bc

HIS PURCHASED WIFE

book_age18+
2.1K
FOLLOW
14.6K
READ
possessive
contract marriage
love after marriage
drama
bxg
office/work place
realistic earth
poor to rich
naive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

After learning that his fiancee for six years got married, Angelo's heart broke into pieces. He couldn't accept it, especially when she married his younger brother for heaven's sake! Angelo's world collapses. Even though he's hurting, one way or another, he has to accept the truth. But then, after talking to his grandfather, Angelo learned something so outrageous! That he might also lose the right to his inheritance to his brother if he doesn't get married. And to solve his problem, Angelo decided to purchase a wife. Here comes Ninay, a simple woman, hardworking, and the breadwinner of her family. Unexpectedly she received an offer that might help end her problems. To be a contractual wife. In other words, to be a purchased wife. Will Ninay accept the offer that could change her life forever? And if she accepts it, will she remain a wife just in the paper? Or is there a chance that the husband she fell for will also look her way? Can Angelo move on from the past? Or will he still love his ex that has become his sister-in-law? What will happen to their marriage life since they came from two different worlds? The one being heartbroken and the other one just starting to learn how painful it is to fall in love?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Malalim na ang gabi nang umuwi si Ninay sa kanila. Kahit na napapapikit na ang mga talukap ng kanyang mata ay sinikap niya pa ring imulat ito. Hindi siya pwedeng matulog. Madami pa siyang gawain na dapat harapin. May mga lalabhan pang naghihintay sa kanya. Kahit na ramdam niya ang subrang pagkapagod ng katawan, pilit pa rin niya pinapalakas ang sarili. Sabagay, sino ba naman ang hindi mapapagod kung pagkatapos mong magtrabaho maghapon ay maghuhugas ka ng napakaraming pinggan, baso, kutsara, kawali at naglalakihang kaldero ng mahigit apat na oras? Subalit kahit na nakakapagod ang paghuhugas ng mga pinggan sa may catering ay nagpapasalamat pa rin siya. Kumita siya ng extra para pambili ng gamot ng ama. Hindi lang iyon, maliban sa perang maiuiwi niya, binigyan pa siya ng amo ng maiuuwing pagkain na para sa kanya ay napakalaking menus gastos na. Madami silang gastosin, kaya kailangan niyang kumayod ng doble o mahigit pa. Hindi siya pwedeng magpakatamad dahil kailangan niyang kumita nang makabili siya ng gamot ng ama. Lumalala na ang sakit nito sa kidney, at ayon sa doctor ay kailangan ng mai-dialysis ang ama dahil bumigay na din ang isang kidney nito. Subalit wala siyang sapat na pera para doon. Kaya ginagawa niya ang gabi na araw para maitaguyod niya ang kanilang gastusin. "Oh, Ate, gabi ka na ah," sabi ni Totoy sa kanya nang pinagbuksan siya ng pinto. Nagmano ito sa kanya, at agad na kinuha ang mga dala-dala niyang pagkain. "Kanina ka pa hinihintay ni Itay. Nakatulog na siya sa kakahintay sa inyo." Napabuntong-hininga siya, at napaupo sa may upuan na kahoy. "Kamusta na siya?" "Medyo ayos na, Ate, pero nahilo siya kanina." "Hindi ba siya kinakapos ng hininga?" "Hindi naman, Ate." "Eh, ikaw kamusta na iyong tagiliran mo? Kumikirot pa ba?" "Hindi na po, Ate, simula nang ininom ko po iyong binigay ninyong gamot." Nagpasalamat si Ninay ng lihim. "May dala akong ulam. Halika sa kusina, at pagsalohan natin ito." "Busog pa ako, Ate," sabi ng kapatid, at sinundan siya sa kusina nila. "Ah, Ate, walang na pala tayong isasaing bukas." Napabuntong hininga siya muli, at napahilamos ng mukha. "Kumain ka kahit kunti. Bukas, sumama ka sa akin sa palengke at bibili ako ng bigas at gamot ni Tatay bago ako pumasok sa may hardware." Umupo ang kapatid sa tabi niya, at tinignan siya nang matagal na para bang nagtatalo ang isip nito kung sasabihin niya na pumunta si Aling Nida kanina at naniningil. Sa murang edad ng bata ay ramdam niya na ang hirap at bigat ng pinapasan ng kanyang Ate Ninay. Kaya nga sinabi niya na sa susunod na taon na siya mag-aaral para mabawasan ang mga gastosin ng pamilya. Kumuha si Ninay ng pinggan para pagsalinan ng dalang pagkain ang kapatid nang mapansin niya ang kakaibang titig nito. Palibhasa'y kabisado niya ang kapatid kaya alam niyang may nais itong sabihin sa kanya ngunit nag-alinlangan ito kung sasabihin ba. "May nais kang sabihin kay Ate, Ano?" "Ah... Um... mayroon po," sabi nito, at nag-iwas tingin. "Ah, Ate, pumunta pala dito si Aling Nida. Sabi niya sabihin ko daw sa inyo na kailangan niya na ang hiniram ninyong pera sa makalawa. Gayon din po si Aling Dalia, sabi niya baka daw pwedeng magpauna po muna kayo kahit limang daan sa utang natin sa may tindahan. Maliban daw sa mahaba-haba na din ang lista natin doon, may bayarin daw si Freeda." Parang bigla siyang nanlumo sa narinig, subalit hindi niya pinahalata sa kapatid. "Sige... sumubo ka kahit kunti bago ka matulog. At huwag mo ng alahanin ang lahat na iyan. Si Ate na ang bahala kumausap sa kanila. Sigurado ka na hindi na masakit ang tagiliran mo?" "Promise po, 'di na masakit." "Sige, pero kailangan pa din natin mapa-check up iyan. Hahanap ako ng mahihiraman bukas. Try kong bumale sa amo ko. Baka kasi kung ano na yan." Tumango lang ang kapatid at sumubo ng ilang beses. Pagkatapos ay nagpaalam na ito na magtutulog. "Magsipilyo ka muna bago matulog." Tumalima naman si Totoy at agad nagsipilyo. Pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi bago pumasok sa silid nito. Nang nasigurado na ni Ninay na pumasok na ang kapatid sa silid nito ay saka niya sinapo ang kanyang mukha at hinayaan ang saliri na umiyak nang marahan. Napahikbi siya ng mahina at napatawag sa Diyos. Halos pagod na pagod na siya, at hindi niya na alam kung anong pagsisipag pa ang gagawin niya para makaipon ng sapat na pera para sa kanilang pangangailangan. Ayaw niya ng dumaig kina Alona at Ranne. Ang dami na nilang naitulong sa kanya. Halos ang mga ito na ang ang nagpautang sa kanya para mapaoperahan ang kanyang ama. Maging ang gamot at pagkain nila ay halos sila ang sumusuporta kapag wala siyang nakita. Halos baon na siya sa utang na loob. Subalit kailangan niyang maging matatag. Siya ang panganay, kaya natural lang na siya ang papasan ng lahat ng obligasyon ngayong kakagaling lang ng opera ng ama. Sabagay sanay na siya. Simula nang maliit pa lang sila ay nagbabanat na siya ng buto. Tanda niya, Grade 5 pa lang siya, at dalawang taon pa lang si Totoy o Benjamin nang iniwan sila ng kanyang ina. Umalis ito at sumama sa kalugayo nitong Koreano. Palibahasa'y may maayos na hanapbuhay ang lalaki kaya siguro natukso ang ina niya. Minsan naisip niya, na siguro kung hindi sila iniwanan ng kanyang ina ay bubuti sana ang kanilang buhay. Hindi magkakasakit ang kanyang ama at hindi ito nagpakakalunod sa alak at dalamhati. Naalala niya, halos ilang ulit niyang pinakiusapan ang ina na 'wag silang iwan subalit hindi ito nakinig sa kanya. Itinulak pa siya nito at sinabunotan. Sabi pa nito ay sawang-sawa na daw ito sa mga pangako ng ama niya. Gusto daw nitong makaranas ng maayos at maginhawang buhay. Hindi iyong isang kahig-isang tuka, na hindi man lang siya makabili ng mga bagay na nais niya. Nang malaman iyon ng kanyang ama ay nawasak ang puso nito at nagsimulang umiinom at manigarilyo. At sa murang edad na trese anyos ay natuto na siyang magtinda ng diyaryo at sampaguita sa harap ng plaza. Doon nagkrus ang landas nila nina Ranne at Alona. Bagong lipat sina Alona noon at si Ranne naman ay sumama sa kapatid niya para magsimba. Bumili ang mga ito ng sampaguita sa kanya. Simula noon ay madalas na sila magkita at nang kinalaonan ay naging matalik na silang magkaibigan. Napag-alaman niyang labandera ni Father Lindo ang nanay ni Ranne, at plantsadora naman ang nanay ni Alona. Naging masaya siya kahit papano dahil sa dalawang kaibigan niya. Minsan nga naisip niya na, paano niya kaya makakaya ang naging buhay niya kung hindi niya naging kaibigan ang dalawa. Siguro nabaliw na siya. Napatigil ang kanyang paghikbi nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinunasan niya muna ang kanyang pisngi at ikinalma ang kanyang saliri. "Hello?" piyok niyang wika. "Hey, umiiyak ka ba? "Hindi ah," mabilis niyang tanggi. "Umiiyak ka eh," pilit ng kausap. "I told you, you don't have to beg for anyone's help. I'm here, I'm ready to help you, My Love. All you have to do is to sign the agreement and everything will be okey." "Not a chance, Justin, " sabi niya, at binabaan ito ng telepono. Alam niya na katawan niya lang at matres ang kailangan ng lalaki. At iyon ang hindi niya kayang ibigay. Kaya nga kahit anong pagpipilit nito ay hindi niya pinapakinggan. Baka kasi mas lalo siyang masasaktan pagdating ng panahon na nakuha na ito ang kailangan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook