THIRD PERSON POV: KABADO si Jen habang lulan sila ng limousine kasama ang anak, ang Yaya nito at si Haden Madrigal na siyang sumundo sa kanila dahil abala na ang lahat sa mansion para sa birthday party ni Mr Dwight Madrigal. Sinundo naman ni Noah si Marga at mga magulang nitong sina Mr Devon at Mrs Shantal Smith na mga magulang ni Marga kaya hindi nito nasundo ang mag-ina niya. Kinausap kasi si Noah ng mga kapatid nito na imbitahan si Jen sa birthday ng kanilang ama. Kaya kahit ayaw sana nito ang idea ng mga Kuya niya dahil posibleng magkagulo at dadalo si Marga pero sinabi naman ng mga Kuya niyang hindi nila pababayaan ang mag-ina niya kung sakali. Maging ang Daddy Dwight nito ay nakiusap rin na dalhin ni Noah ang mag-ina niya total at sila-silang pamilya at mga malapit na kaibigan

