Ilang saglit pa ay pinapasok sila sa kwarto kung saan naghihintay si Doctor Champ. Iniisip ni Ninay na may edad na ang kaibigang doctor ni Angelo ngunit napanganga siya nang makita niya ay isang chinito, gwapo, at halos kasing edad lang din ni Angelo. "Mabuti naman at nandito ka na," sabi ng doctor sa kay Angelo, at agad na napatingin sa kay Ninay. "Siya ba ang ipapalit mo kay Candy." "Nope, she's just my dear friend," dinig niyang tugon ni Angelo. Napataas ang kanyang kilay habang nakatingin kay Angelo. Akala niya ba kailangang paniwalain nila ang kaibingang doctor na may relasyong sila?! Eh, bakit kabaliktaran yata ang ginagawa ng binata? Sabagay sino ba ang magnanais na maging kasintahan siya kundi ang isang mahirap na kagaya niya, at hindi ang isang tulad ni Angelo. "I'm not buy

