NOAH: NAPAPANGUSO akong nagtungo sa hospital. Ngayon kasi makakalabas si Marga. Isinabay ko na rin ang binili ni Kuya Delta na wheelchair nito. Kahit matamlay ako na limitado lang ang naging bonding namin ni Noel ay pilit kong pinapatatag ang sarili at umaaktong normal. Lalo na ngayong papunta ako kay Marga para sunduin ito sa hospital. Minsan ay gusto ko ring komprontahin si Marga pero. . . natatakot kasi ako sa kaya niyang gawin. May mental disorder si Marga na kapag hindi nakuha ang gusto ay nagiging biolente ito. Kita naman iyon na dalawang beses na niyang pinagtangkaan ang buhay niya dahil sa pag-ayaw ko sa kanya. At natatakot akong baka sa susunod ay matuluyan na siya. Napahinga ako ng malalim na pasulyap-sulyap sa cellphone ko. Gusto ko sanang tawagan si Jen pero nag-aalangan ako

