Simula ng dumating sila ni Benjamin mula sa hospital ay makailang beses niya ng pinadalhan ng text message si Angelo ngunit ang damuho ay hindi man lang nag-reply kahit isa. Hindi niya tuloy maayos-ayos ang paglalaba dahil sa kabalisahan niya. "Naku, Niña, 'wag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang damuhong iyon. Kung ayaw niya makinig sa 'yo, let him be! May naghihintay pang kabahayan sa 'yo para linisan mo. At kailangan mo pang magluto para makakain na ang mga pasyente mo," paalala niya sa kanyang saliri, at basta na lang pinatay ang kanyang telepono. Wala naman kasing nagsabi sa kanya na kasing bugnutin din si Angelo ng pinsan nitong si Jaxel. Iyan ba ang kalse ng lalaking mapapangasawa niya kung sakaling pumayag siya sa alok nito? Masyadong matampuhin at tinitiis siya. Napailing

