CHAPTER 2

1086 Words
Kanina pa naiinip si Angelo. Kanina pa siya naghihintay sa paglabas ng bisita ng kanyang lolo. "Magmeryenda po muna kayo, Senyorito," sabi ni Yaya Nimfa niya, at inilapag ang isang baso ng pineapple juice at isang mangkok ng kineler o ginataang bilo-bilo sa harap niya. "Alam mo naman ang lolo ninyo makipag-usap." Napangiti si Angelo. "Busog pa ako, Yaya, subalit sige na nga. Mukhang masarap ang bilo-bilo na niluto ninyo." Tumawa nang mahina si Nimfa, at piningot ang tenga ng binata. "Kunwari ka pa. Eh, natatandaan ko maliliit pa kayo ni Emer ay inaaway mo siya kapag inubos niya ang paborito mong bilo-bilo. Hinahabol mo pa ng pamalo." "Naku si Yaya, binalikan na naman ang nakaraan." Umupo si Nimfa sa kanyang harapan, at pinagmasdan siya nang maigi. "Alam kong ayaw mo pag-usapan ang nakaraan subalit kahit anong gawin mo ito ay bahagi ng buhay mo." "Bahagi ng buhay ko na gusto kong kalimutan!" "Anong nangyari, Angelo? Hindi mo na ba talaga mapapatwad ang kapatid mo?" "Yaya, pakiusap, ayokong pag-usapan ang taong iyon. Para sa akin patay na siya!" "Buhay ang kapatid mo, Angelo. Buhay na buhay si Emer," giit ni Nimfa, at malumbay na napatingin sa kanya. "Oo, nasaktan ka niya. Nagkamali siya, subalit ang pagkakamali na iyon ay hindi niya sinasadya. Ang tanging kasalanan niya ay ang umibig." "Sinadya niya man o hindi, hindi ko pa rin siya mapapatawad!" sigaw niyang sabi sa kay Nimfa. Natauhan si Angelo nang makita ang pagkabigla sa mukha ng yaya. "I'm sorry... hindi ko po sinasadya na sigawan kayo. Please po, Yaya, 'wag na po ninyong ipagpilit ang gusto ninyo." Napahawak si Nimfa sa kanyang dibdib. Malungkot na napatingin sa alaga. Hindi niya sukat akalain na puno ng galit ang puso ni Angelo. "Hindi masama ang magpatawad Angelo." Biglang tumayo si Angelo. "Magpapahangin lang ho ako." "Hindi mo ba uubosin ang pagkain mo?" Tinalikuran niya lang si Yaya Nimfa niya. "Nawalan na ho ako ng gana," sabi niya, at humakbang palabas ng kusina. Napailing na lang si Nimfa sa inasal ni Angelo. Kahit papano kasi ay naunawaan niya ang alaga kung nagbago man ito. Labis nitong minahal si Candy kaya halos nawasak ng puso at mundo nito nang malaman na nagtaksil ito sa kanya at ang taong dahilan ng pagtataksil nito ay ang kapatid niya pa sa ina. "Kawawang Sir Angelo. Mukhang apektado pa rin siya, Inay. Hindi pa din siya naka move-on sa ginawa sa kanya ni Sir Emer at Ma'm Candy," sabi ni Tasya, at tinignan ang kanyang ina. "Itikom mo iyang bibig mo, Tasya. Ano mang opinyon mo ay isaliri mo na lang. Baka may makarinig sa 'yo," saway ni Nimfa sa anak. "Baka marinig ka ni Sir Emer, at magalit pa siya sa 'yo." "Oho, Inay," nahihiyang wika ni Tasya. Habang banas na tinungo ni Angelo ang garden. Agad na dinukot ang isang pakete ng sigarilyo mula sa likurang bulsa ng kanyang jeans. Kumuha siya ng isang stick mula doon, at mabilis na sinindihan. "Kailan ka pa natutong manigarilyo?" sabi ng isang familiar na boses. Napatigil si Angelo habang ang kanyang puso ay parang gustong kumawala. He misses that voice. "I'm asking you, Justin Angelo, kailan ka pa natututong manigarilyo?" Asar na bumaling si Angelo sa nagsalita, at galit na tinignan ito bago nagwika, "since the day you broke my heart and chooses my half-brother over me!" Napakurap ang babae. "Hindi mo ba talaga kami mapapatawad? Kung hindi mo ako mapatawad, kahit si Emer na lang. He was so affected." "Talaga, I doubt that. Mukhang hindi naman." "Mahal ka ng kapatid mo. At nais niyang maayos ang gusot sa gitna ninyong dalawa." "Hindi na maayos ang lahat. And don't you preach on me! Kung sana inisip mo iyon, before you open your legs for him, 'di sana hindi kami nasa ganitong sitwasyon. But you widely open your legs!" galit na wika ni Angelo, at masama siyang tinignan."You had ruined everything, the day you cheated on me. Okey lang sana eh, kung ibang tao ang pinatulan mo pero kapatid ko pa!" "Hindi ko sinasdya na umibig sa kanya! Believe me, saka hindi ko alam na magkapatid kayo sa ina," umiiyak na wika ng babae."Maniwala ka naman sa akin, Gelo." Umiling nang marahas si Angelo. "Save those crocodile tears, Candy. Dahil alam mo, from the beginning, na may kapatid ako sa ina. I even told you his name, kaya 'wag kang magkunwaring walang alam! You can't fool me, anymore." He yelled at her, and left. "Ibang pangalan ang ibinigay niya," humihikbing sabi ni Candy subalit hindi na iyon narinig pa ni Angelo. Napatingin na lang si Candy sa nagmamadaling si Angelo habang kusang dumadaloy ang kanyang mga luha If only hindi nagbunga ang isang gabing pagniig nila ni Emer, hindi siya sana aatras sa kasal. Subalit nagbunga eh. At ayaw niyang ipa-ako ito kay Angelo. May natitira pa naman siyang hiya sa kanyang saliri. Hindi naman siya ganoon kasama. Alam niyang mahal na mahal siya ng binata pero hindi niya maatim na ipaako ang bata. Samantalang halos hindi makapaniwala si Angelo nang makita kung sino ang lumabas sa opisina ng kanyang lolo. Halos nag-init at namula ang mukha niya sa galit nang magtama ang kanilang paningin. Ano ang ginagawa ng bastardo sa bahay ng kanyang lolo? "Kuya... " mahinahon na wika ni Emer. Mukhang katulad niya ay nagulat din ito nang makita siya. Subalit nilampasan niya lang ito at inismiran. Hinawakan naman siya nito sa braso. "Kuya, pwede ba tayong mag-usap pagkatapos ninyong mag-usap ni lolo?" Agaran niyang binaklas ang kamay ni Emer na nakahawak sa kanyang braso. "Wala na tayong pag-uusapan pa, Mr. Galledo," wika nito sa malamig na boses, at agad niya itong iniwan. Halos nanigas sa kinatatayuan niya si Emer. Hindi siya makapagsalita sa kanyang narinig. Mr. Galledo? Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga, at malungkot na lumakad palabas ng mansyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay. nakaramdam siya ng subrang galit sa sarili. Kung bakit kasi mas pinairal niya ang kanyang puso. Hindi niya man lang naisip na maaaring maging lamat ng kanilang magandang pagsasama bilang magkapatid, ang labis na pagmamahal niya sa kay Candy, ang babaeng nakatakdang pakasalan ng kapatid niya. Ngunit subrang binihag ni Candy ang kanyang puso. Labis-labis at hanggang langit niya itong minahal. At dahil sa pagmamahal na iyon ay nagawa niyang agawin ito at paibigin. Hindi niya na inisip na maaring niyang masaktan si Angelo, ang kapatid niya sa ina na tinanggap siya at minahal bilang tunay na kapatid, simula nang iniwan siya ng kaniyang ina sa poder nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD