NOAH: TULALA akong naiwan na hindi nakahulma kaagad sa mga nangyari. Kung paanong napatayo si Marga, napatakbo at talon sa harapan naming lahat. "Kiss." Napabalik ang ulirat ko na marinig si Kuya Delta sabay dampi ng malamig at malambot na bagay sa pisngi ko na halos ikaluwa ng mga mata kong. . . pinahalikan niya sa pisngi ko ang sawa na pagkahaba-haba na nakasabit sa leeg nito! Halos ka-size na ng binti ko sa taba ng kulay dilaw na sawa na karga nito sa leeg at kinakalaro pa talaga! "How is, little dude. Naniniwala ka na bang. . . niloloko ka ng Marga na 'yon?" natatawang tudyo nito na ikinalunok ko. "A-alam niyo ang tungkol dito?" tanong ko na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang mga Kuya ko na napakibit ng balikat. "Well. . . magpasalamat ka kay Jen. Siya lang naman ang nagbi

