Huwebes ngayon kaya nasa may hardware siya, at nag-e-extra bilang sales lady. Ganoon naman ang buhay niya. Madami siyang trabaho pero hindi lahat ay permanente. Sa loob yata ng isang linggo ay may apat o lima siyang trabaho. Mabuti't mayroon siyang may magandang loob na mga kakilala na pwede niyang pasukan kahit anong oras, at isa na dito si Aling Cora, ang kaibigan ng kanyang yumaong ina. Yumaong ina? Natawa siya sa takbo ng kanyang pag-iisip. Hindi naman siguro masama na ipagpalagay niya na yumaon na ang kanyang ina dahil kung tutuusin ay talagang pinatay na sila nito. Iniwan sila, at ipinagpalit sa marangyang buhay. Iniwaglit niya ang pag-iisip sa kanyang ina. Para sa kanya hindi na dapat iniisip ang mga taong nang-iwan sa inyo. Inabala niya ang kanyang saliri sa pag-aayos ng m

