Chapter 5

2053 Words
Kanina pang pasulyap-sulyap si Angelo sa babaing katabi. Malayo naman kasi ang tingin nito. Maliban doon ay panay pa ang pagbuntonghininga ng dalaga na para bang pasan nito ang mundo. Hindi niya tuloy maiwasang 'wag mag-alala. Bakit nga ba hindi niya kayang tiisin ito na makitang namomroblema? Napaisip si Angelo kung ano na naman ang bumabeagabag sa isipan ng dalaga. Pera? Trabaho? Gamot ng ama? Ito lang ang naiisip niyang pwedeng maging suliranin ng dalaga. "Magkano ba ang isang araw mo?" bigla niyang tanong sa kay Ninay. Nais niyang kahit papaano'y makatulong sa dalaga. "Halimbawa kung aalokin kitang maglinis ng bahay ko. Magkano ang iuupa ko sa 'yo?" Naguguluhan man si Ninay sa tanong niya ay sinagot pa rin ng dalaga ang kanyang katanungan. "Ah, one thousand per day kapag general cleaning. Kapag linis lang five hundred." Biglang napakunot ang noo ni Ninay na bumaling sa kanya nang maarok na nito ang sinabi niya. "Teka, bakit mo naitanong?" Saglit siyang tinignan ni Angelo bago muling itinuon ang tingin nito sa kalsada. "May bisita kasi akong dadating sa condo. Kailangan ko ng tagapaglinis." Puno ng pagtatakang sinulyapan siya ni Ninay. "Hindi ba't may maid ka na? Ano bang pangalan niyon? Badeth ba?" "Umuwi siya ng probinsya. May kailangan daw siyang asikasuhin," pagsisinungaling ni Angelo. Ang totoo'y hindi naman umuwi si Badeth sa probinsya, pinahiram niya lang ito kay Jaxel dahil may sumpong si Alona, at hindi makausap ng kanyang pinsan. "Ah, mag-grocery muna kaya tayo. May malapit na convenient store diyan sa kanto." pag-iiba niya. "Pwede bang bukas ka na mag-grocery? Pagod na ako, saka baka hinihintay na ako nina Itay. Daan pala muna tayo ng botika. Bibili lang ako ng gamot ni Itay at ni Totoy." "May sakit din si Benjamin?" tanong ni Angelo sa kanya habang nakatuon ang mga mata sa kalsada. "Pansin ko mukhang madalas yatang magkasakit si Benjamin." "Ewan ko ba sa batang iyon. Ilang araw nang iniinda sa akin ang sakit ng tagiliran niya. Hindi ko na alam tuloy ang aking gagawin. Naubos na nga din ang pain reliever na binigay ni Kuya Francis." Wala sa sarili na napabuntunghining si Ninay bago napatingin sa may kalsada. "Di humingi ka ulit." "Ayoko nga! Nahihiya na din akong humingi. Ang dami ng naitulong ni Kuya Francis sa akin." "Dapat ipinasuri mo si Benjamin sa isang espesyalista," suhestiyon ni Angelo. Bigla nitong inihinto ang sasakyan sa may harapan ng isang botika. "Akin na ang resita, at ako na ang bibili." Ibinigay ni Ninay ang resita maging ang pera sa kay Angelo. "Tig sampo bawat isa," bilin niya pa sa dito. Tumango lang ito, at agad na bumaba ng sasakyan. Nakita ni Ninay na pumasok ang binata sa loob ng botika, at agad na kinausap ng isang saleslady. Makalipas ang mahigit twenty minutes ay bumalik na si Angelo. Agad itong sumakay ng sasakyan. Nang makaupo na ito ng maayos ay inabot sa kanya ang isang brown na supot na naglalaman ng mga gamot bago pinatakbo muli ang sasakyan patungong main road. "Salamat. Angelo. Alam mo balak ko talagang ipasuri si Totoy sa isang espesyalista, kaso kaunti pa lang ang naiipon ko sa kinita ko nitong Linggo. Hindi pa sapat iyon para pambayad sa doktor," malumbay na wika ni Ninay. "Huwag ka ng malungkot diyan. Hayaan mo bukas na bukas din ay dadalhin natin si Benjamin sa doktor," walang pag-atubili wika ni Angelo, na para bang desidido na ito ipagamot ang kanyang kapatid. Akmang aalma siya nang biglang hinawakan muli nito ang kanyang kamay. "Oh, 'wag ka ng kukuntra. Para sa kabutihan ni Benjamin ito. Kapalan mo na din ang mukha mo nang hindi ka na mahiya sa akin." "Pero Angelo..." "No, buts, Niña Louise. Ipapa-check up natin si Benjamin bukas sa ayaw at gusto mo. At 'wag mo na din isipin ang perang ibabayad sa konsultasyon ni Benjamin. Abonohan ko mula, ikaltas ko na lang sa sahod mo. Pagtratrabahoin kita sa condo ko." "Pero nakakahiya na sa 'yo, Angelo. Hindi ko pa nga nababayaran ang huli kong inutang sa 'yo, tapos madagdagan na naman ang listahan. Hindi naman yata tama na lagi mo na lang akong pinapahiram. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo, na inaabuso na kita." Hinawakan ni Angelo ang kamay ni Ninay. Mabilis na napatingin si Ninay sa binata habang si Angelo naman ay malamlam na sinulyapan ang una. "Walang akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba o ng pamilya ko. To hell with them. And I care less. You need help, at nais kitang tulungan. Kaya sana hayaan mo akong tulungan ka. Isa pa'y hindi naman ito libre dahil pagtratrabahoan mo naman ang lahat. Tungkol naman doon sa dati mong hiram, 'wag mo munang intindihin iyon. Pero kung gusto mong makabayad ng mabilis, then come with me. Tutungo ako sa Guimaras nitong Sabado." "Guimaras? At ano ang gagawin natin doon? At ilang araw naman tayo doon ?mamalagi?" "May monthly site inspection ako doon. I need a secretary for two days," payak niyang tugon, at pinakawalan ang kamay ni Ninay. " "Sige, magpapaalam ako kay Itay." Napangiti si Angelo, at maingat na pinarada ang dalang sasakyan sa may tabi ng makitid na daan papasok kina Ninay. Agad niyang kinuha sa may backseat ang kahon na naglalaman ng cake, habang si Ninay naman ay dinampot ang mga nakasupot na pagkain. Malayo pa sila ay natanaw na sila ni Totoy. Nagmadali itong lumapit sa kanila. "Ako na ang magdadala niyan, Ate," sabi ng kapatid bago binati si Angelo. "Magandang gabi, Kuya." "Magandang gabi din sa 'yo, Benjamin," nakangiting bati ni Angelo sa kapatid niya. "Kumain na ba si Itay?" tanong niya naman dito. "Opo, Ate. Pumunta dito kanina si Nanay Sally at si Ate Alona. May dala po silang pagkain para kay Itay. Sabi pa ni Ate Alona tawagan mo daw siya pagkarating mo." "Low battery ako kanina. Hayaan mo pupuntahan ko na lang siya mamaya sa resthouse," paalam niya sa kay Totoy. Nang makapasok na sila ni Angelo sa loob ng bahay ay pinaupo siya ni Ninay sa kahoy na upuan. "Pasensya ka na ha, at magulo ang bahay," nahihiyang sabi ni Ninay kay Angelo nang mapansin ang nakakalat na mga damit at pamunas ng likod ng ama sa may salas. Isa-isa niyang niligpit ang mga ito. "Umupo ka muna. Magpapa-init lang ako ng tubig. Gusto mo magkape?" "Yes, black coffee mayroon ka? Saka 'wag mo akong alalahanin, I'm your future husband, kaya 'wag mo mo akong tratohin na bisita," pilyong wika ni Angelo, at prenteng umupo sa may upuang kahoy. "Sanay ako sa hirap. Kaya wala kang dapat ikabahala." Isinampay niya sa kanyang braso ang mga pinulot na damit at pamunas bago pumalandit na tinignan ang binata. "Huwag ka ngang sinungaling Justin! Ikaw? Laki sa hirap? Huwag mo akong bilugin. Baka nga hindi ka pa nakaranas ng hirap sa tanang buhay mo. Eh, sa limpak-limpak na kita mo sa coffee and mango plantation mo, isama mo pa ang kita mo sa export business mo, kahit siguro tumambay ka pa ng isang dekada ay mabubuhay ka pa din ng marangya. Hindi tulad ko na isang araw lang ako magpahinga sa bahay, wala na akong isasaing kinabukasan." Gitlang tinignan siya ni Angelo. Hindi nito inaasahan na may alam ang dalaga sa buhay niya. Sa kanyang pagkakatanda ay hindi niya pa nabanggit kay Ninay ang kanyang pinagkakakitaan, kaya paano nalaman ng dalaga ang lahat ng ito? "Ah... hindi sinasadyang sinabi ni Si Octavo sa akin," wika ni Ninay na para bang nabasa nito ang kanyang isipan. "Dito ka muna ha." Iniwan ni Ninay si Angelo sa may salas para tumungo ng kusina at magpakulo ng tubig. Pinapunasan niya na rin ang mesa nang maigi sa kay Totoy habang inilabas sa tukador ang ilang babasagin pinggan nila. Hindi naman totoo na halos plastic ang mga pinggan nila, may iilang babasaging din sila. "Ang dami naman ng pinamili ninyong ulam, Ate. Kung tabihan ko kaya si Itay at i-ref doon kina Ate Gwendolyn. Okey lang po ba?" Napangiti si Ninay nang tipid habang pinagmamasdan ang kanyang bunsong kapatid. Masyadong maalalahanin talaga ito pagdating sa ama nila. "Oo, pwede naman." Napaangat ng tingin si Totoy. "Eh, hindi po ba magagalit si Kuya Angelo?" Ginulo ni Ninay ang kanyang buhok. "Bakit naman siya magagalit? Eh, ibinigay niya na 'yan sa atin. Saka hindi naman madamot na tao si Kuya Angelo mo." "Alam ko naman, Ate, na mabuting tao si Kuya Angelo," sabi ni Totoy, at napangiti nang malapad. Kumikislap pa ang mga mata nito "Ang totoo niya'y gusto ko siya para sa iyo. Sagutin mo na kasi, Ate." Dahil sa kabiglaan ay pinandilatan niya ng mata ang kapatid. "Huwag ka ngang malisyoso, Totoy. Itikom mo iyang bibig mo baka marinig ka niya. Nakakahiya sa tao lalo't magkaibigan lang kami. Saan mo ba napulot na nanliligaw siya sa akin?" "Sorry ho," humihingi ng paumanhing sabi ni Totoy sabay kamot sa kanyang ulo. "Kala ko kasi ho nanliligaw si Kuya Angelo sa 'yo. Narinig ko kasi minsan na sinabi niyang sagutin mo na siya nang hindi ka na mahirapan." "Ay naku po, trabaho ang pinag-uusapan namin. Iyan ang napapala mo sa pakikinig ng usapan ng may usapan. Mali tuloy ang pagkaunawa mo," saway niya sa kapatid habang tumitimpla ng kape ni Angelo. "Sorry na po, Ate. Hindi na po mauulit. Huwag na po kayong magalit." "Oh siya, hindi na galit si Ate," wika ni Ninay, at ningitian ang kapatid bago inilagay sa may gilid ng isang pinggan ang kapeng tinimpla niya. "Tawagin mo na si Kuya Angelo mo, at nang makakain na tayo." "Hindi na kailangan. Nandito na ako," saad ni Angelo, at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Agad na pumintig ang puso ni Ninay nang magtama ang kanilang paningin. At sa unang pagkakataon ay napansin niya na may isang biloy pala si Angelo sa kanang pisngi nito. "Alam ko naman gwapo ako, Ninay, kaya tama na iyang kakatingin mo sa akin nang matagal na para bang in love ka sa akin," pilyong saad ni Angelo, at hinuli ang kanyang tingin. Biglang naningkit ang mata ni Ninay. "Feelingero! Umupo ka na nga nang makakain na tayo."mñ Tumawa lang si Angelo. "Ben, pakipot talaga itong Ate mo. Ayaw pa aminin na nai-in-love na sa akin." "Isa pa, Justin. Mababato na kita ng pinggan. Baka maniwala iyang kapatid ko sa 'yo." "Biro lang iyon, Benjamin. Ininis ko lang itong Ate mo." "Bakit hindi po ninyo totohanin?" Masamang tinignan ni Ninay ang kapatid. "Tumigil ka din, Benjamin ha. Baka gusto mong ibuhos ko sa 'yo itong kape na tinimpla ko." Pasimpleng ningitian ni Angelo ang kanyang kapatid habang siya naman ay agad na pinagsandukan ang kanilang mga plato ng kanin. Naging masaya, at magulo ang hapunan nilang tatlo. Maliban sa panay ang tukso ni Totoy sa kanilang dalawa ni Angelo, panay din ang pagkwento nito ng kanyang paghihirap. "Bakit ka tumigil ka sa pag-aaral?" agad na tanong ni Angelo sa kanyang kapatid nang malaman nito ang paghinto ng kapatid. Malumbay na tinignan ni Totoy si Angelo. "Nais kong tulungan si Ate. Simula nang iniwan kami ni Inay. Hindi ko na nakita na tumigil siya sa paghahanapbuhay. Naaawa ako sa kanya dahil lahat na lang ng klaseng trabaho ay pinapasukan niya. Hindi na siya nagpapahinga nang maayos, minsan kahit gabing-gabi na ay may ginagawa pa din siya. Mas dumuble ang sipag niya nang magkasakit si Itay. Lalo siyang naging abala. Kaya kahit hindi man niya sabihin, alam kong pagod na pagod na siya sa kakatrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit ako tumigil ng pag-aaral nang sa gayon ay matulungan ko man lang siya kahit sa papaanong paraan. Kung maalagaan ko nang maigi si Itay, alam kong makapagtratrabaho siya nang maayos." Napaluha si Ninay sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na ramdam na ramdam pala ng kapatid ang lahat niyang paghihirap. "Kung gusto mong mag-aral muli. Sabihin mo lang. At pag-usapan namin iyan ni Ate mo," saad ni Angelo, at pasimpleng sinulyapan ang dalaga. "Ayoko siyang pangunahan pero kung nais mo talaga, gagawa tayo ng paraan. Pwede kitang kunan ng tutor." "AngeloJustin, please 'wag mong sabihin iyan. 'Wag mong paasahin ang kapatid ko. Wala akong ibabayad sa 'yo." "Hindi ko siya pinapaasa, kaya kong gawin iyan," sabi ni Angelo, at ngumiti. "Pero syempre si Ate Ninay mo pa din ang magdedesisyon at masusunod." "Saka na po, Kuya, kapag gumaling na po si Itay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD