"Wait... what do you mean by he will have my inheritance instead? Nasisiraan na ba kayo ng bait? Nakalimutan na ba ninyo na ako ang tunay ninyong apo, at hindi ang bastardo iyon!" pasigaw, at galit na galit na sabi ni Angelo. Napatayo siya sa subrang galit na nararamdaman niya.
"Don't raise your voice on me, young man," mahinahon ngunit tila galit na wika ni Don Luis sa kanyang apo. "Hindi pa nasisira ang aking ulo. Baka nakakalimutan mo nasa pangalan ko pa ang lahat ng ari-arian ng iyong ama. At maliwanag sa last will and testament niya na tanging ako lamang ang makapagdesisyon kung kanino ko ibibigay iyon."
Napailing si Angelo. "At ibibigay ninyo sa bastardo 'yon? Di ako makakapayag na mapunta sa kanya ang lahat ng pinaghirapan ng aking ama. Anak siya ni mama sa ibang lalaki at alam ninyo iyon. Kaya paano mapapasakanya ang aking mana?"
"Umupo ka't huminahon, Angelo," utos sa kanya ng kanyang lolo. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Malinaw na sa akin iniwan ng iyong ama ang desisyon kung kanino ko ibibigay ang kanyang ari-arian na naiwan."
Nanlaki ang mata ni Angelo. "Kilala ninyo ako Lolo. Kaya kong mabuhay ng walang mana, pero hindi ko maatim na ibigay sa walanghiyang lalaki na iyon ang pinaghirapan ng aking ama."
Pilyong tumawa si Don Luis lalo't nakikita niya ang subrang galit sa mukha ng apo. "Alam ko. Kaya kung ayaw mong mapunta kay Emer ang lahat ng pinaghirapan ng ama mo, gawin mo ang dalawang iuutos ko. Una, ang manirahan muli sa mansyon. Pangalawa, dapat may maipakilala kang asawa sa akin bago magpalit ang taon. Kapag nagawa mo iyan, ay mapapasayo ang lahat ng negosyo at ari-arian ng iyong ama. Maging ang mamanahin ni Emer ay ilalagay ko sa pangalan mo."
Napaupo si Angelo sa silya sa kabiglaan. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa. Oo, galit siya kay Emer pero ang kunin ang para sa kapatid mukhang hindi niya masikmura.
"Pag-isipan mong mabuti, Angelo," sabi ni Don Luis sa kanyang apo. "Hindi na mahalaga sa akin kung saan at paano mo nakilala ang babaeng iuuwi mo sa mansyon. Hindi na din ako magtatanong kung mahal mo ba siya o hindi, ang kailangan lang manirahan ka muli sa mansyon at may maipakilala ka sa akin na asawa."
"Hindi ko yata maatim, Lolo," nanghihinang wika niya. "Hindi ko yata kayang gawin iyon. I'm not that greedy, alam ninyo iyon."
Napabuntong-hininga na lang si Don Luis habang pinagmamasdan si Angelo. Tama nga ang sapantaha niya. Nasaktan lang ang kanyang apo pero hindi ito masamang tao. Siguro kailangan niya lang ipakita sa apo ang isang dokumento na magpapabago sa isipan nito. Binuksan niya ang drawer ng mesa niya saka kinuha ang dokumento. "Take a look at this," wika niya, at bahagyang sinulyapan ang apo. "Last will and Testament ito ng iyong ina."
Napatingin si Angelo sa kanya at sa papeles na kanyang hawak. "Last Will and Testament ni Mama? Kailan pa nagkaroon iyan? Pagkatapos ng tatlong araw mula ng mailibing natin si Mama, wala namang nabanggit si Atty. Homer na may Last Will and Testament siyang iniwan. Kundi paghahatian namin ni Emer ang lahat ng ari-arian niya ayon sa sinasabi ng batas."
Tumango si Don Luis. "Iyon din ang pagkakaalam ko. Pero pumunta ngayon si Emer. Dala-dala ito," saad nito, at winagayway ang papeles. "Ito daw ang huling habilin ng mama mo. Basahin mo baka sakaling ipaglaban mo ang iyong karapatan bilang nag-iisang tagapagmana ni Adrian. Baka sakaling mapukaw ka sa iyong kahimbingan na ang iyong kinikilalang kapatid ay isang ganid at ahas."
"Hindi ko ho kayo maunawaan, Lolo," nagugulumihang tanong niya.
"Kunin mo at basahin nang maunawaan mo ang sinabi ko."
Kunot-noong tinitigan siya ni Angelo. Napakabait ng kanyang lolo. Madalang itong magalit at magbitaw ng salita. Kaya alam niya na inis ito. Agad niyang kinuha ang papel na hawak nito at sinimulang basahin. Ang habilin ay sulat kamay mismo ng kanyang ina. At habang binasa. niya ito ay labis siyang nanghina.
Maliwanag sa papel na kapag hindi pa siya nagkaroon ng asawa bago sumapit ang ika-dalawampu't pito niyang kaarawan, ang lahat na pinundar ng ina ay mapupunta sa kay Emer, maging ang mansyon at mga negosyo ng kanyang ama.
Nanigas siya sa kinauupuan. Hindi niya mawari ang lahat. Nanginginig ang kamay at nanggalaiti ang kalooban.
"Hindi ito maari? Paano mapupunta sa kanya ang lahat maging ang mansyon! Ako ang tunay at lehitimong anak! Ako ang mas may karapatan sa lahat."
Nilapitan ni Don Luis ang kanyang apo. Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang balikat ng apo. "Kaya kumilos ka na, Apo. Ipaglaban mo ang iyong karapatan."
Naningkit ang mga mata ni Angelo. "Ipaglalaban ko talaga! Hindi ako makakapayag na mapasakanya ang lahat ng pinaghirapan ni Papa. Kay mama maari."
Mas lalong umapoy ang galit ni Angelo sa kapatid dahil sa nalaman. Sunod-sunod siyang napamura. Hindi niya sukat akalain na magagawa iyon ng kanyang ina.
Mabilis siyang nagpaalam sa kanyang lolo. "Aayosin ko lang ang lahat. Huwag kayong mag-alala. Isa akong Divinagracia. Hindi ako kailanman magpapalupig sa isang bastardo."
Pagkatapos niyang magpaalam ay agaran siyang umuwi sa kanyang bahay. Bahay na pinagpawisan niyang itayo.
Kung tutuusin hindi niya kailangan ang mana mula sa kanyang mga magulang. Kaya niya ng mamuhay na parang prinsipe sa laki ng kanyang kinikita mula sa coffee and mango plantation and exporting business niya.
Hilig niya lang ang magluto kaya nagpa-part time Chef siya sa may Leisure Hotel.
"Ay, nandito na pala kayo, Sir. Hindi pa po ako nagkapagluto," tarantang wika ni Badeth sa kanya. "Wait ho, Sir, ipagluluto ko po kayo ng makakain. Akala ko po kasi dadaanan pa kayo kay Don Luis."
Umupo si Angelo sa may L-shaped na sofa. "Huwag ka ng mag-abala pa, Badeth. Sa labas ako kakain. Pakiayos na lang ng guest room. At may bisita akong dadating. "
"Sige ho, Sir," sabi ni Badeth, at hindi maiwasan na tignan ang amo. Bahagyang nakaharap ito sa kanya, kaya hindi niya sigurado kung ito ba'y nakangiti o nakangiwi.
Subalit kung ano pa man iyon ay nagpapasalamat siya. Dahil sa nakalipas na limang buwan mula mg malaman ng amo na pinagtaksilan ito ng kanyang nobya ay bihira lang magkaroon ng expression ang mukha nito.
Napapaisip siya tuloy kung sino nga ba ang bisita ng kanyang amo?