JENELYN: NANGUNOTNOO ako na maramdamang may mabigat na bagay na nakasapo sa kaselanan at dibdib ko. Parang namamanhid na nga ang katawan ko sa pangangalay. "Uhmm." Mahinang ungol ko na dahan-dahang nagdilat ng mga inaantok kong mata. Napakurap-kurap pa ako na nag-init ang mukha na mabungaran ang anak ng tokwang Noah na. . . nakasubsob sa dibdib ko habang nakasapo ang malaking kamay sa kiffy ko! Napasilip ako dito na nahihimbing pa rin at mahinang humihilik na komportableng komportable pa ito na tanging brief lang ang salawal! Shemmay! May namagitan ba sa amin kagabi!? Napatampal ako sa noo na mariing napapikit habang iniisip kung may namagitan ba sa amin maliban sa pag-uusap namin at pagpayag kong makitulog siya sa amin. "Hoy, Madrigal. Akala ko ba gusto ko ba yakap lang, ha? Inisa

