CHAPTER 1

1569 Words
Elsine's POV Maaga akong gumigising araw-araw lalo na kapag may pasok kasi nilalakad ko lang ang school namin. Hindi naman siya masyadong malayo kaya mas maigi na ding maglakad para naman makapag-ehersisyo na din at tiyaka iwas gastos na din sa pamasahe. Actually madami din namang estudyante ang nilalakad nalang ang school lalo na dahil punuan ang mga bus tiyaka jeepney. Second year college na ako ngayon. Because of what happened between me and my twin brother, naisipan kong lumayo nalang muna. He cannot stand if malapit ako sa kaniya. Palagi nalang kaming nag-aaway. Kung normal na pag-aaway ng magkapatid lang siguro yung nangyayari sa aming dalawa, siguro hindi ako mapipilitang umalis ng bahay at mag-aral sa ibang university. Kapag may kakambal ka nandun talaga lagi 'yung comparison. Your parents and relatives always compare you both. Nandun din 'yung pressure kasi nga ayaw mong madisappoint 'yung mga parents mo kaya you will always aim on becoming the best. Sa kaso namin ng kakambal ko, siya palagi 'yung dini-discourage nila Mama at Papa. Kaya siguro ganun na din katindi 'yung galit niya sa akin. I understand him kaya nga nung gabi na nagkasagutan kami, ako nalang 'yung lumayo. Ayaw nila Mama at Papa pero wala na silang nagawa nung pinal na 'yung desisyon ko. Nakarating na ako sa school pero malayo pa 'yung building namin. Marami-rami na din 'yung mga estudyante. Isa sa nagustuhan ko sa university na ito ay malayo ito sa siyudad kaya ang presko ng hangin araw-araw. Mababait din ang mga estudyante at napaka-approachable ng mga guro. Nung una ayaw nila Mama na dito ako mag-aral kasi nga malayo sa kanila tiyaka iniisip din nila 'yung credibility ng school. Pero kung tutuusin naman mas maayos pa ang university na ito kesa sa university na unang pinasukan ko. Tiyaka magagaling din magturo 'yung mga professors dito. Habang naglalakad ako papuntang room, may nadadaanan akong mga estudyante na bumabati sa akin. Isa din ito sa mga nagustuhan ko dito dahil ang gagalang ng mga estudyante. Nung unang araw ko nga dito akala ko magiging outcast ako eh pero hindi. Naging close ko agad 'yung mga kaklase ko. Umupo na agad ako sa upuan ko nang makarating na ako sa room. Hindi pa pala dumating si Alayna kaya kinuha ko muna 'yung phone ko at tinext si Mama na nasa school na ako. Araw-araw kong ina-update si Mama kasi ayokong mag-alala siya. May one time nga hindi ko siya natext kasi naging busy ako sa mga assignments ko tapos kinabukasan nun nagpunta siya sa boarding house ko kasi nag-alala daw siya kaya simula nun ina-update ko na siya lagi. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang boses ni Alayna. Hindi pa siya nakapasok sa room pero 'yung boses niya umabot na dito. Madami na din kami sa room, 'yung iba gumagawa ng assignments tapos 'yung iba nagchichikahan naman. Nang makapasok siya sa room ay umupo agad siya sa tabi ko. Malawak 'yung ngiti niya at kapag ganito siya alam ko ng may naiisip na naman itong kalokohan. " Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin? Ang creepy mo na." Ini-off ko na ang phone ko at muli kong binalingan ng tingin si Alayna. " Naiisip mo ba ang naiisip ko? " Tinaas-baba niya pa ang kanyang dalawang kilay. Kinunotan ko nalang siya ng noo para ipabatid sa kanya na wala akong ideya. " Wala ka pang nasalihang club diba?" tanong niya sa akin. Nilagay niya na din 'yung bag niya sa mesa. "Ayoko munang sumali ng club, pwede naman hindi ba?" Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko kaya tumayo siya at nilapitan niya si Daphne, class mayor namin. Nag-usap pa sila sandali bago siya bumalik sa tabi ko. "Sabi ni Daph hindi daw pwede na walang club. Dapat daw may isa kang sasalihan. Sumali ka nalang kaya sa club kung saan ako sumali," suhestiyon niya sa akin. "May nakikita din kasi akong potential sa'yo. Feel ko magaling kang umarte o hindi kaya kumanta." Natigilan ako sa sinabi ni Alayna sa akin. " Sa theatre club ka ba sumali?" paninigurado ko. Tumango siya sa akin at mas lumapad pa ang kanyang ngiti. "Gusto mong sumali? Mababait naman mga tao dun," pangungumbinse pa niya. "Maybe..." tumingin pa ako sa kaniya na may pag-aalangan. "Maybe, I will give it a shot?" Nakita ko ang pag-ngisi niya. Tumayo pa siya at pumalakpak kaya tumingin na din sa amin 'yung mga kaklase namin. Tumatawa pa siya na para bang nanalo sa isang competition. "Yun oh, pumayag na din! HAHAHA sama ka sa akin mamaya pagkatapos ng klase natin. Ipapakilala kita sa mga kasamahan ko, " she tapped my shoulder at bumalik na siya sa upuan niya kasi paparating na din 'yung prof namin. Maayos naman ang takbo ng araw. Hindi pumasok yung prof namin sa History pero nagbigay siya ng activities sa amin. After answering the activities, dumiretso kami ni Alayna sa canteen. Sabi kasi niya if hihintayin pa naming magbell for lunch break baka wala na kaming maabutan pang ulam sa canteen dahil sa dami ng estudyante. Nagsilabasan na din 'yung ibang kaklase namin. Nang makabili na kami ng ulam, umupo kami malapit sa may entrance ng canteen para kapag tapos na kaming kumain, madali lang kaming makakalabas. Kapag tuwing lunch kasi, sobrang dami ng estudyante dito kaya siksikan. May mga food stalls naman sa labas pero kapag nagtitipid ka, mas abot ng bulsa ang ulam dito. Naki-upo na din sa amin 'yung dalawang kaklase kong lalaki at si Daphne. Alam kong kaklase ko sila pero I didn't know their names kaya yumuko nalang ako. Habang kumakain ako ay nag-uusap sila Daphne at Alayna. Minsan naman tinatanong din nila ako para siguro hindi ako maa-out of place. 'Yung dalawang lalaki naman sa harap ko ay kumakain lang at minsan naman ay nag-uusap din sila about sa mga projects at kung gaano na sila nahihirapan. Palapit na din kasi 'yung midterm namin. Oo midterm na, pero hindi ko pa din kabisado 'yung pangngalan ng mga kaklase ko. "Bakit ka pala nagtransfer dito Elsine?" Daphne asked kaya huminto ako sa pagkain. Matagal na din ako dito pero ngayon lang nila ako tinanong kung bakit ako lumipat dito. Naghehesitate ako if sasabihin ko bang family problems or trip ko lang na dito mag-aral. "If ayaw mong sagutin, ayos lang naman. Sorry pala sa tanong ko," Daphne smiled at me. Tiningnan ko sila Alayna at 'yung dalawa kong kaklase sa akin at naghihintay din pala sila sa sagot ko. "Family problems lang," yumuko ako at muling pinagtuonan ng pansin ang pagkain ko. Maybe hindi ako sanay maging open sa iba kung kaya't naghehesitate ako lagi if sasabihin ko ba sa kanila yung totoo at kung ano 'yung iniisip ko. People are not bound to know what's going on inside my head kaya hindi ako sanay magsabi sa iba. May mga naging kaibigan naman ako sa dating pinasukan ko pero never ako nagsabi sa kanila tungkol sa mga problema ko. I just don't want to bother anyone because of my personal problem. Nakita kong dumami na din 'yung mga estudyante sa loob ng cafeteria. Hindi na din nila ako muling tinanong kaya kinuha ko na lang 'yung phone ko at nagtext kay Mama. After ko kasing lumipat dito, I deactivated all my social media accounts para na din umiwas sa tanong ng iba. Ayoko namang sabihin na lumipat ako dito dahil sa kapatid ko at baka mas lalo pa kaming mag-away nun. As much as possible ayokong isipin ng iba na siya 'yung dahilan. Nang nagbell hudyat para lunch break na, niligpit na namin 'yung pinagkainan namin para magamit na din ng ibang estudyante 'yung mesang okupado namin. Papalabas na sana kami ng cafeteria nang huminto si Alayna at may tinawag. Tiningnan ko kung sino 'yung sinigawan niya at nang makalapit ito sa amin ay iniharap niya ako dito. "Boss, si Elsine pala bagong recruit ko sa club natin," pagpapakilala niya sa akin. She even hold my shoulders kaya nagulat talaga ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya ngumiti nalang ako sa kanya. I mean pilit na ngiti. Eh kasi naman, nakakahiya. Dami pang estudyante na nakatingin sa amin. "Your classmate?" tanong nung lalaking tinawag ni Alayna na Boss. "Yes Boss. Maniwala ka sa akin, napakatalented nito. Hindi ba Daph?" tinanong niya pa si Daphne para kumbinsehin ang lalaki na to amp. Narinig ko ang mahinang pagtawa nung dalawang lalaki na kaklase namin kaya tumingin ako sa kanila para sana tanungin kung bakit sila tumatawa pero hindi ko pa man sila natanong ay sumagot na 'yung lalaki. "Okay, naniniwala na ako sa'yo. But she needs to sing a song or act mamaya para makita din ng iba at kung aprubado ba nila," walang atubiling sagot niya. Tumalikod na siya sa amin at bumalik sa pwesto niya pero bago pa man kami makaalis ay muli kong tiningnan ang gawi niya. Nagtagpo ang aming mga mata pero nang nakita niya na nakatingin ako sa kaniya ay mabilis niya itong binawi. Hindi ko alam kung ano ang pangngalan niya pero parang familiar siya sa akin. Those eyes, I saw them. Pero hindi ko alam kung kailan o saan ko na ito nakita. "Tara na Elsine, dami ng estudyante," tawag sa akin nung isang lalaki na kaklase ko kaya lumakad na din ako at lumabas. I can't be wrong pero parang nakita ko na talaga 'yung lalaking 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD