Kanina pa naiinis si Angelo dahil hindi na naman siya sinipot ng nga ungas niyang pinsan. Busy sa paghahanap si Octavo sa kanyang minamahal na si Ranne habang si Jaxel naman ay sinumpong dahil inaway ni Alona, kaya hayun umuwi ng Espanya.
Napailing na lang siya sa love story ng kanyang pinsan. Ngunit nainis pa rin siya sa mga ito. Last minutes na kasi tumawag ang mga ito para sabihin sa kanya na hindi makakarating ang mga ito. Mabuti sana kung hindi pa siya nakapag-order ng pagkain, kaso makapili na siya.
Napatingin si Angelo sa pagkain na nasa lamesa. Sa dami nito ay hindi niya ito mauubos kahit pa paborito niyang putahe ang mga ito.
He blows a loud breathe. Saka biglang naisip na tawagan si Ninay. Ang babaeng halos nagpapangiti sa kanya nitong nakaraang araw. Paano kasi napakasimple nito, napakasipag at napaka-responsable. Lahat na yata ng pwedeng magagandang salita ay pwede ng i-describe sa babaeng iyon.
After Candy broke his heart. Si Ninay lang ang tanging babaeng nagpangiti sa kanya. Hindi dahil may gusto siya dito kundi talagang nakakaaliw ito. Minsan, nais niyang magpasalamat sa kay Jaxel dahil kung hindi dahil sa sekretarya nitong si Alona ay hindi niya makikilala si Ninay.
Or maybe masyado lang siyang humahanga sa kay Ninay. Mag-isa kasing binubuhay ng dalaga ang kanyang may sakit na ama, at bunsong kapatid.
Ayon kay Alona ay halos lahat ng pwedeng mapagkitaan na trabaho ay hindi pinapaltos ng dalaga. Minsan daw ay halos wala na itong pahinga.
Bigla niyang naisip ang sinabi ng kanyang Lolo. Kung ialok niya kaya ito kay Ninay. Batid niyang tatanggihan ito ng dalaga pero sa sitwasyon ng ama nito ay maaring mapapayag niya din.
Saka wala naman siyang ibang prospect na babae maliban sa dalaga. Natitiyak niya ding isang mabuting babae si Ninay na pwede niyang irampa sa alta-syudad. May natatanging ganda ang dalaga, maka-Diyosang katawan, makinis na kutis at nakakaakit na ngiti. Plus, he's certain na NBSB ito.
With that thought, he immediately dialed her number. Ngunit naka-apat na siyang tawag ay hindi pa rin sumasagot ang dalaga. Kaya ayon, napagpasiyahan niyang ipabalot na lang ang pagkain. Tinawag niya ang pansin ng waiter, at sinabihan ito na ibalot ang lahat ng pagkaing nasa mesa. Tumango lang ito, at agad na nilagay sa tray ang lahat ng putahe saka dinala sa may kusina. Habang binabalot ang in-order niyang pagkain ay tumungo siya sa counter at bumili ng isang buong peanut caramel cake.
Nang maiabot na sa kanya ang mga supot ay agad na tinungo niya ang kanyang kotse.
He was about to hop in into his car when he saw Candy and his brother, sweetly talking to each other. His mood suddenly went sour.
Nagaganlaiting naikuyom niya ang kanyang kamay.
"Mga hayup!" tangis bagang niyang sabi. Nanginginig ang katawan na sumakay ng kanyang sasakyan. Nang nakaupo na siya sa driver seat ay basta niya na lang ipinatong ang kanyang ulo sa may manibela, at hinayaan ang saliri na kumalma.
It's been five months simula nang natuklsan niya ang kahayupan, at pangloloko sa kanya ng dalawa.
Limang buwan din siyang naging pariwara, at nagpakalunod sa alak.
Ang pag-aakala niya ay sapat na iyon. Na dapat ay natanggap na niya ang lahat.
But here he is... still broken and seems could not move on.
Maybe because he loved Candy so much. He gave her his everything, his attention, time, money, and his heart. He even sent her to school and support her tuition.
Pero kulang pa rin ito kay Candy. Naghanap pa rin ito ng iba. At ang masaklap ay ang kanyang kapatid pa sa ina ang nahanap.
At ang pinakasakit sa lahat ay ang sabihin ni Candy na kaya siya nito iniwan dahil he can't never satisfy her in bed kumpara s sa kanyang kapatid. Mas wild and aggressive daw si Emer sa kama.
"Nakakagago lang! Ang kapal-kapal ng mga mukha," sabi niya, at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha.
Subrang sakit pa rin ang lahat para sa kanya Tahimik siyang napahikbi. Gusto niya mang manakit ng tao ay hindi niya magawa.
Naalala niya pa ang kagustuhan niyang kitilin ang kanyang buhay. Ngunit pinigilan siya ng dalawa niyang pinsan. Pinangaralan pa siya ng mga ito na isang kasalanan daw ang kanyang gagawin. Na dapat ay matakot siya sa Diyos.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago pinaandar nang paharurot ang sasakyan.
Alam niyang over speeding ang ginagawa niya pero hindi niya ito inintindi. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang makaalis sa lugar na iyon.
Mga ilang minuto din na binabaybay niya ang kalsada na walang patutunguhan. It was only when his phone rings that his sanity came back.
Agad niyang sinagot ang tawag ngunit hindi siya nagsalita.
"Oy Justin, bakit ka napatawag? Sorry, nasa kitchen ako. Alam mo na, naghuhugas ako ng pinggan," dinig niyang sabi ni Ninay. Saglit itong tumahimik. "Teka, parang nagmamaneho ka. May problema ka ba? Uy magsalita ka nga diyan." Nang hindi pa din siya umimik ay naramdaman niyang naiinis na ang dalaga sa kanya. "Mukhang pipi yata itong kausap ko. Sige, kapag hindi ka pa umimik diyan, papatayin ko itong tawag. At huwag kang makatawag-tawag sa akin, letse ka!"
Sa tinding inis ay mabilis na pinatay ni Ninay ang tawag. Napakabilis na hindi na magawang magsalita pa ni Angelo.
"Nainis ko yata ang bruha," natatawang niyang sabi, at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Hindi niya na tinangka pang tawagan ang dalaga. Alam niya naman kung saan ito pupuntahan. Nasa PH lamang ito, at naghuhugas ng pinggan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na siya sa PH. Sakto naman ang pagdating niya dahil palabas na si Ninay sa may nasabing restaurant.
Binusinahan niya ito para sana patigilin. Natandaan yata ng dalaga ang kanyang minamanehong kotse kaya umiwas ito agad, at nagmamadali itong naglakad palayo. Pero dahil mas matinik siya sa dalaga ay agad niyang pinatakbo ang kotse palampas kay Ninay, at basta na lang hinarang ito sa may Exit.
Madaming sasakyan tuloy ang nagsipagbusina.
Habang siya naman ay cool na cool na ibinaba ang bintana ng driver seat. Ningitian niya si Ninay, at kinawayan. "Hi bwisitful, ayaw mo ba ng libreng sakay?" tudyong sabi niya, sabay kindat sa dalaga, na deadma lang sa pang-iinis niya. "Huwag kang magpakipot pa. I really need a friend."
Itinaas ni Ninay ang dalawa niyang kamay bago nagkibit balikat. Nagsenyas pa ito na hindi siya naririnig.
Napangiti siya nang malapad. "Sumakay ka na. Libreng sakay, libreng food at libreng groceries. Ayaw mo pa. Minsan lang ito kaya 'wag ka ng mag-atubili. Only for today. Kaya ano pa ang hinihintay mo. Sakay na nang makaalis na tayo."
Dahil sa nakaharang ang kotse ni Angelo sa may Exit, ay marami nagagalit. Panay pa ang busina ng mga ito na para bang hinihintay nila iusad nito ang kotse. Napilitan tuloy si Ninay na sumakay.
"Peanut, put your seatbelt please," malambing na wika ni Angelo sa kanya nang makaupo na siya nang maayos sa may shotgun seat.
She just narrowed her eyes. "Pa-pe-peanut peanut ka diyan, iprito kitang sweet corn ka eh!"
Natawa lang si Justin. "At least nakakabusog at masarap ang sweet corn. Hindi tulad sa peanut butter na nakakaumay."
Well, mahilig si Ninay sa peanut butter, habang siya naman ay mahilig sa sweet corn.
"Libre ka ba this weekend?"
"Full pack ako." Puno ng kuryusidad na napatingin si Ninay sa kanyang mukha. "Bakit parang umiyak ka?" tanong nito sa kanya.
"Mahabang istorya," sabi nito, at bahagyang sinulyapan ang dalaga. "Kamusta na pala ang Itay mo?"
Napatingin si Ninay sa labas ng kanyang bintana."Medyo hindi pa, Okey. Kaya nga halos magmakaawa na ako kanina kay Chef Maddox na pa-extra-hin ako sa kusina. Wala na din kasi akong maasahang racket ngayon, naka pirmi na si Alona kay Sir Jaxel."
"Sabi ko naman kasi na hindi mo naman kailangan magpakahirap. Just say Yes to me, Sweetheart. Solve na lahat iyang problema mo."
Nanatiling nakatingin sa labas si Ninay. "Bakit ba ako ang pinupuntirya mo ha? Ang daming babae diyan. Alam kong nagkakandarapa silang pumayag sa gusto mo."
"Ayaw ko sa kanila. I don't know them. Laspag na sila. Saka pera, katanyagan, at katawan ko lang ang nais nila. Hindi tulad mo wala kang damdamin para sa akin. Saka ikaw ang tipo ng babaeng papasa sa standard ni Lolo."
Napabaling si Ninay sa kanya. "Ako papasa sa standard ng lolo mo? May sira ba iyang utak mo? Mahirap pa ako sa daga, at hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ang layo ng ating agwat sa buhay. Huwag na ako, kasi tiyak na magsisisi ka lang balang araw."
"Hindi ganoon ang lolo ko," kampanteng wika ni Angelo. "Ah, basta ikaw ang gusto ko. Maliban sa ikaw lang ang babaeng tumatawag sa akin na Justin ay nais kitang tulungan. You need money, and I need a wife."
"Tumigil ka nga sa walang kwenta mong alok. Sagrado ang kasal para sa akin. Saka I'm a hopeless romantic na tao. Nais kong maikasal ng may pag-ibig hindi ng dahil lang sa pangangailangan."
"Pag-isipan mo muna. Malayo pa naman ang birthday ko. So no need to rush," mahinahon wika ni Angelo. "May pagkain pala akong dala. May cake din. Pwede bang kumain sa inyo. Wala akong kasabay sa condo."
"Sige pero 'wag kang maghanap ng magagandang kubyertos at babasaging pinggan at baso. Puro plastic ang gamit sa bahay."
Napatingin na lang si Angelo sa kanya bago napahalakhak nang mahina. "Mabuti't hindi ka nahawa sa kaplastikan ng mga gamit ninyo sa bahay."
"Ay, hindi kasi may pangkuntra ako sa kaplastikan. Saka tanging mga gamit lang ang pwedeng maging plastic sa loob ng bahay. Hindi ako kasali doon."