ko namalayang nakalapit na pala siya sa sa akin. He even sat on the table casually. "Hindi ko alam, ganyan na iyan pagpasok kanina. Nakakapagtaka nga." Pareho na naming tiningnan si Alayna. Everytime Alayna enters the classroom, boses niya talaga ang nangingibabaw. May baon din siyang chika o kwento sa akin araw-araw. She even greeted us 'good morning' everyday. Pero ngayon hindi. Parang may masamang nangyari dito. I will asked her mamaya. "Bakit hindi mo tanungin kung napano iyan? You should talk to her and ask her what is the problem," suhestiyon ni Dustin. "Mamaya na, wala ata sa mood makipag-usap nung tao," sagot ko naman. "Kaya nga kausapin mo at tanungin," pamimilit niya pa. Tiningnan ko siya habang nakakunot ang aking mga noo. Nagsisimula na din akong mairita dahil sa pamimilit niya. Nakatigilid ang pwesto niya sa akin sapagkat nakaupo siya sa may gilid ng mesa ko kung kaya't hindi ko masyadong kita ang buong pagmumukha niya. "Ikaw nalang kaya ang magtanong at kumausap sa kaniya?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. "Ikaw na," bakas sa pananalita niya ang pagkairita. He even crossed his arms on his chest. Wala akong magagawa dito kasi alam kong pipilitin at pipilitin lang ako ng lalaking ito. Tatayo na sana ako ng sumigaw ang isa kong kaklaseng lalaki. "Alayna, may naghahanap sa'yo," sigaw niya. Nagsitayuan naman ang iba kong mga kaklase at pumunta sa may bintana para tingnan kung sino. Napatayo na din si Dustin at nag-aabang kung sino ang naghahanap sa kay Alayna. Tumingin ako sa kay Alayna na nakatayo na ngayon. "Sino ang naghahanap sa akin?" walang ganang tanong niya. Nakita ko din ang pagkakairita sa mukha niya. Halatang badtrip talaga ang isang ito. Nanatili lamang akong nakaupo sa pwesto ko. Habang 'yung iba naman ay hindi mapigilang pag-usapan kung sino ang naghahanap kay Alayna. Tiyak ko ding napansin nila na wala sa mood si Alayna pagkapasok. "Nakita ko si Alayna kanina lumabas sa isang kotse. Halata ngang wala siya sa mood kasi pasalampak niyang isinara ang pinto," rinig kong sabi nung isa kong kaklaseng babae. "Sino ba iyan? Sabihin mo umalis na siya, nakakaabala na siya," saad ni Alayna. Parang naubos na yata ang pasensya niya. Umupo na din ito. Nang napansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin. Nagpapahiwatig na ayos lang siya at huwag na akong mag-alala. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya. "Let's talk Alayna..." a guy wearing a blue jacket, a cap and a black mask enters the room. Hindi ko masyadong aninag ang mukha niya. Lalapit na sana siya kay Alayna ng humarang si Dustin sa harap niya. "Sino ka?" makahulugang tanong ni Dustin. "Can you move aside?" tanong pabalik nung lalaki. Hindi niya sinagot ang tanong ni Dustin. "Sabi ko, sino ka? Anong sadya mo kay Alayna?" matigas na tanong ni Dustin. Hinawakan ng lalaki ang kwelyo ni Dustin kaya tumayo na ako para sana awatin sila. Baka magsuntukan ang dalawang ito. "Pwede ba? Tumigil na kayo," awat ko sa kanila. Pilit kong hinahawakan ang kamay nung lalaki para alisin sa mahigpit niyang pagkakahawak sa kwelyo ni Dustin. Napatayo na din si Alayna para awatin din ang dalawa. "Hands off Klaus," maawtoridad na pahayag ni Alayna. Mababakas na din ang galit sa mukha niya. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Dustin pero nabigla kami ng suntukin niya ito. Napasigaw na din ang ilan sa mga kaklase ko dahil sa nangyari. Agad kong dinaluhan si Dustin na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Hinawakan niya ang gilid ng labi niya at tiningnan ang daliri nito kung may dugo ba. "Walang dugo," agad kong saad sa kaniya ng makuha ko kung ano ano ang gusto niyang makita. He smiled at me pero nag-aalala pa din ako dito. Alam kong malakas ang suntok nung lalaki at malakas din ang tama nun. Napatayo si Dustin habang hawak-hawak pa din nito ang gilid ng labi niya. Nakita ko naman na mahinang nag-uusap si Alayna at nung lalaking tinawag niyang Klaus. Pinapagalitan ito ni Alayna at parang tuta lang na nakayuko ang Klaus. "What are you doing here?" biglang sigaw ng kung sino sa may pinto. Lumipat ang tingin namin sa lalaking galit ding pumasok sa room. Habang naglalakad ito palapit sa amin, nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga at hindi din nakaligtas sa paningin ko kung paano katalim ang kaniyang tingin. Tiningnan ko si Alayna na kaswal lang na nakatayo sa gilid ni Klaus. Nakatingin lang ito sa kisame at parang may malalim na iniisip habang 'yung Klaus naman ay nakangiti pang tumingin kay Sage na papalapit sa amin. Napapitlag ako ng hawakan ni Dustin ang palapulsuhan ko kaya tumingin ako sa kaniya. "Ano? Anong ginagawa niya dito?" mahinang tanong ko kay Dustin habang nginunguso ko si Sage. "Hindi mo na kailangang malaman," mahinang sagot din niya. Nang makalapit na si Sage sa gawi ni Klaus ay matalim niya itong tinititigan habang hinawakan naman niya ang balikat ni Alayna. "Kayong dalawa... sumunod kayo sa akin," Sage said with full of authority. Naunang lumabas si Alayna at kasunod naman nitong lumabas ng room si Klaus. Tiningnan muna kami ni Sage bago siya umalis. Kasunod ng paglabas nila sa room ang pag-ingay naman ng klase. Hindi pumasok si Alayna. Buong morning class ay absent siya. Gusto ko sana siyang hanapin pero sabi ni Dustin ay tiyak daw na nasa maayos na kalagayan siya. Muli kong tinanong si Dustin kung sino ba talaga 'yung Klaus at kung anong ginagawa nung Sage kanina pero hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko. "Tara na sa canteen El," tawag sakin ni Dustin. Kasama niya si Daphne at 'yung isang lalaki na nakasama din namin nung isang araw sa canteen. "Si Alayna?" tanong ko habang nililigpit ko ang gamit ko. Tumayo na din ako pagkatapos at lumapit sa kanila. "She will be okay, huwag mo na siyang isipin," sagot ni Daphne sa akin. Tiningnan ko si Dustin at ngumiti lang siya sa akin. "Papasok din iyon mamaya," he smiled at me at ginulo niya ang buhok ko kaya napasimangot ako. "Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko." Inaayos ko ang buhok ko na nakalugay at masama siyang tiningnan pero imbes na tumigil siya ay mas ginulo niya pa ang buhok ko sabay tawa ng malakas kaya pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante. Nang makarating kami sa canteen ay naghanap agad kami ng pwesto. Nang makaupo na kami ay nag-offer si Tristan 'yung lalaking kaklase ko na siya na daw ang mag-order nung amin. Nalaman ko ang pangngalan niya kanina nang nagkausap kami papunta dito sa canteen. Ilang saglit pa ay nakabalik na din si Tristan dala-dala ang mga pagkain namin. Pero napatigil kami ng makita kung sino ang kasama niya. Nasa gilid niya si Klaus habang may dala ring pagkain. Kasunod niya si Alayna na nakangiti sa amin. Agad na umupo si Alayna sa tabi ko. Napapagitnaan namin siya ni Dustin. Si Klaus naman ay umupo sa tabi ni Daphne at sa isang tabi naman si Tristan. Biglang bumigat yung aura ng paligid. Kung kanina ay nagtatawanan kaming tatlo ni Dustin at Daphne, ngayon ay para banag may anghel na dumaan sa harap namin. Matalim ang titig ni Klaus kay Dustin habang si Dustin naman ay prenteng nakaupo. Si Alayna naman ay napahawak sa braso ko kaya 'di ko maiwasang tingnan siya. Nang tingnan ko si Daphne ay nakatitig lamang ito sa kawalan. Kaya binalingan ko din si Tristan para sana magtanong kung anong nangyayari dito pero 'yung gago ay matalim ding nakatingin kay Klaus. Potangina. Ano bang nangyayari sa mga ito? Kakain ba kami o magtitigan? Bakit parang feeling ko may nangyari sa mga ito dati? I don't have any single idea of what's going on between these people around me. I cannot stop myself thinking that here I am being clueless of everything. These feelings I've felt right now seems familiar. But I cannot tell when and how. I averted my gaze at Dustin and surprisingly, he's also staring at me. "You don't need to know everything, El, " he said while assuring me with a smile. I smiled back at him para iparating sa kaniya na tama siya. Pero sa kaloob-looban ko, bakit feeling ko nakikibelong lang ako sa kanila? Am I? Do I really belong here? With this people around me? Or am I just a mere traveller and they are my sanctuary? A sanctuary....but will only last temporarily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD