JENELYN: NAALIMPUNGATAN ako na may sunod-sunod na nagdo-doorbell sa pinto gayong pasado hatinggabi na. Mabuti na lang at nahihimbing na si baby Noel na mukhang napagod sa maghapon nilang pamamasyal ni Joleen. Nagsuot ako ng lace robe ko na terno ng suot kong nighties silky strapless dress na sobrang nipis at iksi bago lumabas ng silid ko. Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko na inaantok na nagtungo sa may pinto. "Sino ba itong letcheng 'to? Gabing-gabi na nambubulabog," ingos ko na napasilip sa peephole ng pinto. "Oh my God! Anong ginagawa niya dito!?" bulalas ko na masilip. . . si Noah! Biglang nagising ang inaantok kong diwa na masilip itong nandidito bigla! Pinagpawisan ako ng malapot na parang magigiba na ang ribcage ko sa lakas ng kabog ng puso kong nandidito ang hudyong ito.

