Nakatingin si Ninay sa mga building na nasa paligid nang lumapag ang sinasakyang chopper sa helipad ng isang high rise condominium complex. Napakunot siya ng noo nang mapagtanto na pagmamay-ari ni Jaxel ang nasabing complex. Hindi siya maaring magkamali dahil nailarawan na ito sa kanya ni Alona. Napaisip siya tuloy kung ano ba ang gagawin nila dito. Kakain ba sila or bibilhin si Angelo? Hinayaan niyang alalayan siya ni Angelo pababa ng chopper. His arm instantly held her small waist when they set foot the rooftop. "May kukunin lang tayo dito," pabulong pang paalam nito sa kanya nang tuluyan ng nakaalis ang sinakyang chopper. "Come, and see my penthouse suite." She arched an eyebrow before speaking out her thoughts. "May penthouse ka dito? Hindi ba't pag-aari ito ni Sir Jaxel?" Ngu

