Malalim na ang gabi, at gising pa din ang kanyang diwa. Hindi niya alam kung ang malakas na aircon ba o malambot na kama ang dahilan kaya hindi siya makatulog. Malawak ang kwarto na kanilang tinutuluyan ni Claire. Maganda ang interior design ng kwarto, at maging ang bed nito. May sofa, tv at refrigerator. Wala sa saliring napaupo siya sa kama. Isinandal niya ang kanyang likod sa headboard ng bed, at pilit na pinipikit ang kanyang mata sa pag-asa na dalawin siya ng antok. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya inaantok. Napatingin siya sa kinaroroonan ni Claire. Mukhang napagod ito kaya natulog ito kaagad. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang maganda at mala-anghel na mukha ng kaibigan. Hindi na din siya magtataka kung bakit nabighani si Kuya Christian niya kay Claire. M

