Nagpasalamat si Ninay dahil sa wakas ay makakalabas na sila ng hospital. Binigyan na sina 'Tay Vicente at Benjamin ng clearance para ma-discharge. Inabilin din sa kanila ang gamot, at kung kailan ang check up ng bawat isa. Pati ang mga dapat iwasang pagkain ay hindi makaligtaan ipaalala sa kanya. "Ate, tinawagan mo na ba si Kuya Angelo?" masiglang tanong ni Benjamin sa kanya. "Ah, hindi tayo masusundo ni Kuya Angelo mo. May importante siyang meeting ngayon. Dadalaw na lang siya mamaya daw," tugon niya, bago bumaling sa kanyang ama na kahapon pa tahimik. "Hintayin lang natin si Edmund." Tinignan siya nang makahulugan ni Vicente kaya mas lalo siyang kinabahan. Mukhang galit pa din ang kanyang ama. Hindi niya naman masisi ang kanyang ama kung magalit ito. Nakita pa naman siyang masidhin

