Dalawang araw na walang text messages o' tawag si Angelo sa kanya. Siya ang taong marunong umunawa, at marunong din magdamdam. "Kung ayaw mo, 'di 'wag!" inis na sabi niya sa kanyang isip, at nagpasiya na lamang na magtrabaho na. Wala naman siyang mapapala kung hihintayin niya si Angelo na parang nawalan ng pang-unawa sa kanya. Sabagay, paano nga naman siya mauunawaan ng binata, hindi naman nito kahit minsan naranasan na mawalan ng pera o malubog sa utang. The guy is born rich, hindi tulad niya na ipinaglihi at ipinanganak sa utang! Ang laking pasalamat niya dahil sa kabila ng lahat ay may kaibigan siyang Alona, na kung makahanap ng kliyente ay malakas pa sa bagyong Juan. Madami siya tuloy nakilalang mga mayayamang mapagkawang-gawa, at handa siyang bigyan ng part-time job. At tulad

