They all let out a relief sigh when Jaxel and Angelo went out the penthouse. "What have we done?" tanging tanong ni Leonila sa kawalan. "Kasalanan mo ito, Arthur." "At bakit ako?" naguguluhang tanong ng ama ni Jaxel. "Because it was your idea, Sweetheart," sabi naman ng kanyang asawa na si Lyanna. "Hindi lang si Gelo ang galit ngayon sa atin kundi maging si Jaxel na din. And you know your son." "Ang inaalala ko lang ay kapag nalaman ito ni Octavo ay magagalit din iyon sa atin," sabi ni Elbert. "He will surely cursed at no end." Napabuntong hininga na lang si Lyanna, at sumandal sa balikat ng asawang si Arthur. "Tama ka. Alam naman natin kung gaano kalapit ang tatlong iyon. Hindi man sila masyadong nagkakasundo pagdating sa ilang bagay pero hindi naman matitinag ang kanilang samah

