Nagulat man ngunit hindi maiwasan ni Angelo na mapangiti nang makita niyang ang kanyang Tia Leonila at Tito Elbert na may hawak-hawak na bulaklak sa bakuna ng pintuan ng kanyang penthouse. Nasa likuran ng mga ito ay ang mga magulang ni Jaxel na sina Tia Lyanna at Tio Arthur niya. "Where's the beautiful lady?" usisa ni Elbert sa kanyang pamangkin na ikinalapad pa lalo ng ngiti ni Angelo. "She's in the living room, talking to her dad," sabi ni Angelo, at naglakad nauna sa kanila. "Peanut, they're here." Tinabihan niya si Ninay at ipinakilala ang kanyang mga tiyuhin at tiyahin. Mabilis na ngumiti at tumayo si Ninay nang makita ang mga magulang ni Jaxel at Octavo. Kilala niya ang mga ito, at kilala din siya ng mga ito. Kaya laking gulat ng mga ito na mapagtanto na siya ang babaeng sinasabi

