CHAPTER 2

1638 Words
Natapos na ang 3 subjects namin a hapon na wala ako sa sarili ko. Madaming beses na nga akong nabatukan ni Alayna eh kasi nakatunganga lang daw ako. Iniisip ko kasi kung saan ko nakita ang mga matang 'yun. Para talagang nakita ko na iyon. Malabo namang namamalik-mata lang ako kasi kung guni-guni ko lang naman ito edi sana kanina pa 'di ko na masyadong iniisip iyon. "Anong kakantahin mo mamaya?" Alayna asked while fixing her things. Ilang minuto na din kasi at uwian na, hinihintay nalang namin 'yung bell. Natigilan ako sa tanong niya at doon ko lang naalala na ipapakilala niya pala ako sa mga kasamahan niya sa theatre club at sabi nung lalaking tinawag niyang Boss kanina kailangan ko daw na kumanta or umacting sa harap. Patay. "Hindi ba pwedeng bukas mo nalang ako ipapakilala?" alinlangang tanong ko sa kaniya. Tumigil si Alayna sa pagliligpit ng kanyang gamit at hinarap ako. "Sabi ni Boss ngayon na daw kasi wala ng oras. Tiyaka ano kasi eh... kailangan talaga namin ng bagong members ngayon sa club dahil malapit na ang foundation ng university natin." Umupo siya sa harap ko at pinaglalaruan niya ang kaniyang face towel, pinaikot-ikot niya ito sa hintuturo niya. Iniisip ko pa din if gusto ko ba talagang sumali sa club na iyon. Kung compulsory mang sumali ng club, gugustuhin ko nalang na sumali sa arts club para magagamit din 'yung skills ko sa art. Sasabihin kong may talent naman ko sa pagkanta kasi ini-enroll naman kami ni Mama dati sa isang singing lesson. Pero 'yung kapal ng mukha para humarap sa maraming tao habang kumakanta ay hindi ko talent 'yun. Wala akong sapat na confidence para humarap sa kanila. Nakakahiya kaya kapag ganun! Hinawakan ni Alayna ang kanang kamay ko at marahan niya itong hinahaplos. "Kung ayaw mong sumali, hindi naman kita pipilitin. Pero sana isipin mo din na hindi lahat ng tao binibiyayaan ng talento lalo na sa pagkanta. Kaya kung meron ka mang tinatagong talento diyan, ipakita mo na. Huwag kang mahiya." "Hindi ko kasi alam kung anong kakantahin ko," nahihiyang sagot ko. "Hindi mo naman kailangan na sundin 'yung sinabi ni Boss kanina eh. Naniwala ka naman dun." Kinuha niya ang kaniyang bag at para bang may hinahanap siya dun. Nang makita niya ang isang bond paper ay binigay niya agad sa akin. "Mag fill up ka lang diyan at ako na ang bahalang magsabi kay Boss. Sasabihin ko nalang na paos ka ngayon," pangungumbinse pa niya. "Pwede ba 'yun? Hindi ba iyon magagalit? Para pa namang istrikto ang isang iyon." Kinuha ko ang papel na iniabot niya at sinulatan agad ito ng mga hinihinging impormasyon. "Gago HAHAHAHA ang bait kaya ni Boss." "Ano bang pangngalan nun? Bakit boss tawag mo sa kaniya eh kung tutuusin 3rd year pa naman siya diba?" I asked Alayna habang nagsusulat ako. "Ay gago di ko pa pala nasabi pangngalan niya sayo, totoong pangalan talaga niya Sage tapos trip ko lang talagang tawagin siyang Boss kasi minsan napaka-bossy kasi nun. Pero tawag talaga ng karamihan sa kaniya Pres." Tumayo si Alayna sa inuupuan niya ng makita niya ang isang kaklase naming lalaki na may dalang chips. Tinawag niya ito, nung una ayaw pang lumapit nung lalaki baka kasi alam na din niyang kukunin lang ni Alayna ang kinakain niya. "Gusto mong makisali sa pag-uusap namin? Kunin mo 'yung bakanteng upuan dun tas tabi tayo," iminumuwestra pa niya ang kaniyang daliri sa isang upuan. "Sabihin mo lang na manghihingi ka Al," pasaring na sagot naman nung lalaki. "Hindi, ano ka ba. Alam ko naman na kanina mo pa gustong sumali sa usapan namin eh. Napaghahalataan ka kaya," pagtanggi naman ni Alayna. Nakita ko pa ang pasilip-silip niya sa kinakain nung lalaki. "Ikaw din, masyado ng napaghahalataan. Sabihin mo nalang kasi na gusto mo nitong chips na kinakain ko," pang-aasar pa nung lalaki sa kaniya. Nakatayo lang siya sa may gilid namin habang mabagal na nginunguya ang chips sa bibig niya. Tumingin siya sa gawi ko at nag-smile kaya nginitian ko din siyang pabalik. Ganito naman talaga ang lagi kong ginagawa kapag may ngumingiti sa akin. As much as possible tinutugunan ko ang ngiting binibigay nila. "Gusto mo El?" alok niya sa akin. Inilapit niya pa ang chips na kinakain niya. Mabilis akong umiling at pilit na ngumiti sa kaniya. "Salamat nalang," tugon ko sa kaniya. "Ako 'yung nanghihingi sa'yo Dustin bakit si Elsine inaalok mo?" pagmamaktol ni Alayna. Dustin pala pangngalan niya. Siya din kasi 'yung isa sa lalaking tumabi kanina sa amin sa canteen. Ngayon alam ko na pangngalan niya. "Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo ba pero hindi ka naman sumasagot. Ina-attitudan mo lang ako Aly." Tinuturo niya pa si Alayna. Binigay niya kay Alayna ang natirang chips niya at hinila ang isang mesa sa likod niya at doon siya umupo. "Pinagbibintangan mo pa ako na gustong sumali sa usapan niyo." He even hold his chest at umaaktong nasasaktan. "Napaka-oa mo," pasaring na sagot ni Alayna. "Pero ano ba pinag-uusapan niyo? Pwede bang makisali? Kung pwede lang naman," tumingin siya sa akin at parang bang naghihintay ng sagot ko kaya tumango nalang ako. "Wala namang problema," nahihiyang sagot ko. Kahit naman na matagal ko na silang nakakasama dito sa school, nahihiya pa din ako. Kay Alayna lang ako hindi nahihiya at nakikipag-usap ng casual kasi sadyang madaldal si Alayna at siya din palaging kasama ko. "Pinaguusapan namin ni Alayna 'yung pagsali ko ng theatre club," sagot ko sa tanong niya kanina. "Sa theatre club ka sumali?" paninigurado ni Dustin. "Ouhm, bakit? May masama ba?" tanong ko sa kaniya. "Wala naman baka kasi pinilit ka lang dito," itinuro pa niya si Alayna kaya inambahan ito ng suntok ni Alayna. "Hindi ko kaya siya pinilit," depensa ni Alayna sa pang-aakusa ni Dustin. "Hindi ako pinilit na Alayna. Desisyon ko na sumali. Ini-encourage niya lang ako," paliwanag ko kay Dustin. Tumayo si Alayna sa inuupuan niya para itapon 'yung plastic ng chips na binigay sa kaniya ni Dustin. Umayos ng upo si Dustin at hinarap niya ako. "Goodluck nalang sa pagsali mo sa theatre club, sana 'di ka masyadong pahirapan ni Sage, gago pa naman 'yun hahahaha," tumatawang saad niya. Hindi ko masyadong na-gets yung sinabi niya kaya kinunotan ko ito ng noo. Mukha namang nagets niya ako kaya muli siyang nagsalita. "I know Sage kasi magkaibigan na kami nun simula nung bata pa. May ugali siyang tine-test 'yung mga taong bago pa lang sa paningin niya. Naniniwala kasi siya na doon niya daw makikita ang totoong ugali ng isang tao," panimula niya. "Anong tine-test? May quiz palang magaganap?" naguguluhan kong tanong. "Gago hindi hahahaha," tawa pa niya. "What I mean is that Sage will test someone's patience kaya ang ginagawa niya binibigay niya sa baguhan lahat ng mahihirap na task. Kaya din ngayon bumaba ang bilang ng members ng club nila," Dustin tries to explain everything to me pero hindi ko kayang iprocess ang lahat. Sabi ni Alayna sa akin kanina mabait daw 'yung Sage, pero bakit sa kwento ni Dustin para itong isang kontrabida sa isang pelikula. Ilang minuto pa ang lumipas at nagbell na para sa uwian. Pero sabi nga ni Alayna sa akin kailangan ko pa daw na sumama sa theatre room para magpakilala sa ibang members. Pagpasok namin sa room madami na ang nandoon at lahat sila naka-upo na. Kami nalang ata ni Alayna ang hinihintay nila. Lumapit si Alayna kay Sage na nakaupo sa harap at binigay niya dito 'yung papel na finill-upan ko. Nag-usap pa sila at maya-maya pa ay tiningnan ako nung Sage at binalik niya din naman agad kay Alayna ang tingin niya. Nakatayo lang ako malapit sa may bintana habang hinihintay silang matapos. Naririnig ko pa ang usapan ng ibang miyembro pero hindi ko na ito pinansin. Tinawag ako ni Alayna kaya lumapit ako sa kanila. Sage's eye was darting on me. Parang sinusuri ako nito. Iniiwasan kong tumingin sa mga mata niya baka kasi mawala ulit ako sa sarili ko at pilit kong iisipin kung saan ko nakita ang mga matang iyon. "You are Elsine right?" paninigurado niya kaya tumango ako. "What's the reason why you joined theatre club? What pushed you to decide on joining club like this? Alam mo naman siguro na ang club na ito ang isa sa mga pinaka-busy lalo na kapag may mga program like the upcoming foundation. Are you even aware of that?" he asked me why patiently waiting on what would be my response. "Akala ko pa naman theatre club sasalihan ko bakit parang pageant ang tanungan dito?" tanong ko kay Alayna at sapat na iyon para marinig din nung Sage. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Alayna kaya tiningnan ko 'yung Sage. Parang hindi siya makapaniwala sa nasabi ko at nakatunga-nga lang ito sa upuan niya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naging sagot ko pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pagsagot. Katahimikan ang namayani sa aming tatlo pero alam ko namang pinipigilan lang ni Alayna ang sarili niya para tumawa. Tanga-tanga ko naman. Tumayo 'yung Sage at pumunta sa harap. Nakita ko pa ang paghawak niya sa sentido niya at ang mabibigat niyang paghinga. Para ding nagpipigil ang isang ito. Patay! "There's no use kung bakit ko kayo pinapunta dito," panimula nung Sage. Tumingin siya sa gawi namin at nakita ko kung paano tumama ang mga mata niyang napakatulis kung tumingin. Yumuko lang ako para umiwas sa titig niya. "Wala tayong meeting ngayon, siguro bukas nalang lalo na at hapon na din. But I just want to welcome Elsine, a new member of our club." Umalis siya agad sa pwesto niya matapos ng ilang mga paalala niya. Badtrip siguro 'yun dahil sa naging sagot ko. Pero ang tanga din kasi niyang magtanong. Kaya tinangahan ko na din ang pagsagot. Bahala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD