"Boyfriend mo?" nakangusong tanong ni Saul sa kanya. "Oo," pabulong na sabi niya. Napakamot na si Saul. "Bakit hindi mo sinabi na may boyfriend ka. Ang gwapo, Manay." Gustong hampasin ni Ninay si Saul ngunit hindi niya magawa dahil nasa salas sila ngayon, at pinapagalitan ng kanyang ama si Angelo. "Hindi masamang babae ang anak ko," madiing na sabi ni Vicente, at tinignan si Angelo nang masama. "Kung niloko ka ng dati mong nobya ay ibahin mo si Ninay. Si Saul ay kanyang pinsan, kaya hindi mo siya pwedeng akusahan na niloloko ka. Maliban doon, mamon ang puso ni Saul. Hindi porke't nobya mo na si Ninay, at nakatira kami sa pamamahay mo ay basta mo na lang siya sasaktan. Aba'y paano pa kaya kung mag-asawa na kayo?" "I'm sorry po, Tay Vicente," nakayukong saad ni Angelo. "Nagdilim ho an

