Bumalik si Ninay sa paglilinis ng kabahayan kahit sinabihan siya ni Angelo na manatili na lang siya sa bahay nila. Kailangan niyang kumilos, at isa pa, hindi pa naman sila kasal na dalawa. Hindi naman siguro masama kung bumalik siya sa pagtratrabaho. Kailangan niya ding kumita. Kaya heto siya ngayon, nililinis ang bagay ni Christian. No erase, mansion pala. Hindi naman siya nahirapang maglinis dahil bukod sa kumpleto ang kagamitang panglinis ay may mga iba pa siyang kasama na naglilinis ng bahay. At hindi lang sila sampu kundi mahigit sila trenta. Nang una, nalilito siya kung bakit kailangan pa siyang isama ni Kuya Christian niya sa bilang ngunit ngayon ay naunawaan niya na. Christian is hiding something. At wala sa siyang kaalam-alam na malalaman niya din sa araw na iyon. "Mamaya

